#BAUChapterNine
"Aba, gago siya! Tigilan niya 'ko at baka samain siya sa'kin!"
Kanina pa 'ko nag-ra-rant kay Alexa tungkol kay Dylan. Napapatakip na rin siya ng tenga niya dahil malakas at matinis 'yong boses ko. E, sa ganong paraan ko nailalabas 'yong gigil ko, e!
I know na hindi naman dapat ako nagpapaapekto ng husto kay Dylan at sa presensya niya. Pero paano ba naman hindi ka maiinis do'n? Tawag nang tawag ng 'baby', may nalalaman pa siyang gagawin daw niya lahat para ma-in love ako ulit sa kaniya.
Ulol siya, hindi na 'no! Tapos na 'yong pagpapakatanga ko sa kaniya. Graduate na 'ko do'n, ayoko naman mag-masteral.
"Kumalma ka lang kasi. High blood ka naman kasi masyado, e." Mahinang sabi ni Alexa sa'kin habang inaabutan ako ng tape na naka-bilog na para maidikit sa balloons.
Nag-de-decorate kasi kami ng room dahil birthday ngayon ng Prof namin na si Dr. Evangelista. May kaniya-kaniyang part kami na ginagawa, 'yong iba ay nag-didikit ng mga crepe paper sa may ceiling, meron namang nag-di-dikit ng mga pictures ni Ma'am sa kada dulo ng tali ng balloons.
At dahil ako ang mas matangkad kay Alexa ay ako na ang nag-dikit ng mga balloons na gold and silver. Taga-abot na lang siya ng tape sa'kin.
"Kaye niyo gigil na." Natatawa pang sabi ni Mich habang nag-bobomba pa ng mga ibang lobo.
Napailing na lang ako at nag-focus na rin sa ginagawa ko. Maya maya lang ay aakyat na rin dito si Ma'am. Kailangan pa naming gumawa ng eksena para lang matawag agad si Ma'am. Busy kasi si Ma'am sa office niya, pero ang gagawin namin ay ipapasundo namin siya sa Class Mayor namin at sasabihing may nag-aaway sa room namin.
Cliché. Masiyado nang marami ang gumagawa nang gano'n na eksena pero bahala na. Ang mahalaga, ma-surprise namin si Ma'am.
"Tapos na ba? Okay na lahat?" Saktong pag-tanong ni Mayor ay nag-ok sign na kami, senyales na ayos na lahat.
Muli naming pinasadahan nang tingin ang mga decor namin sa room. Meron mga pictures ni Ma'am, mula noong dalaga siya hanggang ngayon. May mga balloons rin na silver and gold, may congratulations na banner pa kami na naka-dikit sa class board namin katabi 'yong banner na Happy Birthday.
Bukod kasi sa birthday niya ay na-promote rin siya bilang new Head Department ng SLR.
"Okay, ako na ang susundo kay Ma'am. Ric and Vin! Mag-patayan na kayo!" Muling sigaw ni Mayor bago lumabas ng room. Natawa naman kami sa sinabi ni Mayor. Sila Ric at Vin kasi 'yong mag-aaway kunno. Saksakan lapis, ewan ko ba sa mga trip niyan.
Pumwesto naman silang dalawa sa gitna at talagang nag-bukas pa ng butones ng uniform at pinagmukhang dugyot ang isa't isa para bongga talaga. Nag-kumpulan na kami na kunwari ay umaawat sa dalawa.
"Ano ano ano ano ano ano ano!"
"Hawakan mo sa nga tenga, oh!"
"Boo! Wala ka pala, e!"
"Ang pangit mo, Ric!"
Napabitaw naman si Ric sa kwelyo ni Vin at tiningnan ito nang masama. "Gago, wala namang personalan. Joke joke lang naman 'to, ah!" Doon napuno nang tawanan ang buong room pero agad rin kami tumigil nang sabihin ng 'look out' classmate namin na malapit na dito sa room sina Mayor at Ma'am.
"Mr. Dela Fuente and Mr. Santos! What the—"
Agad nabitin ang sasabihin ni Ma'am nang makita ang decoration ng room. Agad na nagpa-sabog ng confetti si Jose at sabay sabay naman kaming bumati ng 'Happy Birthday and Congratulations, Ma'am!'
BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
РазноеMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?