#BAUChapterSix
Kagaya nang nakagawian naming pamilya ay kada Linggo ng umaga, sama-sama kaming nagsisimba at pagkatapos noon ay kakain sa paresan. Pero sa Mall nag-aya si Papa matapos magsimba para daw makapasyal kami kahit papaano. Pumayag na rin kami ni Mama dahil baka kailangan ni Papa na mag-aliw muna dahil sobrang lungkot 'yong pinagdadaanan niya ngayon.
Kumain kami sa fast food chain sa loob ng mall at pagkatapos ay nag-grocery kami ng mga kakailanganin sa bahay. Nag-hiwalay kaming tatlo para mas mapadali ang pagbili. Mahaba na rin kasi 'yong pila sa counter baka abutin kami ng siyam siyam dito.
"Saan ka?" Tanong sa'kin ni Papa.
"Chocolates section ako, Pa. Kayo?"
"Sa meat shop ako. Si Mama mo daw sa mga gulay." Tumango na lang ako at inabutan ako ni Papa ng 500. Ipangbili ko daw ng mga gusto ko.
May pera pa naman akong natira dahil hindi naman ako magastos sa dorm. Si Alexa ang maraming stock ng pagkain, naghahati na lang kami. Itinabi ko na lang 'yong bigay ni Papa sa'kin. Chocolates and chips lang naman bibilhin ko. 'Yong ibang essentials ay may stock pa naman sa dorm. Tsaka may mini mart sa baba ng dorm, mas mura doon.
Kumuha ako ng cart at nag-lagay na 'ko ng mga chips and chocolates, pati mga candies naglagay ako. Pampahyper daw 'yon. Syempre hindi mawawala sa bibilhin ko ang kape. Aba, sa kape lang ata kami hindi magkakasundo ni Alexa. Halimaw rin sa kape 'yon, e.
Nang makita kong medyo marami na akong nailagay na pagkain ay nagdagdag rin ako ng biscuit sa cart ko. Katabing section lang no'n ay facial wash and creams kaya bumili na rin ako.
Abala ako sa pag-pili ng mga product nang may marinig akong pamilyar na boses. Noong una ay hindi ko na pinansin dahil baka guni guni ko lang 'yon, pero siya talaga 'yon, e!
"P're, ano ba bibilhin? Tangina. Puntahan mo na lang ako dito. Pa-chicks naman 'to, e." Nag-simula nang kumabog 'yong dibdib ko dahil parang nag-e-echo 'yong boses niya sa sistema ko.
Imposible! Hindi naman siguro, ano? Oo, tama. Hindi nga. Malay ko naman kung kaboses lang 'di ba?
Mula sa maliit na sulok ay sinubukan kong usisain kung tama nga ba ang iniisip ko, kung siya nga ba talaga 'yon. Wala naman akong pakialam, e! I just wanna make sure!
Isang lalaking nakatalikod na naka black na polo at cargo shorts ang nakita ko. May suot siyang white na cap at may kausap sa phone. Nasa section siya ng mga liquior.
"Jack Daniel's nalang tapos Black Label. Pwede na 'yon, may alak pa naman d'yan, eh." Agad akong napayuko nang makita kong pumihit ang ulo niya sa pwesto ko.
Shit! Nakita niya ba ako?
Kamuntikan naman akong mapa-talon sa kinatatayuan ko nang tumunog 'yong phone ko. Tumatawag na si Papa. Kaya naman imbes na usisain pa 'yong familiar guy na 'yon ay pumunta na 'kong counter at saktong nandoon na sila Mama kaya naman nawala na rin sa isip ko 'yong lalaking 'yon.
—
"Gaga ka! I-kwento mo nga!"
"Ih, ayoko! Secret nga!" Sigaw ko pabalik kay Alexa. Magka-video call kasi kami ngayon.
"Gago ka pala, e. Tatawagan mo 'ko at sasabihin mong may chika ka tapos biglang secret?! Kung hampasin kita?!" Natawa naman ako sa itsura niya dahil nakataas na 'yong kilay niya. Parang inis na inis na talaga siya.
Kasi naman, gusto ko rin ikwento sa kaniya 'yong naganap sa grocery kanina. Kaya lang baka masermonan na naman ako nito kapag binanggit ko 'yong pangalan niya.
"Okay, so ganito nga.." at nagsimula na 'kong magkwento sa kaniya. Tahimik lang siyang nakikinig at tinatango tango 'yong ulo niya as a response na malinaw niya akong naririnig at naiintindihan niya naman 'yong sinasabi ko.
Kinwento ko lahat sa kaniya. Walang labis, walang kulang. Every single detail sinabi ko. Knowing her, hindi naman 'yan papayag ng kulang kulang na chika.
Hanggang sa matapos akong mag-kwento ay nakakunot ang noo niya at para bang may iniisip pa.
"So, what can you say?"
"Teka, sure ka bang siya 'yon? Kasi, girl hello? Taga-Rizal na 'yon. Taga-Bulacan ka."
Tumango naman ako. "Nasa Manila ako now remember? Malay mo naman siya talaga 'yon."
Nag-kibit balikat lang siya. "Ano bang nafifeel mo? Siya talaga?" Tanong niya sa'kin. Tumango naman ako sa kaniya. Alam ko 'yong hulma ng katawan niya, e. Alam ko rin 'yong boses niya.
Isa pa, may kakaibang kaba sa dibdib ko kapag nakikita ko siya noon.
"E, nag-usap ba kayo?"
Agad kong iniling ang ulo ko. "No way! Bakit kami mag-uusap no'n? Ilang taon na kaming wala 'no? Tsaka wala nang rason para mag-usap pa kami. Tsaka, sino ba siyang hudas siya?" Sunod sunod na putak ko.
"Deffensive. Nagtatanong lang, e. Tsaka oo, hudas nga siya.." Sagot naman niya. Akala ko tapos na siyang magsalita pero hindi pa pala. "Tsaka, tinatanong mo kung sino siya?"
"Oo, sino ba siya? Duh." I rolled my eyes in frustration.
"Hoy, Kaye Francine Santiago. Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo kung sino siya. Well, siya lang naman ang first boyfriend mong si Dylan Louie de Lara. 'Yong iniwan ka noong last day natin sa work immersion natin." Natatawa pang sabi nito. Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay at tinaasan ng middle finger.
Takte, pwede naman niyang sabihin na first boyfriend ko. 'Yon na lang. Bakit naman kasama pa 'yong iniwan ako?
"Alam mo, para kang tanga."
"Inis na yarn? Pinapaalala ko lang, teh."
Umirap na lang ako at bumuntong hininga. Sana nga hindi si Dylan 'yon. Dahil hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang harapin matapos nung paghihiwalay namin. Alam kong hindi naman ako dapat 'yong ninenerbyos, dapat nga siya, e! Iniwan niya kaya ako!
Pero sa maling sitwasyon pa rin kami nag-hiwalay noon. Hindi niya 'ko binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag at ipaliwanag 'yong side ko.
"Hoy, ano't natahimik ka d'yan? Iniisip mo si Dylan?"
"Ulol. Asa ka."
"Alam mo, Kaye. It's been what? Four years? Bakit hindi ka pa nag-jo-jowa ulit? Ang daming nagpaparamdam, ah. Kada department yata may nakakausap ka."
"Loka, usap lang 'yon. No harutan included." Sabi ko pa. Para naman akong nag-papaliwanag sa baranggay nito. Kasi naman, kung hindi ko paliwanagan 'tong babaeng 'to, iisipin niya nangongolekta ako ng lalaki sa iba't ibang departments.
Duh! Usap lang kaya 'yon! Kasalanan ko bang napapasaya ko sila? Tapos matapos ng ilang araw, mahal ka na agad?! Aba, mabilis pa sa ayuda!
"Tanga. Mas maniniwala pa ako sa alien kaysa sa sinasabi mong 'usap lang'."
Nag-tawanan na lang kami at nag-usap pa tungkol sa kung ano anong mga bagay. Sinabi ko sa kaniya na uuwi ako nang maaga sa dorm para makaabot pa sa class. Dito na 'ko magpapalipas ng gabi, madaling araw na lang ako aalis dito.
Naka-tatlong oras kami sa pag-uusap ni Alexa at nag-paalam lang kami sa isa't isa noong kakain na siya ng dinner. Ako hindi naman na ako nag-di-dinner kaya naman nag-Netflix na lang ako hanggang sa dalawin ako ng antok.
—
A/N: Medyo sabaw 'tong update ko. Bawi na lang ako sa susunod na updates! XOXO
BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
De TodoMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?