Chapter Thirty-Five

18 0 0
                                        

#BAUChapterThirty-Five

"Oh, bakit umiiyak 'yan?" Gulat na bungad sa'min ni Papa nang makauwi kami. He was watching some series on Netflix pero natigil siya nang makita niya 'ko.

Nilapag ko na muna 'yung mga binili namin sa lamesa habang walang imik na inayos 'yon sa mga proper places nila. "Ask Mom."

"Lou, ano na naman 'yon?"

"Nag-iinarte." Simpleng sagot ni Mama. Naismid naman ako at napailing.

"Wow, Ma. Pag-iinarte ba 'yon? You tricked me! Pinapunta mo do'n 'yung lalaking 'yon! Ma, alam mong ayaw na ayaw ko na siyang makita 'di ba?" I couldn't help but to raised my voice at her. This is the only way I know how to prove my point. To make her understand the pain I'm dealing with.

Why is she so insensitive? Wala lang ba talaga sa kaniya 'yung nangyari? Instead of protecting me, instead of being there for me.. I feel like she's on his side. Na balewala lang 'yung nangyari noon.

What the fvck was that?

"H'wag mo 'kong sigawan," Madiin na sabi ni Mama.

"Papa.." I looked at my Dad to ask for help. I told him everything. I couldn't even finished a sentence dahil sa hagulgol. Hindi ko alam kung malinaw niya 'kong naiintindihan. Basta isa lang ang gusto ko, ang may makinig sa'kin.

After telling him what happened.. he remained quiet. Akala ko wala siyang sasabihin but he faced my Mom. "Bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi mo man lang inisip 'yung mararamdaman ng anak natin." Mahinahon pero may diin na sabi niya kay Mama.

"Gusto ko lang silang mag-usap."

"E, 'yun ba ang gusto ng anak mo? Sa tingin ko, hindi pa siya handa. 'Wag mo naman pwersahin ang anak mo. Imbes na maging maayos siya, nilalapit mo pa do'n sa isa."

I felt a pain on my chest kaya naman napahawak ako doon. Bahala na silang mag-usap d'yan. I wanted to rest. Pakiramdam ko sasabog na 'yung puso ko sa galit at inis na nararamdaman ko.

Ang hirap kasi sa kanila.. sarili nila 'yung iniisip nila. Paano naman ako?

Gusto nilang magpatawad ako.. agad.. kasi daw iyon 'yung tama.

Pero bakit ang hirap?

Bakit nadudurog ako? At patuloy lang akong nadudurog sa bagay na 'tama' para sa kanila.

***

After that incident, I didn't eat for lunch. Nag-paalam lang ako na lalabas ako saglit ay may bibilhin ako sa bookstore. But I know in myself that I just wanted to leave, to breathe, to calm myself.

Hindi ko magagawa 'yon kung nandoon ako.

"Nasa'n ka ngayon?" Tanong sa'kin ni Alexa. Tinawagan ko kasi siya as soon as I enter the ice cream shop.

Pinakita ko sa kaniya 'yung lugar kung nasaan ako bago ibalik sa front cam 'yung phone ko. "Mag-isa ka lang?"

"Yes, I'll be fine. Hindi niya alam 'tong place na 'to." Sabi ko pa. Tumango naman siya at para bang na-relieve sa sinabi ko.

"Grabe naman sina Tita. Noon pa siya gano'n, ah. Eto, Kaye.. sorry ah, I need to say this. Mali kasi, e. Parang mas kampi pa siya do'n.." Hinayaan ko lang siyang mag-salita nang mag-salita. Somehow, she's true. She has point. She's not that dumb to see what's really going on.

Tahimik lang akong kumakain habang naka-lagay 'yung phone ko sa may phone stand kong dala. Bakas ang inis sa mukha ni Alexa habang nagsasalita siya.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon