#BAUChapterTwenty-Six
Nang magising ako ay wala na si Alexa sa tabi ko. Pati sina Mich ay wala na rin. Kaya kahit inaantok pa 'ko ay pinilit kong bumangon na. Nag-text pala sila sa'kin na mauuna na bumaba at hihintayin na lang ako sa may breakfast hall.
I messaged my girls na gising na 'ko at mag-aayos na. I washed my face and do my morning skin care routine then chose a plain shirt and silk pajamas. Hindi na muna 'ko mag-d-dress dahil hindi pa naman maliligo.
Pag-baba ko sa breakfast hall ay kumpleto na sila doon, pati 'yung Yuri and friends ay nando'n na rin. Lahat sila ay may mga pagkain na sa harapan nila.
I sat beside Alexa, which is in front of Yuri. May iniabot siya sa'kin na plate na punong-puno ng foods.
"All your faves are here." Sabi niya na ikinangiti ko naman. He just knew me so well. Pati 'yung mga ayaw ko sa pagkain ay pinatanggal niya.
Nag-lead muna ng prayer si Mich bago kami kumain. Kapag talaga kumakain kami nang sabay-sabay, nagp-pray kami kapag kasabay si Mich. Kapag nasa dorm kasi kami ni Alexa ay kumakain na agad kami.
"Mag s-swimming na ba kayo after kumain?" Tanong ni Yuri.
Nilingon ko naman 'yung mga girl friends ko para hingan ng sagot. Nag-kibit balikat lang sila.
"Bahala na, kayo ba?"
"Ikot resort muna. May mga souvenirs shop dito." Tumango na lang ako at tinapos na 'yung pag-kain namin.
Nang matapos kami kumain ay humiwalay na kami sa boys. Mag-iikot ikot pa daw kasi sila. Kami naman ay nagpapahangin lang dito sa may beach side.
"Parang ang hirap maka-close ni Hubert, 'no?" Rinig kong sabi ni Lizz.
Natawa naman ako. "He might be look intimidating, but he's crazy as Yuri. Mababait naman 'yung mga 'yon." Sabi ko sa kanila. Ako rin naman na-hirapan makipag-close kay Hubert noong una, kasi parang hindi siya nakikipag-kaibigan sa babae.
Siya lang 'yung bukod-tangi na masungit sa mga kaibigan ni Yuri. Si Andrew naman kasi, okay lang. Approachable.
"Chikahin lang natin nang chikahin." Sabi pa ni Mich.
Nang uminit na ay bumalik na kami sa room namin. We stayed for a couple of hours in our room hanggang sumapit ang hapon. We decided to change into our swimming attires.
"Okay lang ba, guys?" Sabay pang tanong nina Janine at Lizz. Naka-suot na sila ng one piece bikini. Lizz is wearing baby pink one piece bikini while Janine is wearing navy blue one piece bikini.
Agad naman kaming nag-thumbs up. "Ang ganda naman! Love it!"
Silang dalawa lang ang naka one piece sa'min. Kami naman nila Alexa at Mich ay naka two piece bikinis. Nude skin tone 'yung sa'kin, kay Alexa naman ay maroon two piece at kay Mich ay mustard color. We took a selfie and then uploaded it on ig.
"Ay, shala! Nag-heart agad si Dylan!" Sabi pa ni Mich. Napatingin naman ako sa phone ko at nakitang ni-like nga 'yon ni Dylan.
"Dapat pala ang caption mo, "sinayang mo noon, mag-laway ka ngayon."" Natawa naman kami sa suhestyon ni Alexa.
Maya maya pa'y bumaba na rin kami sa may beach side para mag-swimming. Wala naman masiyadong tao dahil private resort 'tong kila Janine tsaka hindi pa naman summer. Kami lang talaga 'yung nandito.
"Laro tayo! Paunahan maka-punta sa middle part ng beach!" Pag-aya pa ni Mich at pumapalakpak pa na parang bata.
"G!" Sabay sabay naming sabi at nag-simula na mag-swimming. Nakailang oras na rin kami sa pag-ba-babad sa dagat at halos kumulubot na 'yung mga daliri namin.
BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
AcakMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?