#BAUChapterTwo
2:00 PM natapos ang klase namin kaya naman gaya ng pinag-usapan namin ni Alexa ay pumunta kami sa milktea shop para doon nalang gumawa ng entry namin. Masarap rin kasi tumambay dito bukod sa malamig ay malakas rin ang wifi nila.
"Ilan nagamit mong tayutay?" Tanong sa'kin ni Alexa na siyang naka-focus lang ang tingin sa cellphone niya dahil binabasa niya 'yong mga details about sa feb entry namin.
Napakunot naman ang noo ko at tumingin sa kaniya. "Ano'ng tayutay?"
"Nag-aaral ka ba talaga? Ba't 'di mo alam?"
"'Yon ba 'yong kapag napahiga 'yong tatay mo, sasabihin mong "tay, tayutay!"" Natawa naman ako sa sinabi ko. Habang siya'y naka poker face lang.
"Alam mo sayang ka." Sabi lang niya at pinasa sa'kin 'yong link kung saan nandoon 'yong complete details about sa entry namin.
Kailangan pala makagamit ng tayutay para sa entry. Dahil wala naman akong alam do'n, kumapit ako sa google. Tapos pinalawak ko na lang. Bahala na kung ano kalabasan nito, basta ang mahalaga may maipasa.
More on english poems kasi ako, e. 'Di ko rin bet 'yong malalalim na tagalog words.
Pero dahil nga kailangan.. e'di no choice.
Dahil masiyado na akong nag-enjoy sa ginagawa ko ay hindi ko na namalayan na nakakagawa na pala ako ng tatlong entry.
"Babe, check mo nga. Pili ka kung alin mas okay." Sabi ko pa kay Alexa at inilapit sa kaniya 'yong phone ko, sa notes kasi ako gumawa. I-rewrite ko na lang mamaya sa docs.
"Naks, inspired!" Puri pa nito.
"Naks, expired!" Puri ko sa kaniya pabalik. Inikutan niya lang ako ng mata at pinasadahan ng tingin 'yong gawa ko.
"Eto, bet ko 'yong last. Mas complete 'yong thought niya. Tsaka mas maayos 'yong pagkaka-apply ng tayutay." Sabi niya pa. Tiningnan ko muli 'yong pangatlong gawa ko at binasa ko nang tahimik.
Medyo tagos nga sa puso 'yong lines ko dito.
"Okay, ito na nga. Ikaw, tapos ka na ba?" Tumango naman siya at ipinakita sa'kin 'yong gawa niya. Hindi ko naman na kailangan usisain pa nang bongga 'yong gawa niya dahil palagi namang magaganda at maayos 'yong mga tula niya.
Nang makapag-finalize na kami ng entry namin ay tinapos na lang namin 'yong meryenda namin at nag-picture lang. Umuwi na rin kami pagkatapos.
Wala naman kaming maisip puntahan kaya mas mabuting umuwi na lang talaga. Isa pa, nasa mood ako ngayon para gumawa ng school works. Although, wala pa namang due kung kailan ipapasa, pero gusto ko nang gawin as much as I can. Para hindi na rin ako matambakan.
"Nag-send ng link sa'kin si Tita Lou. Prayer ata 'to," Sabi ni Lex habang kumakain ng chips at nanonood ng tv.
Hindi ko na lang siya pinakinggan at nagpatuloy lang ako sa paggawa ng school works.
"Nag-send ba sa'yo?"
"Malay. 'Di ako nag-o-open ng messenger." Tipid ko na lang na sabi. For sure, marami na rin chat sa'kin si Mama. Pero wala pa 'kong lakas ng loob kausapin siya/sila.
Masakit pa rin, e.
Hindi ko alam kung kailan mawawala 'yong sakit. Hindi ko alam kung kailan ako makakaharap sa kanila na wala nang takot at galit sa puso ko.
I let out a heavy sigh nang wala na 'kong maisip na sagot sa ginagawa ko. Lumilipad na naman ang isip ko. Kung ano ano na namang naiisip ko. Ni hindi ako makapag-isip nang tama.
BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
DiversosMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?