Chapter Thirty-Seven

11 0 0
                                    

#BAUChapterThirty-Seven

"Woah.." I couldn't help myself but to be amazed and wondered around upon seeing the EK. It's been a long time since I last went here. Field trip pa yata ng SHS noong huli akong naka-punta dito.

"You like here?" Tanong ni Dylan matapos iyapos ang braso niya sa'kin. Tumango naman ako at tumingin sa kaniya.

"Thank you.." I smiled at him. Mas naging magical 'yung EK dahil kasama ko 'yung taong mahal ko. Kahit pa gabi na. Basta kasama ko siya, okay lang.

Isa pa.. ito naman talaga 'yung gusto ko, e. Makasama siya sa EK.

Hinawakan niya 'yung kamay ko papasok ng EK. Magsasalita pa sana ako para itanong sa kaniya kung bakit puwede pang pumunta dito ngayong gabi. E, last time I checked.. closed 'to ng gabi for some reasons. Pero sa tuwing titingnan ko siya ay naka-kibit balikat lang siya na para bang alam na niya kung ano 'yung tumatakbo sa isip ko.

"Where do you wanna ride first?"

"You." Mabilis kong sagot na ikinagulat naman niya.

Mahina siyang natawa bago pisilin ang pisngi ko. "Miss mo ba? We can do that here. No one's watching." Sabi pa nito at kinindatan ako.

"Gago."

Maya maya pa'y may lumitaw na babae sa harapan namin. She's wearing polo shirt that has the logo of EK on the right corner. She looks like her on early 40's age.

Ngumiti ito sa'min. Ngumiti na lang rin kahit hindi ko kilala kung sino siya. Bumitaw sa kamay ko si Dylan at lumapit sa babae bago makipag-beso beso rito.

"Hello, Dylan.." Napatingin sa'kin 'yung babae at nilapitan ako. Napakunot naman ang noo ko nang hawakan niya 'yung mukha ko. "Kaye? Ikaw ba 'yan? Kaye Santiago?"

"Uhm, opo.." Bakas pa rin sa'kin ang pagtataka. Bakit niya 'ko kilala?

Muli siyang bumaling kay Dylan at hinampas ito sa braso. "Hindi mo naman sinabi.. nag-work pala 'yung comeback sa inyong dalawa!"

Tatawa tawang tumabi sa'kin si Dylan at inakbayan ako. "'Pag naka-tadhana na talaga, Tita.. mahirap nang hadlangan pa." Sabi pa nito at hinalikan 'yung gilid ng ulo ko.

"Kaya ikaw, Tita. Mag-comeback na rin kasi kayo ni-"

Agad namang minwestra nung babae ang kamay niya para patigilin si Dylan. Umiiling pa ito na para bang hindi sang-ayon kay Dylan. "Naku, hindi na. Graduate na 'ko sa buhay may asawa."

"Anyway, sige na. Mag-enjoy na kayong dalawa. May aayusin lang ako sa office." Sabi pa nito bago umalis. Napatingin naman ako kay Dylan.

"Who's that?" I asked him. Nakalimutan niya yatang ipakilala 'yung babae sa'kin kanina dahil sa kwentuhan nila.

"Aunt Maricris. Mother of Isa."

"And who's Issa?"

"Jack's girlfriend." Sagot niya bago kami sumakay do'n sa may Rio Grande. Hindi na lang ako umimik at in-enjoy na lang namin 'yung gabing magkasama kaming dalawa.

Halos lahat yata ng rides dito sa EK ay sinubukan namin. Ultimo 'yung mga maka-tanggal bituka talaga, hindi namin pinatawad. Mas nakakadagdag lula pa dahil tinatakot niya 'kong hindi daw maayos 'yung pagkakagawa ng rides. May nag-tu-tunugan daw na turnilyo.

Kaya sa tuwing nagpa-panic ako ay tinatawan niya lang ako. Hindi ko alam kung dinala ba niya 'ko dito para mag-enjoy kaming dalawa or siya lang.

Matapos namin sakyan 'yung mga rides ay nag- bump car naman kami at nag-basaan nang kung ano ano. Mabuti't may dala siyang spare clothes sa sasakyan kaya naman nakapag-palit kaming dalawa.

                                        ***
Almost 9:00 PM na rin nang matapos kami sa lahat ng mga gagawin namin sa EK kaya namahinga muna kami sa may bench malapit sa mga food stalls. Bumili na lang kami ng hotdog sandwich and drinks.

Kinausap rin namin 'yung Aunt Maricris niya na mag-sstay pa kami nang ilang oras pa rito. Pumayag naman ito at sinabing walang problema dahil malakas naman si Dylan sa kaniya.

Tahimik akong kumakain ng hotdog habang tinitignan 'yung mga pictures sa phone ko.

"Kaye."

"Hmn?"

"Stop it.."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Dylan. I looked at him, he was staring at me then at the hotdog sandwich I'm holding.

"Stop teasing me, fuck."

"What the fuck, Dylan?" I almost got choked on what he said. Damn, pati ba naman pag-kain ko ng hotdog, lalagyan niya nang malisya?

"You kept licking and biting that fucking hotdog and making some sounds. How do you expect me to react?" Naka-taas na ang kilay niya na para bang pinipigilan niya talaga 'yung sarili niya.

Natawa naman ako. E, ano'ng gagawin ko? Ganu'n ako kumain ng hotdog, e. Binabalatan ko muna tapos tsaka ko kinakain. Syempre, kapag nasasarapan ako sa kinakain ko.. nakakagawa ako ng mahinang sounds na nasasarapan talaga 'ko.

Shit. Nadumihan pa tuloy 'yung hotdog dahil sa iniisip ni Dylan.

"Just.. just finish your food. I'll just vape." Sabi niya at tumayo na para pumunta sa may gilid ng food stall. Tinapos ko na lang 'yung kinakain ko pati 'yung iniinom ko.

Nang matapos na 'ko ay inaya ko si Dylan sa may Ferris Wheel. Sinabi ko sa kaniyang huli naming sakyan 'yung ride na 'yon para mas dagdag romantic. 'Yung chill ride lang. We can even do some talkings.

Nakatingin lang ako sa labas ng Ferris Wheel habang umaandar 'yon. Sobrang saya ko kapag kasama ko si Dylan.. to the point na nakakalimutan kong aalis rin siya. Iiwanan na naman niya 'ko.

Handa naman na dapat ako, e.

Pero sa tuwing naiisip ko 'yun, nalulungkot ako. Parang ang kaunti lang nung time na napag-saluhan namin. Tapos, babawiin na agad.

"You're crying.." Mahinang usal ni Dylan.

"What? No."

"It wasn't a question. I saw tears from your eyes. You're crying.." Sabi niya at nilabas 'yung panyo niya. He cupped my face and wiped my tears off.

"I'm just happy." I smiled. Which was half true, yes nakakalungkot na aalis siya, na iiwan niya 'ko. Pero masaya na rin ako.. dahil alam kong kahit mapunta man siya sa malayo.. kami pa rin.

He nodded his head then placed my head on his shoulders. He was humming something as we both looked at the same sky, fascinated with the stars. It was so magical.

Everything is perfect.

"I hope we could stay like this forever.." I almost whispered.

"We can.."

Pero aalis ka. Iiwanan mo 'ko ulit. Bulong ko sa isip ko. Hindi ko na lang 'yun sinabi sa kaniya just to not ruin the mood.

"Live with me." Napaangat naman ang tingin ko sa kaniya. At nang mag-tama ang paningin namin ay nginitian niya 'ko. Nangungusap 'yung mga mata niya. Na para bang gusto niya talaga akong makasama.

"How?"

"Basta. I still have place where we can live there together— just the two of us."

"Paano si Jack?"

"Why thinking of him? He's not that kid to be taken cared of. And nope, we won't live with Jack."

Tumango na lang ako at nakinig sa sasabihin niya. Of course, gusto kong makasama siya. Gustong gusto. 'Yung malayo sa problema. Malayo sa mga bagay na nakakapag-pasuffocate sa'kin.

A place where I can be free.

A place where I feel like I'm home. Because with Dylan, I know my heart is at home. He's my home.

And will always be.

"So, will you live with me?"

Agad kong tinango 'yung ulo ko. Hindi ko naman na kailangan pang pag-isipan 'yon. I just wanted to be him, hanggang sa time na kailanganin niya nang umalis.

"Great. I love you.." he smiled at me then gave me a soft kiss on my forehead.

I inhaled large amount of air before finally saying those words. "I love you, too." I smiled at him before pressing my lips on his.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon