#BAUChapterTwenty-Eight
Maaga palang ay gumising na kami para ihanda 'yung mga gamit namin. Last day na kasi namin dito sa resort nila Janine. Matapos namin mag-breakfast kanina ay binigyan pa kami ng souvenirs ni Tita Rose. Para lang kaming namasyal, ang daming pauwi sa'min ng mommy ni Janine.
"Sana pinauwi na rin sa'kin 'yung kuya mo." Pabiro ko pang sabi habang binoblower 'yung buhok ko.
"Pwede rin. Isama mo na pauwi. 'Di naman nagta-trabaho nang maayos 'yon." Biro pa ni Janine pabalik. Tumutulong na rin kasi 'yung kuya niya sa pag-ma-manage ng resort nila. Minsan siya rin 'yung humaharap at nakikipag-usap sa big clients nila.
Abala sa pag-aayos ng gamit 'yung mga kaibigan ko. Kaniya kaniyang gawa kami dito. Nagbibiro pa si Michelle na iuuwi daw niya 'yung comforter dahil parang balahibo ng pusa 'yung texture no'n.
Nang matapos ako mag-ayos ay nag-online muna 'ko. Sakto namang nag-chat sa'kin si Amy at nagpapa-uwi ng pasalubong. As much as she wanted to come with us ay hindi pwede dahil madami silang ginagawa na retdem. Kaya uwian nalang daw namin siya. Inaasar ko pa nga na wala kaming uwi pero may nabili na talaga 'ko for her.
Tinawagan ko siya at pinindot ang video call. Nag-aayos siya ng medicine kit nang mabungaran ko sa video.
"Ano'ng gusto mong uwi?" I asked her. Nilakasan ko 'yung boses ko para makuha 'yung atensyon ng mga kaibigan ko. Lumapit naman sila sa'kin at kumaway kay Amy.
"Kuya ni Janine." Mabilis na sagot nito.
"Aba, hindi. Pokpok, sa'kin 'yon. Nag-usap na kami nila Tita at Tito kanina. Payag daw sila maging daughter-in-law ako." Pagbibiro ko pa. Natawa na lang siya. Alam niya kasing walang katotohanan lahat 'yon.
Hanggang sa nag-chikahan na muna kami tungkol sa pinagkakaabalahan ni Amy. Madami daw silang demo na ginagawa kaya na s-stress na siya. Kung pwede lang daw mag-drop ay ginawa niya na.
"Mabuti na rin na busy ka. Para hindi mo na maisip si Jefrix," Sabi pa ni Alexa. Natigil naman sa pag-tawa si Amy nang marinig ang pangalan niya. 'Yon kasi 'yung kinwento sa'min ni Amy noon na nakilala daw niya sa internet tapos ghinost lang siya after ng ilang linggo.
"Hoy, 'wag ka. Nag-video call kami no'n, tapos tinitigan lang niya 'ko." Pagyayabang pa niya. Aba, kinikilig pa yata ang gaga.
"Kung ako man 'yon, makikita ko 'yang mukhang 'yan. I-go-ghost ko talaga." Nakatanggap naman ako nang mahinang pag-batok sa mga kaibigan ko. For sure, nangangati na rin si Amy na sapakin ako dahil sa mga pinagsasabi ko.
Nagpakawala siya ng buntong hininga bago iligpit ang kit na hawak niya. Ngayon ay nakahiga na siya sa kama niya habang nakikipag-usap sa'kin.
"May nakakausap naman na 'kong bago ngayon. Taga- UK, tapos 'yung isa, taga France."
"United Nations amputa." Bulong pa ni Alexa pero narinig naman yata ni Amy 'yon dahil natawa siya.
"Alam mo, para hindi ka ma-ghost, unahan mo." Suhestyon pa ni Michelle. Tahimik lang na nakikinig sa'min sina Lizz at Janine dahil wala naman silang ma-a-advice kay Amy. Hindi naman sila nakikipag-usap sa lalaki.
"Mamahagi naman kayo ng mga lalaki! 'Yung kay Kaye, iba't ibang course.. tapos 'yung sa'yo, iba't ibang bansa."
Umirap naman si Amy at umayos ng pagkakasandal sa kama niya. "Tanga, nagkataon lang."
"Tanginang pagkakataon 'yan, paulit-ulit." Sabi ko pa.
"Pero sa tuwing maalala ko si Jefrix, naiinis talaga 'ko. Sabi pa naman niya dadalhin niya 'ko sa Thailand." Nakanguso pang sabi nito. Nasabi niya kasi sa'min na sa Thailand daw nag-s-stay ngayon 'yung nang-ghost sa kaniya kasi doon nag-aaral sa isang school do'n.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?