#BAUChapterForty-Nine
"Issa, I'm sorry.. Hindi ako makakapunta. I'll just make it up to you."
"Sorry, Issa. Emergency came up. I had to go somewhere.."
"Issa, I'm really sorry. I'm having LBM,"
Iritadong napasinghap ako at kasabay no'n ay kumuha ako nang malambot na unan bago ko marahang ipinukpok sa ulo ko. Kanina pa 'ko gising actually, I was just trying to make some excuses. Nakakaramdam na naman kasi ako ng hilo. Hindi ko alam kung kaya ko bang umalis ngayon para um-attend ng birthday ni Issa pero nakapag-promise naman na 'ko sa kaniya na I'll be there.
Nakakahiya naman kung bigla akong mag-ba-back out at bawiin lahat ng sinabi ko 'no?
Pero.. paano naman 'yung hilong nararamdaman ko? These past few days madalas akong makaramdam ng pagkahilo, palagi rin akong naduduwal pero wala naman akong nilalabas. Nagiging moody na rin ako at mas mabilis uminit 'yung ulo ko kaya may mga araw na nag-ta-talo kami ni Dylan.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa'kin.
"Baby.." Mahinang pagtawag sa'kin ni Dylan nang makabalik siya dito sa kwarto. He was holding his phone.
"What?"
"I'll just go out for a while. I'll be with Jack. May bibilhin lang kami for Issa. I'll be back after lunch, I guess? I've already cooked lunch for you. Bumaba ka na lang para kumain. Don't forget to drink your meds," Sabi pa nito at inayos 'yung relo niya na siyang regalo ko sa kaniya noong birthday niya.
"Don't turn off your phone. Ever. I'll call you once we're done. I'll try to come home early as I can. Okay?"
"Alright, take care." He nodded his head and smiled. Lumapit na siya sa'kin at akmang hahalikan niya 'ko pero agad naman akong nabahuan sa kaniya. So I pushed him using my hands and shooed him away. I even heard him cussed, pero umalis na rin naman siya pagtapos no'n dahil nakatanggap rin siya ng tawag galing kay Jack.
Nang makaalis siya ay sumimple pa 'ko ng tulog, nag-alarm naman ako for 15 minutes. Pinahinga ko lang 'yung sumasakit kong ulo. Nang tumunog 'yung alarm ko ay doon lang ako bumangon para kumain. Sinigang 'yung niluto ni Dylan, kaya naman napadami 'yung kain ko. It was kinda weird because before I never really like to eat vegetables, but now, mas madami pa yata 'yung gulay na na-i-ulam ko kaysa sa baboy.
Matapos no'n ay nag-dessert ako ng cheez whiz tapos sour candy belt na nakita ko sa ref. Because I started to eat rainbow stuffs, hindi na rin nawala sa ref namin 'yung sour belts.
Weird. Hindi naman ako nag-de-dessert before. I whispered to myself before baking a cake for Issa. 'Yun na lang siguro 'yung regalo ko since hindi naman ako nakalabas ng bahay para mag-mall man lang para bumili ng something nice for her.
***
Gaya ng sinabi ni Dylan ay he came back as soon as he can. Pag-balik niya ay may pasalubong pa siya sa'kin na unicorn cotton candy. Kaya naman pinupog ko siya ng halik dahil do'n.Nag-sabay na rin kaming maligo para mabilis na kaming makapag-ayos at makapunta na kina Issa pero hindi naman ligo lang ang naganap sa'min. Of course, we made love under the shower. Standing position, doggie-position, talagang wala siyang pinalagpas.
Kaya hindi kami magkanda-ugaga sa pag-aayos ngayon. Nagpa-panic na kami dahil tumatawag na rin si Issa at tinatanong kung nasaan na kami. Sinabi na lang namin na on the way na kami kahit ang totoo ay nagbibihis pa lang kami. We chose matching outfit again, he was wearing maroon longsleeves and slacks. Meanwhile, I chose to wear maroon tube dress and Dylan's coat was wrapped on my shoulders.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?