Chapter Thirty-Six

10 0 0
                                    

#BAUChapterThirty-Six

"Baby.. please,"

"What?"

"Just talk to me."

Inis kong hinilot ang sentido ko bago patayin ang tawag. Kagabi niya pa 'ko tinatawagan para daw mag-usap kami dahil alam niyang galit ako.

Pero ni isa sa mga tawag niya ay wala akong sinagot. Itong tawag lang niya ngayong umaga. Si Mama ang tinawagan niya para makausap ako.

I don't know why I don't feel like talking to him. I've waited for hours for him to update me what's going on, if he's okay, if where was he and who was or were with him the whole time he's not answering my calls.

Pero namuti lang 'yung mata ko kakahintay pero wala naman siyang sinabi. I know I shouldn't thinking about something nega, but how could he blame me? Napa-praning ako. Pakiramdam ko puwedeng maulit na naman 'yung nangyari noon.

Maliit na bagay.. pero ang babaw para sa'kin.

Nang ibalik ko na kay Mama 'yung phone niya ay pumasok na rin ako. Nag-commute na lang ako papasok. Maaga pa naman kaya hindi pa gano'n ka-traffic, pero ang init. Halos humulas 'yung pawis ko sa sasakyan. Mabuti na lang at pagdating ko sa school ay hindi pa naman sila nagpa-practice kaya may time pa 'ko mag-retouch.

I turned off my phone as I enter the quadrangle. BAFM- A pa 'yung mauunang mag-practice, BAFM-D pa naman kami kaya du'n muna kami sa may covered area nag-intay.

                                   ***
Hanggang sa isang buong linggo na 'yon ay puro pag-p-practice lang 'yung inaatupag namin. Nakuha na rin namin 'yung grades namin kaya naman nag-pasya kaming magka-kaibigan na uminom ulit. For celebration lang dahil ga-graduate na kami.

Kaya ngayon ay kumpleto kaming magto-tropa dito sa bar. Si Yuri lang ang wala dahil may date sila nung girlfriend niya. Yes, nagka-girlfriend na rin siya sa wakas. Kaya tinigilan na rin nila kaming tuksuhin.

"Walang susuka, ha? Hangga't hindi nauubos 'yung alak sa table natin walang aayaw." Sabi pa ni Amy at tinuro 'yung sandamakmak na alak sa table namin. May iba't ibang hard liquiors at mga chips.

"Ikaw lang naman inayawan." Sabay naming sagot pabalik ni Zelle. Kaya inirapan nalang kami ni Amy.

Kami lang nila Zelle, Michelle at Amy ang halos nag-iingay habang umiinom dahil tahimik lang naman uminom sina Lizz, Janine at Alexa. Panaka-nakang inaasar namin si Amy dahil do'n sa nang-ghost sa kaniya. Pero tinitigilan naman namin once na mapansin naming seryoso na si Amy.

"Last three bottles! After nito, uwian na tayo, ha? Mga namumula na tayong lahat!" Tumango na lang kami sa sinabi ni Lizz. Matapos no'n ay hinatid na kami isa-isa ng driver nila Amy. Ako ang pinakamalayo dahil hindi naman ako nag-do-dorm na. Kaya halos 2:00 am na nang makarating ako sa bahay.

                               ***
"Congrats, BAFM D! Group hug!!" Sigaw nung Class Mayor namin matapos namin umakyat sa stage lahat. Nag-group hug naman kaming buong section kasama 'yung adviser namin.

Halos nagka-iyakan pa 'yung iba. Kaya natawa na lang kami dahil kumakalat na din 'yung make-up ng iba.

Naging maayos naman 'yung Graduation Ceremony namin. Sakto lang 'yung na-consume naming oras, hindi gaanong matagal, katamtaman lang.

May mga pa-bouquet flowers na binigay sa'ming mga Dean's Lister. Ang sarap lang sa feeling dahil lahat kami ng squad namin ay DL kaming lahat.

We took a group picture hanggang sa mag-yakapan kaming magka-kaibigan at nauwi na rin sa iyakan.

"Gago kayo, ma-mi-miss ko kayo.." Mahinang usal ni Michelle.

"Aw, sweet. Ako hindi.." Biro ko pabalik.

"Ugali mo naman." Nag-tawanan lang kami at hinubad na namin 'yung grad coat namin, revealing our dresses. Nag-solo picture kami at group picture ulit bago maghiwalay-hiwalay dahil pinuntahan na kami ng mga magulang namin.

"Congrats, anak. Graduate ka na.." Agad kong niyakap sina Mama at Papa nang mapansin kong paiyak na sila.

Doon na rin bumuhos 'yung luha ko. Ngayon lang nag sink-in sa'kin lahat. Na.. sa wakas ay tapos na 'ko.. nakayanan ko 'yung college life na noon ay akala kong hindi ko kakayanin. But in God's grace.. I made it. And now all I can see is my parent's are proud of me.

"Congrats, baby.." Napahiwalay ako kina Mama at Papa nang madinig ko 'yung boses niya.

It's been a week since the last time I saw him. I missed his voice. Agad akong yumakap sa kaniya.

"Shh.. sorry I came late." Pag-alo niya pa sa'kin. He kissed my forehead before leaning down to kissed my lips. I cupped his face and kissed him back. Natigil lang kami nang umubo si Papa.

Napayuko na lang ako. Nando'n pa pala sila. Akala ko umalis na.

"Ang lalandi niyong dalawa."

"Mamaga sana nguso niyo."

"Shet, ano 'to bold?"

"Akala ko bouquet at certificates lang matatanggap ni Kaye.. pati pala halik."

"Kaya pala ang sama ng pakiramdam ko kahit gumraduate na 'ko, dapat pala may kahalikan."

Natawa na lang kami sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko. Inabutan ako ni Dylan ng bouquet ng bulaklak. Nahirapan tuloy ako hawakan 'yon dahil may bouquet na 'kong hawak kanina.

Dylan turned around to faced my friends. "Congrats, girls.." bati niya sa mga kaibigan ko. Nginitian rin naman siya ng mga kaibigan ko pabalik.

"Wala kaming kiss?" Napataas ang kilay ko sa tanong ni Zelle.

Natawa naman si Dylan at inakbayan ako. "Baka tapyasin ko nguso mo, Izella." Pagbabanta ko pa sa kaniya. Natawa naman sila at nag-paalam na rin samin. Of course, may kaniya kaniyang fambam 'yung mga 'yon.

Kaya nauna na kaming mag bonding noong nakaraang araw, e. Kasi nilaan na namin 'yung grad day namin with our families.

Muling hinarap ni Dylan 'yung mga magulang ko at inaya kaming kumain sa labas. Treat daw niya kami dahil graduation ko. Sa isang araw pa 'yung graduation nila sa SPCSU kaya naman mas nauna akong gumraduate sa kaniya.

Sa Korean resto kami dinala ni Dylan. Siya na ang umorder para sa'min. Eat all you can daw 'yon kaya naman natuwa si Papa. Muntik pa silang mag-away ni Mama dahil puro baboy ang kinakain ni Papa.

"Sweet.. sana ganiyan rin tayo 'pag kinasal tayo." Bulong pa sa'kin ni Dylan at bahagyang hinalikan 'yung balikat ko.

"Hu, babaero ka naman." Inirapan ko pa siya kaya naman inakbayan niya 'ko at hinila pa 'ko palapit sa kaniya.

He leaned closer and whispered on my ear. "Pinsan ko nga 'yung nakita mo. Ayaw mong maniwala, e. May nalalaman ka pang hindi ako kausapin ng ilang araw.."

Tinaasan ko naman siya ng kilay na ikinatawa niya.

E'di ako na praning..

Halos dalawang oras kaming kumain sa Korean resto bago nag-pasyang umuwi. Halos pa-gabi na rin kaya umuwi na kami agad.

Nang makarating kami sa bahay ay naunang bumaba sina Mama at Papa.

"Thank you for today, baby.." I smiled at him.

He nodded his head and pouted his lips. Na-gets ko naman na agad 'yung ibig niyang sabihin kaya tinanggal ko 'yung seatbelt ko at mabilis siyang hinalikan. Pero pinalalim niya 'yung kiss namin kaya halos mag-habol kami ng hininga nang maghiwalay ang mga labi namin.

"Go change your clothes."

"What? Why?"

"We're going on EK."

"At this night? You serious?"

Tumango na lang siya at pinakita sa'kin 'yung tickets. "Date night on EK would be great."

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon