#BAUChapterSeventeen
Mabilis lang nag-daan ang mga araw at ngayon ay Lunes na naman. Pero hindi na nag-turo ang mga Prof, nag-send na lang sila sa group chat namin ng mga reviewers dahil next week ay mid-term exam na rin namin.
Although, walang prof na nagtuturo ay pumapasok pa rin kami, dahil sa attendance at tsaka 'yong ibang Prof naman ay mine-meet pa rin kami kahit hindi sila magtuturo. Mag-bibigay lang ng pointers.
"Ganda nung miniature niyo ni Dylan, ah." Sabi pa ni Mich sa'kin. Nasa room lang kami at nag-dadaldalan lang.
Napangiti naman ako. "Mas maganda ka."
"Ay, totoo naman." Pag sang-ayon pa nito.
Binisita rin namin 'yong mga activities na pinasa namin sa office ni Prof Evangelista, so far so good ay masasabi kong maganda talaga 'yong sa'min ni Dylan. Dahil 'yong iba ay nasisimplehan ako. Pero 'yong sa'min, meron pang mga kung ano anong abubot na nilagay si Dylan.
Nag-mukha tuloy siyang actual building talaga.
"Ano'ng plano niyo after exam?" Tanong ni Mich sa'min ni Alexa.
"Beach tayo!" Sabay naming sabi ni Alexa. Nag-liwanag naman ang mata ni Mich at agad sumang-ayon sa amin.
Siguro naman deserve namin mag-relax at mag-liwaliw kahit papaano 'di ba? One week lang 'yong sembreak namin, kaya deserve talaga namin mag-beach dahil madugong laban ang kahaharapin namin sa second sem.
"Ayain natin sila Lizz at Janine." Tumango naman sila at pinuntahan namin sina Lizz at Janine sa may Art Club. Nag-gagawa sila ng posters para sa Foundation.
"Busy pala, e. Mamaya na lang kaya?" Tanong ko pa sa kanila. Mukha kasing hindi rin kami papapasukin sa loob ng room dahil hindi naman kami Art Club Members.
"Oo nga. Baka mapalayas pa tayo." Sang-ayon naman ni Alexa. Nag-chat na lang kami sa group chat naming magkakaibigan na tatambay muna kami sa library para mag-basa.
Gano'n naman ang sistema namin palagi kapag wala kaming magawa sa room. Ang ingay kaya do'n! Kung hindi tunog ng ML 'yong maririnig, ay puro ungol naman. Dahil may mga nanonood ng kung ano anong kabalastugan.
Medyo madami din ang tao sa loob ng library dahil nga wala namang Prof na nag-tuturo. Nahirapan pa kami sa pag-hanap ng bakanteng pwesto, mabuti na lang at may nakita kami sa may dulong pwesto.
"Do'n na lang tayo." Turo ko pa sa pwestong nakita namin.
"Juskong library 'to, parang puso lang ni crush. Wala akong pwesto." Hugot pa ni Alexa. Tinawanan na lang namin siya ni Mich. Sa totoo lang wala naman kaming balak magbasa, tatambay lang talaga kami.
"Mag-review na lang tayo." Suhestyon pa ni Mich. Nag- thumbs up naman kami ni Alexa at gaya nga nang napag-usapan ay nag-review na kami, halos lahat ng subject namin ay nireview namin. Hindi talaga nakakatamad mag-review kapag kasama 'yong mga kaibigan dahil kapag mali 'yong sinagot mo ay itatama ka naman nila.
***
3:00 pm lang 'yong class dismissal namin pero halos 5:00 pm na kami nakalabas ng campus dahil nanood pa kami ng practice ng basketball ng mga college departments. Maglalaro kasi sila for the upcoming Foundation.Isa pa, nando'n 'yong crush ko kaya full support talaga 'ko 'no?
"Mag-sasama pa ba kayo ni Dylan?" Tanong ni Yuri habang nakiki-inom sa water tumbler ko. Umiling naman ako at inginuso niya 'yong labas ng campus. Nakita naman namin do'n si Dylan na nakatayo sa may gate at naka-tingin sa'min na para bang may inaabangan siya.
"Hala ka, inaabangan ka, Yuri."
"Hawakan ko sa tenga 'yan." Sagot pa nito.
"Ba't ba nandiyan 'yan? 'Kala mo jowa." Bulong pa nito pero narinig naman namin ni Alexa.
"Nagseselos ka ba, Yuri? Umamin ka na. Hangga't maaga pa. Kasi mamaya, gabi na." Biro naman ni Alexa.
Trip niya talaga kaming asarin ni Yuri. Hay nako, kung alam niya lang, muntik na kaming lumagpas ni Yuri sa friendship na status. Pero hindi naman nag-work, we just tried. But, hindi talaga kami para sa isa't isa.
We were 1st year college that time, mabuti na lang at mabilis din humupa 'yong issue na 'yon. Siguro nga nadala lang kami sa panunukso ng mga kaibigan namin, e.
"Babe, usap tayo mamaya sa bahay. May sasabihin ako sa'yo. For now, pupuntahan ko lang muna si Tita sa clinic niya." Sabi pa ni Alexa. Bago pa man ako makasagot ay bumeso na siya sa'min ni Yuri at lumabas na ng campus.
"Uuwi ka na? Meryenda tayo," Pag-aaya pa ni Yuri. I was about to speak up when Dylan's face showed up.
"Andito ka lang pala, Kei. Kanina pa kita hinahanap. Can we talk?" Tanong niya sa'kin. Napatingin naman siya kay Yuri at matalim ang tingin na binigay niya.
"Dylan, tapos na 'yong activity natin. Actually, maaga pa nga tayong nag-pasa, e. So, I don't think we have something to talk about." Deretso kong sabi sa kaniya at nag-krus pa ang braso ko sa may dibdib ko habang naka-taas ang kilay ko.
"May pag-uusapan pa tayo."
"Pare, mag me-meryenda kami. Gusto mo bang sumama?" Tanong naman ni Yuri. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano, dahil mas lalong kumunot ang noo ni Dylan.
"Mag-meryenda ka mag-isa mo." Sagot pabalik ni Dylan at agad na lang akong hinila sa braso hanggang sa makalabas kami ng campus. Nang makarating kami sa parking lot ay doon ko lang siya hinarap.
"Dylan, ano na naman ba 'yon? Bakit mo ginanon si Yuri?"
"I told you that we need to talk. Umepal siya." Sagot pa niya at sumandal sa may hood ng sasakyan niya.
I closed my eyes as I let out a sigh. "Wala naman na kasi tayong dapat pag-usapan. Bakit ba ginugulo mo 'ko?"
"I thought we're friends now? Bakit ang sungit mo na naman sa'kin?" Tanong niya pabalik.
"But that doesn't mean you have the right to talk to my friend like that!" Bahagya nang napataas 'yong boses ko kaya naman napairap na lang ako.
"Bakit ba pinagtatanggol mo 'yon?"
Seriously? Wala na 'kong lakas makipag-talo rito sa isang 'to.
"You're asking me why? Because he is my friend."
"At ako, ano mo ako?"
Naningkit naman ang mata ko at natawa. "You really want me to say what you are to me?"
Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makapagsalita ako nang kung ano ano kaya pinili kong tumahimik na lang.
Para naman kaming mag-jowa na nag-aaway nito.
Pinaglaruan niya pa 'yong car keys niya habang nakayuko. "Iniinuman niya pa 'yong tumbler mo. Bigay ko 'yon sa'yo, ah."
Napapikit na lang ako nang mariin. Parang batang inagawan ng candy 'tong isa na 'to.
And yes, that tumbler was the one he gave to me when he was still courting me. Couple tumbler 'yon, to be exact. Hindi ko naman magawang itapon dahil 'yon lang talaga 'yong tumbler ko, isa pa, Stitch 'yong design no'n!
"Ano, bakit hindi ka makasagot? Bakit hinahayaan mo siyang uminom do'n?"
"Dylan, pwede ba? Para kang bata, e. Ano bang kinakainis mo d'yan? Kung may problema ka, 'wag mo 'kong idamay. At lalong 'wag mong idamay 'yong kaibigan ko." Madiin na sabi ko sa kaniya.
"Para kang bata na nagseselos eh." Pahabol ko pa. "Wait, don't tell me nagseselos ka nga?"
"Okay." Tipid niyang sabi bago ako hilahin palapit sa kaniya at isandal sa may sasakyan niya.
Now we're inches near to each other. I had to look away dahil para na naman akong nahihipnotismo sa mga tingin niya.
"O-okay, what?" I asked him.
"I won't tell you then," Sabi niya pa bago ibaba ang tingin sa mga labi ko. Then the next thing I knew is he claimed my lips.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
De TodoMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?