Chapter Twenty-Seven

13 0 0
                                    

#BAUChapterTwenty-Seven

Nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog ng phone ko. Pupungas pungas pa 'ko dahil inaantok pa talaga 'ko. Sumasakit rin ang ulo ko.

Inis kong inabot ang phone ko sa side table at namilog ang mata ko nang makita kong tanghali na pala. Shocks! Gaano ba ako katagal tulog?

"Morning, baby.."

Napalingon ako kay Dylan na nagsalita sa tabi ko. Umusod siya nang kaunti at iniyakap ang braso sa may tiyan ko.

"Tangina, ano'ng nangyari?" Gulat kong tanong sa kaniya. I grabbed the sheets as I saw my body naked. Darn! Paano kami napunta dito?!

"You talk too much, baby. I'm still sleepy.." Sabi pa niya at muling isinubsob ang mukha niya sa may leeg ko. Agad namang nag-karera ang mga kabayo sa dibdib ko.

Is this what you called— cuddling after sex? Gosh! It feels good! Kahit sa kinamumuhian ko pang ex.

Pero kasalanan ko rin naman, bumigay ulit ako. Nagpatukso ako sa lintik na alak at presensya ni Dylan.

Hindi ko na nagawa pang kausapin siya at itanong kung paano kami napunta dito sa room niya, dahil baka ikwento niya mula sa umpisa 'yung lahat. Detailed pa naman 'to mag-kwento.

Akala mong wala lang sa kaniya 'yung sex!

Narinig ko 'yung mahina niyang pag-hilik sa leeg ko. I must admit, I hate him, yes. But why does it feels like I'm safe and at ease when I'm with him? Like, he's my safe place.

Napahinga na lang ako nang malalim habang bahagyang hinihilot 'yung ulo ko. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko 'yung nangyari. Baka sermonan na naman ako. Kaya lang, ayoko namang hindi sabihin!

I felt his fingers drawing circles on my shoulders. Hindi na lang ako umimik. Hinayaan ko nalang siya. "I was such a liar back then.."

"What?"

"I lied when I told you I didn't love you, I never did. At that time, I know it wasn't you who I was fooling too, but also myself."

***

Nang makabalik ako sa room namin ay binungadan agad ako nina Alexa at Mich ng sermon. Kung saang lupalop daw ako nag-punta at ngayon lang ako umuwi. Alalang alala daw sila sa'kin dahil baka may kung ano nang nagyari sa'kin.

Hindi nila alam nagpa-keme lang ako sa ex ko. Gosh, para naman akong pokpok sa mga sinasabi ko!

"Alalang alala si Yuri sa'yo. Alam mo bang hindi pa yata natutulog 'yun? Dahil from time to time, tinatawagan niya kami kung nandito ka na daw ba." Napayuko naman ako sa sinabi nila. I made them worried. Babawi na lang ako sa kanila.

Pero hindi ko alam kung sasabihin ko ba 'yung nangyari...

"Gulo gulo pa 'yung buhok mo. Para kang nagahasa." Sabi pa ni Alexa nang umupo ako. Tumayo naman siya sa likod ko at sinuklay 'yung buhok ko.

Naningkit naman ang mata ni Michelle at lumapit sa'kin na parang sinisipat ako. "Sandali, saan galing 'yung pula sa leeg mo at balikat mo?"

Agad ko namang tinaas 'yung damit ko at tinakpan 'yun.

"A-ano 'yun.. m-malamok kasi kagabi, naglakad lakad ako no'n tapos—"

"Nandito rin pala si Dylan sa resort nila Janine?" Napalingon kaming lahat kay Lizz. Ipinakita niya pa sa'min 'yung laptop niya at nasa IG 'yon. It was a post of Dylan, resting on the balcony of his room, he's wearing black sando and pajamas while holding a cup of coffee.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon