#BAUChapterTwenty
For the last day of exam namin ay puspusan talaga 'yong review na ginawa namin. Four subjects ang itatake namin ngayon at lahat 'yon ay major namin, mga computations. This time, I made sure na may dala na akong calculator. Baka ma-bingo na 'ko sa mga Prof ko pag nag-kataon.
Bitbit ang paper bag ko na may laman na mga pamalit na damit ay nilagay ko na muna sa locker ko 'yon at dumeretso na sa building. Mamaya kasi ay mag-lalaban sa singing contest at dance contest 'yong mga representatives ng kada department. Pero dahil dance club officials kami nila Alexa ay may ipe-perform kami mamaya, tapos no'n ay may dance number naman kaming ipe-perform noong kasamahan ko rin sa club.
Tapos magkakaroon ng open house mamaya at battle of the bands kaya naman magkakaroon ng mini concert mamaya.
Bago ako dumeretso ng room ay pinuntahan ko muna si Dylan sa office ni Prof Evangelista pero hindi ko siya nahagilap doon. Si Prof lang ang nandoon at sinabing nasa cafeteria sila ni Jack kaya pinuntahan ko sila do'n.
Medyo marami rin ang tao sa cafeteria, 'yong iba ay nagrereview at 'yong iba ay kumakain talaga. I stopped looking for Dylan when I saw him. He stared at me then smiled. Agad naman akong lumapit sa kaniya.
"Calcu mo."
"Wala man lang good morning?" Sabay nilang tanong.
"I came here just to give this back to you. Thanks," Tipid kong sabi at nilapag na 'yung calcu sa lamesa. Aalis na sana ako nang hawakan ni Dylan 'yung braso ko.
"Upo ka. Samahan mo 'ko kumain." Sabi pa nito bago uminom ng iced coffee niya.
Napalingon naman ako kay Jack na nagpipigil ng tawa niya. "Nand'yan si Jack. Date kayo."
Agad naman siyang tumayo at dinala na 'yong iced coffee niya. "Ay, may kukuhanin pala 'ko sa library." At iniwan niya na kami.
"Uupo ka ba o pauupuin pa kita? Pinagtitinginan na tayo." Mahinang usal ni Dylan. Napa-ikot na lang ako ng mata at wala nang nagawa kundi ang umupo sa tapat niya.
Siya na ang umorder ng pagkain para sa'kin. Sinamahan niya pa 'yon ng blueberry cheesecake at frappe para sa'kin.
Tahimik akong kumakain habang siya ay naka-titig lang sa'kin. Nailang naman ako kaya tinaasan ko siya ng middle finger na agad niyang ikinatawa.
"Missed you." Sabi niya pa at kinindatan ako.
At doon na ako nasamid sa iniinom ko.
***
"Time's up, class. You may now pass the papers. Finish or not." Halos karamihan sa'min ay napa-'shit' na lang dahil sa sinabi ni Prof Macalipay. Mahirap kasi 'yung subjects namin kaya hindi talaga kaya ng 4 hours lang 'yon. Nag extend pa nga ng 15 minutes kaya may natira pa 'kong time para i-double check 'yung gawa ko.Pagtapos ng exam namin ay kaniya kaniyang punta na kami sa may quadrangle namin sa may stage dahil doon gaganapin 'yong pageant. After no'n ay contest na para sa singing at dance.
Pumunta na kami ni Alexa sa may locker room at kinuha 'yong mga damit namin. Magka-ibang paper bag pa 'yung pinaglagyan ko ng damit kasi kapag magkasama sa iisang bag baka malukot kapag nag-patong.
Nag-palit muna kami ng high waist black shorts na may bakal bakal tapos crop top na malaking shirt 'yung pang-taas. Pagbalik namin sa quadrangle ay pinag-tinginan pa kami dahil sa mga suot namin. May ibang outsider na rin na nandito.
Mabilis rin nag-simula 'yong program dahil may battle of the bands pa. Nag-sayaw muna kami ng Power ng Little Mix tapos Strip That Down ni Liam Payne. Matapos no'n ay kaming lima naman nila Alexa at nung iba pa naming kasama sa dance club, sumayaw kami ng mga hits ng BlackPink.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?