#BAUChapterTwenty-Two
Matapos 'yung exam week and foundation week ay hindi pa rin ako makapag-isip nang maayos. Alam kong ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko na dapat isipin si Dylan. Or anything na makakapag-paalala sa'kin sa kaniya.
Pero tinatraydor ako ng puso ko. Ayoko man siyang isipin, nagagawa ko. Kahit anong gawin kong pagpapaka-busy sa sarili ko, naaalala ko siya. Naiisip ko siya. Hindi ko na rin kung tama ba 'tong nararamdaman ko.
O, kung may tama pa ba sa nangyayari sa'kin ngayon.
Hindi ko maintindihan 'yung puso ko. Nagiging malambot kapag nand'yan si Dylan. Pinapaalala nito unti-unti sa'kin 'yung mga sinabi ni Dylan. Ginugulo lang lalo 'yung isip ko, e. Mas naiipit ako, para akong hindi maka-hinga.
Matapos noong gabing 'yon, palagi nang nag-memessage sa'kin si Dylan nang kung ano-ano, andiyan 'yung mag vo-voice message ng sweet lines, kakanta, o kaya naman bigla na lang magpapadala sa'kin ng bulaklak at kung ano-ano pa.
Para niya akong nililigawan.
Minsan kong pinapakiramdaman 'yung puso ko. May part sa puso ko na nagsasabing kausapin si Dylan, at tanggapin siya ulit. Dahil, aminin ko man o hindi, pagdating kay Dylan, nagiging tanga ako, e. Nagiging marupok ako. Madali akong bumigay.
Pero gusto ko nang magpaka-tatag, ayoko nang bumalik 'yung feelings ko sa kaniya.
Na hindi ko naman alam kung nawala ba 'yung feelings na 'yon, or nandito pa rin. Sadyang natatabunan lang 'yon ng galit na nararamdaman ko.
Ayokong isipin na may feelings pa 'ko sa kaniya. Pero hindi naman gano'n kadali mawawala 'yon, he was my first love. Pero ayoko namang kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo ko.
"Sabog ka ba, Kaye? Kanina ka pa naka-tulala." Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko si Alexa at marahan niyang tinabig 'yung balikat ko.
Nasa bar nga pala kami ngayon para mag-unwind. Pinangako kasi namin sa sarili namin na after ng examination week ay irerelax namin 'yung sarili namin.
It's been a long time na rin since we last went to bar and get drunk. Usually, umiinom kami kapag may okasyon or may birthday 'yung isa sa'min pero hindi na namin nagagawa 'yon dahil nga busy kami sa school.
"Order na tayo ng alak, magsi-simula nang kumanta si Mich." Sabi pa ni Janine. Tuwing Friday and Saturday night kasi ay kumakanta si Mich dito sa bar. Acoustic genre 'yung mga pinipili niya.
Gaya nga nang napag-usapan ay umorder na kami ng alak. Light beer lang dapat 'yung iinumin ko dahil hindi naman talaga ako fan ng hard drink. Madali akong malasing, kahit nga siguro wine, hard na for me.
"Jagger, Cuervo, Black Label."
"Jagger nalang-"
"Gaga, hindi mamimili. Oorderin natin lahat 'yun." Sabi pa ni Alexa. Kahit ayoko man ay tumango na lang ako. San Mig lang kasi 'yung madalas kong inumin pero ngayon ay sa tingin ko kailangan ko ng hard drink. Para kahit papaano makalimutan ko 'yung mga bagay na nakakapag-pagulo sa isip ko.
Kahit ngayon lang, makalimutan ko si Dylan.
***
"Bottoms up! Bottoms up!" Sigaw ng mga kaibigan ko. Kahit nahihilo na 'ko sa sigawan nila pati sa alak ay tinungga ko 'yong baso ko at napangiwi naman ako sa pait nang lasa.Nandito na rin si Mich dahil tatlong kanta lang naman 'yung kinanta niya. Normal pa sina Janine, Lizz at Mich. Malalakas naman kasi silang uminom. Kami ni Alexa, silent drinker lang pero si Alexa nacocontrol niya sarili niya.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?