#BAUChapterTwenty-One
Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at nakikinig sa mga sinasabi niya habang nagwawala 'yung puso ko at parang gusto niya nang lumabas sa rib cage ko.
Hindi ko alam kung ano'ng dapat maramdaman ko upon hearing those words from him. Ayoko nang maniwala, sira na 'yung tiwala ko sa kaniya, e.
Pero habang minamasdan ko siya, lumalambot 'yung puso ko. At para bang may part sa'kin na gustong maniwala sa kaniya.
"Dylan.. why are you saying these words?" I asked him.
Nakayuko siya at nag-angat ng tingin sa'kin. "You're hurting me without even knowing it. And I shouldn't be mad at you, I know I shouldn't feel this way."
Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at huminga nang malalim. Nakatitig lang siya sa'kin. 'Yung mata niya na punong puno ng sigla noon ay biglang lumungkot ngayon.
He tried reaching for my face pero agad kong iniwas 'yun. Ayoko nang maging mahina sa kaniya dahil ako lang ang talo sa dulo kapag ginawa ko 'yon.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang may makakita sa'min at tinawag si Dylan. Kakanta raw siya bago mag-laban 'yung banda. Tumingin naman siya saglit bago umalis sa harap ko.
Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko at naitukod ko 'yung isa kong kamay sa pader nang makaramdam ako ng panlalambot.
"Kaye, nand'yan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Mag-bihis na tayo, tutugtog na 'yung mga banda mamaya." Sabi ni Alexa nang makalapit sa'kin.
"Ayos ka lang ba? Namumutla ka."
"I'm fine. Let's go," sabi ko na lang at pumunta na kami ulit sa may locker room para mag-palit ng damit.
Habang pabalik kami sa quadrangle ay hindi pa rin ako makapag-isip nang tama. Naaalala ko pa rin 'yung mga binitawan niyang salita. Kung paanong nasasaktan siya, kung paanong nagseselos siya.
Pero hindi, e. Takot na 'kong mag-tiwala ulit. Sobra na 'yung sakit na naramdaman ko sa kaniya noon. At wala na 'kong balak pang ma-involve sa buhay niya ngayon.
Nasaktan niya 'ko. At hanggang ngayon nasasaktan niya pa rin ako. Kaya ayoko na muli pang intindihin siya.
This time, ako muna. Sarili ko muna.
***
Bago kami bumalik ng quadrangle ay sinamahan ko muna si Yuri sa cafeteria para bumili ng mga meryenda namin. Pinauna ko na sila Alexa at Mich sa quadrangle para makakuha ng magandang pwesto kapag nag-simula na 'yung banda.
Kapwa kami may bitbit na you iced coffee and frappe ni Yuri nang makabalik kami sa quadrangle. Actually, may mga food stalls naman na naka-palibot sa quadrangle para kahit 'yung mga outsiders ay makapag-enjoy.
Pero iba pa rin talaga 'yung pagkahilig namin sa mga pagkain sa cafeteria.
"Kape muna kayo," Natatawang sabi ni Yuri at dinistribute na 'yung mga iced coffee kina Alexa, Mich, Lizz at Janine. Frappe ang sa'kin dahil baka hindi ko na kayanin 'yung pag-tibok ng puso ko kung magkakape pa 'ko.
"Tangina, pinagtitinginan ako ng mga tao. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo?" Bulong pa sa'kin ni Yuri matapos umupo sa tabi ko.
Napalingon naman ako at nakita kong may mangilan ngilan nga na estudyante ang nakatingin sa'min. Kaya madalas rin ma-issue si Yuri sa school, e. Kung hindi mai-issue na boyfriend ko daw, dahil nga palagi kaming mag-kasama. Mai-issue naman siya na bakla, dahil siya lang talaga 'yung nag-iisang lalaki sa circle of friends ko.
"Malas mo naman," Bulong ko na lang sa kaniya.
Saglit siyang lumingon sa'kin at tinaasan ako ng kilay. "Mas malas ka. Ginugulo ka pa rin nung ex mong gago,"
Speaking of which, napako ang tingin namin sa may stage nang marinig ko 'yung boses ni Dylan. Naka-suot siya ng black shirt tapos fitted jeans, hapit na hapit sa kaniya 'yung suot niya. Naka-specs rin siya. Mukha siyang matino sa suot niya.
"Hello, everyone. I'm going to sing a song for tonight, I'll dedicate this song to someone who's very special to me.." Sabi niya pa sa mic at nadako ang tingin niya sa'kin. Nginitian niya ako at nag-simula na siyang kumanta.
Let me tell you now all that's on my mind
For a love like yours is oh so very hard to find
Looked inside myself now I'm very sure
There can only be you for me
I need you more and more...Bawat bigkas niya ng linyang 'yon ay parang may hatid na mahika na siyang nagpapakalma sa'kin. He knew that it's my favorite song. Palagi niyang kinakanta sa'kin 'yun noong kami pa.
You turned me inside out
And you showed me what life was about
Only you
The only one that stole my heart away
I wanna do all I can just to show you
Make you understand
Only you
The only one that stole my heart awayDeretso lang ang tingin niya sa'kin habang kumakanta siya. Na para bang para sa'kin 'yung kanta na 'yon. Na para bang walang ibang tao dito kundi kami lang dalawa.
Akala ko sa telenovela lang nagkakatotoo 'yung sinasabi nilang tumitigil ang oras at parang kaming dalawa lang ang nandito. Pero totoo pala siya.
Ayoko man maramdaman 'to, pero wala, e. Para akong nahihipnotismo ng mala-anghel niyang boses at maamo niyang mukha. Pero sa likod no'n, hindi siya gano'n. I must know, and I already knew. I've known him since the very start.
I can't trust him anymore, I can't even trust my heart.
In my mind there's no other love
You're the only girl my heart and soul is thinking of
Only you only me (only me)
There can never ever be another
That understands the way that I feel inside
Cause you turned me inside out
And you showed me what life was about
Only you
The only one that stole my heart awayNaririnig kong kinakausap ako nila Alexa pero hindi ko sila magawang tingnan. Naka-tuon lang ang atensyon ko sa harapan. Napahawak ako sa dibdib ko kung nasa'n 'yung puso ko. Para na namang may nagka-karera na kabayo sa loob no'n.
Nagulat ako nang bumaba si Dylan mula sa stage at dahan-dahang lumapit sa'kin. Parang walang ibang tao rito dahil sa akin lang 'yung tingin niya.
Mas trumiple naman 'yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko naman dapat maramdaman 'to, e. Pero traydor nga siguro 'yung puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito, kung bakit nararamdaman ko 'to.
Ginagago na rin ba ako ng sarili kong puso?
Yeah you turned me inside out
And you showed me what life was about
Only you
The only one that stole... my heart awayNang huminto siya sa harapan ko ay inangat niya 'yung mukha ko at tinitigan niya 'ko. Nilahad niya 'yung kamay niya sa'kin.
He smiled at me before singing the last line. "Only you, the only one that stole my heart away."
Napayuko na lang ako at napakamot sa batok ko. Naramdaman ko na din ang pag-init ng pisngi ko, ayokong salubungin 'yung mga titig niya dahil para lang akong nalulunod.
"Kaye.." He called my name using his soft voice, he began caressing my face with his hand. Bawat hagod ng kamay niya ay parang ingat ingat niya 'yung mukha ko.
"Dylan.. What are you—-" Bago ko pa matapos 'yung sasabihin ko ay agad niya akong kinabig palapit sa kaniya. Then the next thing I knew is he was hugging me tight and planted soft kiss on my head.
***
A/N: credits to the song, "The Only One" by Lionel Richie.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?