Chapter Forty-Seven

10 0 0
                                    

#BAUChapterForty-Seven

For the past few weeks ay parehas kaming naging busy ni Dylan. Madami raw ang nag-a-apply at nakikipag-partners sa kaniya na iba't ibang companies kaya naman halos magdamag siyang nasa office niya. Ni hindi na kami halos nagkakaroon ng quality time together dahil kung umuwi siya ay late night na rin, kung hindi ako nagta-trabaho, dadatnan naman niyang tulog na 'ko.

Sa umaga naman, maaga siyang aalis ng bahay kaya madalas ay nag-iiwan na lang siya ng note na nakaalis na siya. Pero before he leave, he always makes sure that he cooked something for breakfast. Gustuhin ko man siyang bisitahin sa trabaho niya ay hindi ko magawa dahil napag-usapan naming 'wag na muna ako umalis ng bahay nang hindi siya kasama.

Napapailing na lang ako kapag naalala kong nagkukulang na sa communication ni Dylan. Ni mag-kamustahan man lang ay hindi namin magawa.

Dahil maaga pa naman ay tumungo muna 'ko sa may kusina para mag-luto ng lunch ko. Nag-hanap ako ng kung anong pwedeng lutuin sa ref namin. May chicken pa do'n, may beef, fish and pork. Halos lahat ay paborito ko pero biglang pumasok sa isip ko ang adobong baboy na ma-mantika kaya naman 'yun na lang ang ginayak ko at sinimulan ko nang lutuin.

Naramdaman ko naman na nag-vibrate 'yung phone ko sa bulsa ko kaya naman kinuha ko 'yun para tingnan. Halos mag-lag 'yung phone ko dahil sa sunod sunod na pagdating ng mga messages sa group chat namin.

@Amy (i like penis): May nakakausap akong guy mga kumare!

@Sel (rip that pussy ey): Si Jefrix pa rin gusto namin for you.

@Alexa (penis): Taga saan na naman 'yang nakakausap mo?

@Amy (i like penis): Manila.

@Kaye (increased penis): Good girl. 'Wag ka muna kasi pipili ng nasa labas ng bansa! Kay lawak lawak ng Pinas, e.

@Amy (i like penis): 'di ko naman 'to type. Jefrix pa rin.

@Kaye (increased penis): Tanginang gc natin na 'to, nabubuhay lang kapag si Jefrix ang usapan.

Natawa na lang ako nang umpisahan namin ni Sel na asarin si Amy. Hindi talaga namin tinigilan si Amy hangga't hindi ito napipikon. Kahit sa chat lang kami nag-uusap usap ay parang naririnig ko na rin 'yung pag-mumura samin ni Amy. Hindi naman nag-tagal 'yung pag-uusap namin dahil may pupuntahan daw si Amy kaya naman si Alexa naman ang tinawagan ko.

Pero hindi siya sumasagot. Nag-message lang siya na nasa restaurant daw siya kasama si Theus.

@santiago.kf: pokpok, 'kala ko ba friends lang kayo?

@lex_dlgrc: Akala ko rin.

Tapos ay nag-send pa siya ng GIF na humahagikgik na bata.

@lex_dlgrc: Ano'ng lunch mo?

@santiago.kf: I cooked adobo. Solo flight na naman 'yung lunch ko. Dylan's busy.

@lex_dlgrc: E'di surpresahin mo siya sa office. Bring him lunch tapos ipakain mo sa kaniya 'yung ano mo.

@santiago.kf: Ano?

@lex_dlgrc: 'yung adobo mo.

Napailing na lang ako at nireact-an ng heart 'yung message niya. She was right. I should surprise him, siguro naman hindi siya magagalit dahil siya naman ang pupuntahan ko. Isa pa, na-miss ko rin siyang kasabay kumain. I know, he'd be surprised to see me and he would love my adobo.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon