#BAUChapterThirty-Two
Nang makarating ako sa school ay agad kong nilabas ang phone ko para i-text si Dylan na nandito na 'ko. Hindi niya na kasi ako hinahatid-sundo simula nung huling punta niya sa'min. I told him to focus on the upcoming exams. We'll just meet each other once the exam was done.
Wala pang ilang minuto ay nakita ko na siyang dumarating. He was wearing specs again. His soft chestnut hair was bouncing as he walks. Naka-lagay ang dalawa niyang kamay sa mag-kabila niyang bulsa. He walks like a ramp model, ghad!
How could he be so cute and so freaking hot just by walking?
Darn. Kung noon, asiwang asiwa ako sa presensya niya, ngayon para na 'kong mapapraning kapag hindi ko siya nakita.
"Why are you laughing?" Bungad niya nang makarating sa tapat ko. He pulled me closer to him to give me a hug and kissed the top of my head.
I just shook my head and wrapped my arms around him as we began walking. PDA na 'to, but I couldn't care anymore. It feels so good when I'm with him.
"Let's eat first. Tapos ihahatid kita sa building niyo, okay?" Tumango na lang ako sa sinabi niya. Nag-punta muna kami sa cafeteria para kumain. As usual, siya na rin ang umorder para sa'ming dalawa.
Habang hinihintay ko siya ay tinext ko muna si Alexa na intayin na lang ako sa room at kumakain lang kami ni Dylan. I had to update her because she has been calling me ever since I woke up. Mas nauna pang tumunog 'yung cellphone ko dahil sa tawag niya kaysa sa alarm ko.
"Here, baby.." Napangiti ako sa mga chocolates na nilapag niya sa harapan ko. Halos mapuno 'yung table namin dahil sa mga chocolates na dala niya.
"Para saan 'to?" Tanong ko matapos ilagay lahat sa bag ko 'yung pagkain.
"May almonds rin 'yan. Good for the memory." Sagot niya. Nag-take lang kami ng ilang pictures together bago dumating 'yung pagkain namin at tahimik na kaming kumaing dalawa.
***
"Grade consultation na daw next week, ah." Sabi ni Alexa sa'kin matapos namin lumabas ng room. Nauna kaming matapos mag-exam kaya naman lumabas na kami para hindi na rin makadagdag ingay sa mga nag-e-exam pa.
"Parang ang sarap uminom after exam, 'no? What do you think?" Bago pa makasagot si Alexa ay agad kaming dinambahan ng akbay ni Amy.
"Gaga, dapat kahit hindi pa tapos 'yung exam!" Natawa naman kami sa sinabi niya. Nag-pasya na lang kami na tumambay sa may field. Presko naman doon kaya okay lang.
Inabutan kami ni Amy ng mga sandwich tapos inumin. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Naks, may pa-foods. Para saan?"
"Wala lang. Naka move on na kasi ako," proud niya pang sabi at nagta-taas baba pa 'yung kilay niya.
Saglit naman kaming nagka-tinginan ni Alexa. "Gago, wala ka namang boyfriend! Paano ka magmo-move on?"
"Panira naman 'to, e. Kay Jefrix kasi,"
"'Yung nang-ghost sa'yo?" Tanong ni Alexa bago kumagat sa tinapay na hawak niya.
Inirapan naman siya ni Amy at tinaasan ng middle finger. "Oo, gago. Salamat, ah? Pinaalala mo na naman."
Nag-kwentuhan lang kami about sa pagra-rant ni Amy sa lalaking nang-ghost sa kaniya. Imbes na bigyan namin siya ng advice ay inaasar pa namin. Pa'no ba naman, noon kapag kami 'yung nagke-kwento ng mga lalaki, asiwang asiwa siya. Ang corny daw.
Pero ngayon..
Akala mong naging boyfriend niya. Apektadong apektado sa lalaki.
Minsan na nga lang mag-mahal si Amy, na-ghost pa.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?