Chapter Twenty-Five

12 0 0
                                    

#BAUChapterTwenty-Five

"Wala na bang mas itatagal 'yung mga 'yon?" Tanong sa'kin ni Alexa habang nagpapaypay gamit ang kamay niya. Ngayon kasi kami aalis papuntang Batangas para mag-bakasyon. May private resort sila Janine doon, mabuti't in-allowed kami ni Tita Rose para mag-bakasyon doon for a week.

"Teka, tatawagan ko na si Yuri." Sabi ko at dinial na 'yung number ni Yuri. Mag-ba-bakasyon rin sila nila Andrew at Hubert kaya naman napag-usapan namin na same place nalang kami mag-punta.

Good thing, kila Yuri 'yung van na sasakyan. Kaya kasya kami doon. Tatlo lang naman sila, then lima lang kaming babae.

Nandito kami ngayon sa convenience store dahil dito ang meeting place na napag-usapan. Actually, 3 am 'yung napag-usapan na oras para maaga kaming makarating kaso malapit na mag 5 o'clock ay wala pa sila.

"Papunta na raw dito." Sabi ko sa kanila. Tahimik lang sina Janine at Lizz na naka-couple outfit pa. Para silang mga koreans. Si Mich naman naka-high waist short then cropped top. Kami naman ni Alexa ay naka-hoodie and pants. Malalamigan rin naman kami sa sasakyan, e.

Maya maya pa'y naaninag na namin 'yung SUV nila Yuri. Siya 'yung nagda-drive no'n. Bumusina pa siya kaya naman pumasok na kami sa loob ng van.

"Dito ka na lang sa unahan-"

"Hoy, Yuri. Malandi ka. Ako nga dito, e. Hayaan mo na siya tumabi sa mga kaibigan niya." Mabilis na sagot naman ni Andrew na matindi na ang kapit sa inuupuan niya sa unahan. Parang hindi maipinta 'yung mukha niya nung inaaya ako ni Yuri sa harap umupo.

Natawa na lang ako at tinapik si Andrew. "Sa tabi na lang ako ni Alexa. Kailangan mo rin ng kausap d'yan sa harap, malayo pupuntahan natin." Sabi ko na lang at tumango na lang siya. Mabilis kasi akong antukin sa biyahe, kaya ayokong sa unahan pumwesto.

Kaniya-kaniyang pwesto na kami sa sasakyan ni Yuri. Katabi ko si Alexa at Mich, nasa likod naman namin sina Lizz at Janine. Tapos nasa dulo 'yung mga kaibigan ni Yuri katabi ng mga kutkutin na pagkain namin.

"Cine, oh. Baka mahilo ka," Abot niya sa'kin nung white flower na para sa hilo. Hindi naman ako nahihilo sa byahe, tulog nga lang ako lagi.

"Nahihilo rin ako, Yu." Rinig pa namin na sabi ni Andrew.

"Ah, wala akong pakialam." Pabalang na sagot naman ni Yuri at nag-simula nang mag-drive. Ilang oras ang byahe namin kaya pumikit na muna 'ko at natulog.

***
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nandito na kami sa beach resort nila Janine. Ang Amore Rose Beach Resort. Agad naman kaming winelcome ng mga staffs dito, kilala na kami ng mga tao dito dahil malapit nga kami kila Janine.

Iginaya nila kami sa buong tutuluyan namin. Nagkaroon pa ng tour dahil pinapaliwanag talaga nila kung ano 'yung mga purpose ng bawat area na madadaanan namin. Maganda naman ang beach resort nila. Mayroong infinity pool at hot spring na kabilang side lang ng dagat. Magaganda rin ang tanawin. Nakaka-relax.

Nag-libot muna kami sa buong resort at matapos nu'n ay pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming rooms. Magka-ibang floor 'yung room namin at room ng boys kaya sinabihan ko nalang si Yuri na i-text ako or i-chat kapag kakain na or what.

Sa isang room ay may two large beds, tapos may isang single bed. Napag-pasyahan namin na magkatabi kami ni Alexa sa isang kama, tapos sila Lizz at Janine. Si Mich naman 'yung sa single bed.

Dahil hindi naman siya sanay nang may katabi.

Nang maiayos namin 'yung mga gamit namin sa room namin ay nag-picture picture na kami. Beige and lavender 'yung combination ng room namin. Ang lakas maka-aesthetic kaya naman halos naubos ang oras namin kaka-picture.

"Alexa, edit mo ha." Napakamot na lang sa ulo niya si Lex dahil sa pag-ulit ni Mich. Kanina pa niya kinukulit si Lex na i-edit 'yung picture namin sa app na ginagamit niya.

Tumango na lang si Lex. Sina Lizz at Janine namin ay abala na sa panonood ng K-Drama sa laptop. 

Napag-usapan namin na magpahinga muna sa ngayon. Hindi na muna kami tatambay sa labas para maligo or mag-stay lang doon.

"Sige, matutulog muna 'ko." Sabi ko na lang sa kanila.

"Ako nga rin. Mamaya ko na i-eedit 'to." Sagot nalang ni Alexa at pumwesto na rin ng higa sa tabi ko.

                                   ***

Nang magising ako ay madilim na sa labas. Ginaw na ginaw rin ako dahil bukod sa malakas 'yung hangin na nanggagaling sa may balcony ay naka-todo pa 'yung aircon namin. Tulog pa rin 'yung mga kaibigan ko kaya dahan-dahan akong bumaba ng kama at kumuha ng robe para mag-shower muna.

I took a quick shower. Balak ko pa sanang magtagal dahil maganda 'yung bath tub nila kaso dinner na, e.

Saktong pag-labas ko ng cr ay gising na si Alexa. Nag-eedit siya ng picture habang 'yung mga kasama namin ay tulog pa.

"Gising na natin sila. Nag-text si Yuri, e. Baba na daw tayo maya maya." Tumango na lang si Alexa sa'kin at tinapik na 'yung mga babae. Ako naman ay namili na ng isusuot ko. I chose to wear beach dress na mocha color tapos nag-balabal pa 'ko dahil malamig sa labas.

"Mukha kang buntis na bawal mahamugan." Bungad agad sa'kin ni Yuri nang magkita kita kami sa may floating resto.

Inirapan ko na lang siya. "Ang ganda nga ng suot ko, e. Epal ka na naman."

Sama sama na kami sa iisang table kumain. Seafood 'yung dinner namin ngayon. Para kaming nag bo-boodle fight.

"Bawal ka sa seafood. Kontian mo lang ang kain mo. I got your medicine, in case na nakalimutan mo na naman." Pabulong kong sabi kay Yuri 'yun pero narinig pala ni Andrew kaya naman inasar na nila kami.

Nakisali na rin sa pang-aasar 'yung mga kaibigan ko. Para daw kaming mag-asawang nag-aaway. E sa totoo naman kasing bawal kay Yuri masiyado 'yung seafoods. Baka mamaya sumpungin ng allergy dito, e.

"Ba't 'di na lang kayo?" Tanong ni Hubert na siyang nagpatigil samin sa pag-kain. Napako ang tingin nilang lahat samin na para bang hinihintay talaga 'yung sasagot ko.

"Ba't 'di mo itahimik 'yang bibig mo?" Mataray kong tanong pabalik. Agad na napasinghap sila at maya maya'y inasar na si Hubert.

"Ay, wala ka pala, e!"

"Boo!"

"Kukuda ka pa, ah!"

"Supalpal ka 'no?"

Natawa kami dahil may mga napapalingon na samin na ibang tao. Baka isipin nila nasisiraan kami ng ulo. Tinapos na lang namin 'yung pag-kain namin at nag-kwentuhan tungkol sa kung ano ano.

Mabuti't naging close na rin 'yung mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Yuri. Para na kaming isang buong squad ngayon.

"Laro tayo! Ang umayaw, mamalasin ang love life." Suhestyon pa ni Andrew.

Kaya naman mabilis pa sa alas kwatro na tumango na lang kaming lahat. Nag-laro kami ng Never Have I Ever.

"Never Have I Ever nakipag date sa dalawang tao, nang sabay." Sabi ni Lizz at tiningnan kaming lahat. Siya kasi 'yung nagbibigay ng ipapa-game.

"Never." Sabay sabay naming sagot ng mga babae.

"I have." Sagot naman ng mga lalaki.

Hanggang sa nakailang rounds pa kami ng game bago namin namalayan na late night na pala. 'Yung iba sa'min ay inaantok na kaya naman nag-paalam na kami sa mga boys at sinabing mauuna na.

Habang pabalik kami ng room namin ay kumakanta si Mich ng kanta ng Binhi ni Arthur Nery.

"Kaye." Pag-tawag sa'kin ni Alexa.

"Oh?"

"When Michelle sang the line, "'Di ko na nadiligan.. you don't felt that girl, nadiligan ka remember?" Nang-aasar pa ang gaga at tumataas baba pa 'yung kilay niya.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

Hindi ko na nga naiisip si Dylan, e! Ipapaalala na naman niya! Kung 'di ba naman talaga siraulo 'tong si Alexa.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon