Chapter One

28 2 5
                                    

#BAUChapterOne

I tried crying my heart out loud pero nakatakip ang malaki niyang kamay sa bibig ko. Wala akong kalaban-laban, ni hindi ko magawang ipagtanggol man lang 'yong sarili ko.

Nanghihina ako. Unti unti akong namamatay. Parang wala na 'ko makitang pag-asang makakatakas pa ako.

"Shh. H'wag kang maingay. Alam mo namang matagal na kitang gusto, 'di ba?" Tanong niya sa'kin. Nanlilisik ang mga mata niya na para bang hayok na hayok na talaga siya.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Wala na 'kong nagawa nung hawakan niya 'yong maselang parte ng katawan ko gamit ang isa niyang kamay. Mula doon ay hinawakan niya pa 'ko sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Sa lahat yata ng sulok ng katawan ko— gusto niya akong hawakan.

Napapikit na lang ako at nag-unahang mag-landas ang mga luha ko. Tahimik akong nanalangin sa Panginoon, na sana iligtas niya 'ko.

Hindi ako marunong magdasal pero nagawa ko Siyang tawagin ngayon. Para tulungan ako. Gusto ko nang makatakas dito.

"Bata ka pa lang, gusto na kita. Ngayon pa kaya na dalaga ka na. Napaka-ganda mo." Para akong masusuka sa mga pinagsasabi niya. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko para hindi na makita 'yong pagmumukha niya.

Naka-tali ang mga kamay at paa ko— wala na talaga akong kawala sa demonyo na 'to.

"Lord, please. Help me. Save me." Sabi ko na lang sa isip ko. Pero lumipas ang ilang minuto wala talaga akong nakikitang senyales para makatakas ako.

Hanggang sa maramdaman ko 'yong kamay niya sa dibdib ko, marahan niyang nilaro 'yong tuktok no'n at maya maya'y ipinalit ang bibig niya.

"Napaka-sarap mo..." Bulong pa nito sa'kin. Hinawakan niya ang mukha ko at nilapit ang bibig sa tenga ko.

"Tandaan mo 'to, hangga't nabubuhay ako, walang pwedeng mag may-ari sa'yo."

"Kaye!! Kaye! Gising!" Para naman akong binuhusan ng tubig na siyang nagpagising sa'kin. Nakita ko agad ang mukha ni Alexa na siyang roommate ko kaya agad ko siyang niyakap at umiyak sa balikat niya.

Naramdaman ko ang marahan niyang pag-hagod sa buhok ko at sa likod ko. "Shh, binangungot ka na naman, 'no? Tama na. Safe ka, okay? Andito ako."

Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kaniya. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya at hinayaan kong kumawala lahat ng luha sa mga mata ko. Patuloy pa rin siya sa paghagod sa likod ko, as if she was telling me na magiging okay rin ang lahat, na safe ako dito. Na hindi na mauulit 'yong pangyayari na 'yon.

It's been five years— pero nandito pa rin 'yong sakit. Akala ko wala na. Akala ko kaya ko nang matulog nang payapa dahil alam kong malayo na ako sa kaniya. Pero hindi pa rin pala.

Dahil sa tuwing maaalala ko 'yon, nag-uunahan 'yong takot at pangamba sa dibdib ko. Parang anytime ay pwedeng mangyari ulit 'yon.

"Teka, dito ka muna. Ikukuha kita ng tubig." Sabi pa ni Alexa at tumayo na siya para kumuha ng inumin sa mini-fridge namin.

Matapos ang limang taon na 'yon, nag-pasya akong bumukod na muna. Mabuti't may dorm sa school na pinapasukan namin ni Alexa, kaya hindi na 'ko nahirapan. Siya rin 'yong pinili kong kasama dahil siya lang naman ang nag-iisang kaibigan ko, siya lang rin 'yong maaasahan ko.

Uminom muna ako ng tubig at kinalma ang sarili. Nakatingin lang siya sa'kin na para bang naaawa siya at nalulungkot para sa'kin.

I forced a smile, that's the least I could offer. Thankful pa rin ako na may Alexa akong kaibigan. Siya lang naman talaga kakampi ko.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon