#BAUChapterThree
Buhaghag pa 'yong buhok ko nang makarating ako sa school namin, ni hindi pa nga ako nag-aayos. Late ako nagising kaya medyo late rin ako nakapasok ng school. Sinabi ko nalang sa guard na may emergency kaya ako nalate, lintek na guard 'yan, akala mo principal.
'Pag dating ko sa building ng Business Ad ay nag-kalat ang mga tao sa hallway, wala daw kasing professor ngayon dahil may meeting sila with other faculty members. Hinagilap ko na lang sina Alexa dahil for sure palisaw lisaw lang 'yon kung saan saan.
Nang wala talaga akong nakitang anino ni Alexa or ni isa man lang na ka-close namin sa building ay tinawagan ko nalang siya— pero hindi rin siya sumasagot.
To: Babe Alexa
Tapon mo na 'yang cp mo. Walang kwenta.
Wala pang ilang minuto ay nag-reply siya.
From: Babe Alexa
Ikaw nga walang kwenta. Tinapon ba kita? Nasa lib ako, tara meeting.
Nag-reply na lang ako ng OK at pumunta na sa library. Hindi naman siya malayo sa building namin dahil kada building naman ay may kaniya-kaniyang library. Madami rin kasing estudyante kada course department, kaya for sure hindi kakayanin ng isang library lang kapag nagsama-sama lahat.
"Oh, ba't late ka?" Bungad sa'kin ni Alexa nang umupo ako sa tabi niya.
"Gaga, late lang alarm."
"Nasisi pa nga." Naiiling pa na komento nina Janine at Lizz. Kinindatan naman ako ni Michelle at natawa nalang kami na parang ewan. Alam kasi nila kung anong dahilan ng pagpupuyat ko. Kung hindi Netflix or K-Drama, mag-da-dating app ako.
Habang busy sa pag-no-notes ng mga important details para sa research namin sina Michelle at Lynneth ay inayos ko na muna 'yong itsura ko. 'Di naman mahirap suklayin buhok ko dahil kakapagupit ko lang.
I applied powder and lip balm lang. Okay na 'yon.
Tagalog kasi na research 'yong pinapagawa sa'min. Dahil wala naman kami makitang gano'n ay pinili na lang namin na gumamit ng English research, tatagalugin na lang. Bahala na.
Medyo hindi naman ako nahihirapan or na-sstress sa thesis na gagawin dahil mga kaibigan ko 'yong ka-group ko. Si Lynneth matagal nang student rito, kami kasi nila Alexa, Michelle, Janine at Lizz— friends na kami ever since we were in SHS.
Dadaldalin ko sana sina Alexa kaya lang nakita kong lahat sila ay may nakalabas na kaniya kaniyanh cellphones at nag-se-search ng mga links para sa pwede naming pagkuhanan ng informations sa thesis namin.
Nag-labas na lang rin ako ng cellphone, nakakahiya naman. 'Di pwedeng puro ganda lang ambag ko dito.
"Eto 'yong mga possible titles and topic na naisip namin. Tatlo 'yang ipapasa natin kay Sir tapos siya na mamimili kung alin d'yan 'yong aaralin natin." Sabi ni Alexa at inabot sa'kin 'yong yellow pad na sinusulatan nila Mich kanina.
"Sakit sa ulo. Kanino bang handwritten 'to? Mukhang kinalahig ah." Bumulagnit naman ang tawa ng mga kasama ko kaya naman na-warning-an kami ng librarian. Kung mag-iingay daw kami ay lumabas na kami.
"Si Kaye po 'yon." Turo nila sa'kin lahat.
"Sama naman ng ugali mo. Ba't ka ganiyan?" Tanong pa ni Mich. Alam kong siya nag-sulat nung sa yellow paper dahil mukhang ginulgol talaga 'yong sulat niya.
—
Nang matapos kami mag meeting ay dumeretso kaming apat sa canteen para kumain na muna. Dahil after ng break namin ay may subject kaming Accounting na good for 3 pakeninh hours. Si Lynneth na ang nag-presinta na pumunta sa office ni Sir para maipasa 'yong topic na nagawa namin kanina at pati 'yong nangyari sa meeting namin.
"Kami na bibili. Ano inyo?" Presinta ni Lizz na nakaangkla sa braso ni Janine.
"Sa'kin chicken barbecue tapos c2." Sabi pa ni Alexa.
"Sisig tapos softdrinks. Hingi ka sabaw." Sagot ni Mich.
"Akin rin." Sabi ko pa at tumango nalang sila. Nag-selfie lang kami sa cellphone ni Alexa habang hinihintay 'yong dalawa.
"Hoy, teka. Ulitin niyo. Sali ako!" Nagulat kami sa biglaang pag-akbay sa'min ni Yuri. Umupo siya sa gitna namin ni Alexa at nag-picture kami ulit.
"Ba't andito ka? Tapos na class niyo?" Tanong ko sa kaniya.
Tumango naman ito at nag-selfie mag-isa sa cellphone ni Alexa. Wala naman nang nagawa si Alexa kundi hayaan na lang siya sa trip niya.
"Kumain ka na ba?" Tanong naman ni Alexa.
"Tapos na. Nakita ko lang kayo kaya sumunod ako."
"Naku, nakita mo lang si Kaye, eh." Bulong pa ni Alexa kaya agad ko siyang pinandilatan at kinurot nang mahina sa tagiliran niya. Napaigtad naman siya sa kiliti dahil do'n.
Nang makabalik na sina Lizz at Janine ay nag-umpisa na kaming kumain. Galit galit muna kami kapag kumakain, paborito ko ang sisig kaya maaga akong natapos kumain. Akma ko nang kukunin 'yong softdrinks ko nang biglang agawin ni Yuri 'yon at palitan ng lemonade.
"Hoy, bakit?!"
"Puro ka na naman softdrinks, ha? Ayan nalang sa'yo." Sabi niya at inginuso 'yong lemonade. Ayaw niya kasing umiinom ako ng softdrinks. May UTI daw kasi ako. Ewan ko ba dito, magaling pa sa doctor.
Sa doctor ko nga hindi ako sumusunod, e!
Napasimangot na lang ako nang sipsipan niya na 'yong softdrinks ko. Napapikit na lang ako nang magsimula kaming tuksuhin ng mga kaibigan ko. Alam kasi nilang matagal na kaming mag-kaibigan ni Yuri kaya shiniship rin nila kami.
Jusko, kung alam lang nila! Bff lang talaga kami nito!
"Ubusin mo 'yan. Balik lang ako do'n sa table namin. Lalaro kami." Bago pa ako makasagot ay umalis na siya bitbit 'yong softdrinks ko.
"Ay, ang sweet ha? Muntik na kami langgamin."
"Alam mo, duda na talaga ako. Feeling ko may namamagitan na sa inyong dalawa."
"Bagay naman kasi kayo. Kayo na lang!"
"Pakaarte mo kasi. Si Yuri na lang! Baka siya talaga 'yong para sa'yo!"
Nilabas ko na lang 'yong cellphone ko at hindi na sila pinakinggan. Bahala sila d'yan, mag-i-instagram na lang ako. I took a selfie and posted it on my ig story.
Matapos no'n ay nag facebook na lang ako. Abala na din naman sila sa kanila kanilang cellphones.
Pagbukas ko ng fb ko ay muntik ko nang mabitawan 'yong phone ko sa post na bumungad sa'kin.
Post 'yon ng pinsan ko— it was a picture of her Mommy— my auntie, on my father's side with a caption of "No more pain, Mommy. We'll miss you!"
Sukat doon ay agad akong napasigaw at naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Nagsimula na din mag-landas ang mga luha ko.
"Hoy, gaga. Bakit?" Sabay sabay nilang tanong. Kahit nanginginig ang kamay ko ay pinilit kong maipakita sa kanila 'yong cellphone ko.
Inabutan nila ako ng tubig pero bago ko pa mainom 'yon ay isang pares ng braso ang yumakap sa'kin patalikod. I knew who it was. From his scent, and the way he rubbed my hair.
"Y-yuri.."
"I'm always here for you. I love you."

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
SonstigesMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?