Chapter Thirty-One

11 0 0
                                    

#BAUChapterThirty-One

"Date tayo, sige na.." Nakai-ilang kamot na ako sa ulo ko dahil sa kakulitan ni Dylan. Sabi ko sa kaniya ay 'wag muna akong puntahan o abalahin man lang dahil kailangan kong mag-aral dahil nalalapit na 'yung finals namin. Pumayag naman siya noong una e, ngayon bigla nalang susulpot dito sa bahay.

Ang sabi ko naman rin kina Mama kapag nag-punta si Dylan, ay huwag papasukin o sabihing wala ako dito at may ginagawa ako. Pero nasuhulan sila ng groceries kaya agad silang pumayag.

Napahilot ako sa sentido ko. It's not as if I don't wanna be with Dylan, it's just that— I wanna focus on reviewing for finals.

"Dylan, please.. I'm busy.." pabulong kong sabi. Naiirita na rin ako. Kasi naman, ang dami dami kong inaaral! Business terms, laws, rules, and computations sa major subjects namin. Hindi ko alam kung kakayanin ba 'yon lahat ng utak ko.

I heard him sigh and felt his kisses on my shoulders. "Alright, I won't bother you anymore. I'm sorry.."

Napatigil ako sa pag-sasaulo nung mga inaaral ko at napalingon sa kaniya. Bigla siyang tumayo at lumabas ng kwarto ko. Napabuga naman ako ng hangin.

Galit ba siya? Was it my fault?

Pero, ano naman ang gagawin ko? Gusto kong ibigay 'yung full attention ko sa nirereview ko. Ni hindi nga ako nag-bu-bukas ng phone ko, e.

"Bahala na nga.." I whispered to myself. Babawi na lang ako sa kaniya once na matapos na 'kong mag-aral.

It took me a couple of hours before finishing my reviews. I made a reviewer where I stated some keywords para maging madali 'yung pag-aaral ko. Nag-dikit pa 'ko ng ilang sticky notes sa may lamp ko para lang kahit saan ako lumingon ay may makikita akong terms.

Pag-baba ko sa kusina ay tutulong sana ako kina Mama mag-prepare ng dinner pero tapos na lahat. Dinner is all set.

"Gisingin mo na 'yun, siya nag-handa ng mga pagkain natin." Turo ni Mama kay Dylan na naka-sandal sa may sofa namin. May yakap siyang throw pillow at natutulog.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. I wiped off his sweat on his forehead using my hands. I felt sorry for him, akala ko nagalit siya dahil sa inakto ko kanina pero siya pa pala 'tong nag-handa ng kakainin namin. He even cooked my favorite dishes.

I stared at his face. He looks so peaceful while sleeping. Bahagya pang nakaawang 'yung mga labi niya.

I chuckled and traces my fingertips on his face. "Dylan.." I called him in a sweet voice. I don't wanna wake him up yet but we need to eat.

"B-baby.." I called him using the endearment we used to had before. This is the first time I called him by that endearment again after finally giving him a chance.

He slowly opened his eyes and smiled when he saw me. "Yes, baby?"

"Let's eat." He just nodded his head and gave me a quick kiss on my lips. Agad naman akong namula dahil doon at napatingin pa sa kusina dahil baka nakatingin sina Mama.

"Akala ko hindi na kayo magkaka-ayos ni Kaye, e." Sabi ni Papa sa kalagitnaan ng pag-kain namin.

Saglit na lumingon sa'kin si Dylan. "God really made a way para mag-kita't magka-ayos kami ulit ni Kaye."

Bahagya naman akong napangiti do'n.

"H'wag mo na sanang sasaktan ulit 'tong anak namin, ha? Kung hindi, ikaw na ipapalit ko sa paso ng mga halaman ko." Banta pa ni Mama. Nag-tawanan naman kami nang sumeryoso 'yung mukha ni Dylan.

"Okay lang magkasakitan, parte ng pagmamahal 'yan. Kung kami man ni Lou dati, e.. Ang daming dumating sa buhay namin pero sa huli kami pa rin." Sabi pa ni Papa at hinalikan 'yung tuktok ng ulo ni Mama.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon