Chapter Eight

17 1 0
                                    

#BAUChapterEight

Wala kaming first class ngayon dahil may ginagawa daw 'yong prof namin. Nag-iwan na lang siya ng activity na gagawin namin, painting 'yon tapos lalagyan namin ng meaning behind that artwork. First class pa lang ay nanlulumo na 'ko, paano pa kaya sa next class namin?

"Ano'ng gagawin niyo?" Tanong ni Michelle na ngayon ay dumayo pa sa row namin ni Alexa para lang chumika.

"Ako about Greek Myth gagawin ko." Sabi pa ni Alexa at sinisimulan nang mag-draft ng i-p-paint niya.

"Wala pa 'ko naiisip na gagawin, e." Dismayadong sabi naman ni Mich habang naka-tingin sa dinodrawing ni Alexa.

"Uy, same! Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop ako hahagilap ng talent sa pag-paint." Napanguso na lang ako nang makaramdam ako ng pagkalugmok. Malaking points pa naman 'yon, 'di ko alam kung paano magsisimula.

Ni hindi ko nga alam kung saan ako hahanap ng talent, e.

Napatingin ako sa gawi nila Lizz at Janine. Buti pa sila chill lang na nagdadrawing ng draft, mga painterist kasi 'yan. As in, sisiw lang sa kanila 'yung mga ganito.

Ako sanay din naman mag-drawing. Stickman nga lang, 'di pa braso at paa. Minsan banlag pa.

"Ikaw kasi, pinag-da-drawing ka noon, puro kababuyan dinodrawing mo sa likod ng notebook ko." Natatawa pang sabi ni Alexa at ipinakita sa'min 'yung drawing niya na babae. Ayun daw si Alunsina. Maganda naman. Magaling rin naman siya mag-drawing.

Ako, maganda lang.

"Etits na lang idrawing ko. Tapos 'yung meaning no'n.. life is hard. O 'di ba? O kaya naman, 'don't be too hard on yourself, you're not a dck."

"Hayop ka, Kaye. Napaka-kalat mo." Naiiling na sabi ni Mich na namumula na kakatawa.

"D'yan ka magaling, e. Sa kalokohan mo." Si Alexa naman parang nanenermon pa.

Nag-tawanan na lang kami at maya maya'y nag-break time na. Sabay sabay kaming tatlo nila Mich at Alexa nagpunta sa canteen. Hindi na kami bumili dahil may baon na pagkain si Alexa. 'Di naman siya rice meal, pero nakakabusog na rin. Mabigat sa tiyan.

Habang kinakain namin 'yung espasol at sweet delicacies na gawa ng lola ni Alexa ay nagsimula na rin akong mag-hanap ng pwedeng i-paint sa Pinterest. I searched for 'basic painting ideas' pero hindi naman basic 'yung mga lumabas! Mahirap na para sa'kin 'yon!

"Alam mo, mag-abstract ka na lang. Kahit gulgulin mo lang." Suhestyon pa ni Alexa na hindi ko alam kung seryoso ba o hinde.

"Flower na nga lang sa'kin," Sabi pa ni Mich habang nakapalumbaba. Parehas kaming nadedepress na dahil sa painting, ha!

Dumating naman si Yuri sa pwesto namin at pinisil 'yong pisngi ko kaya napaigtad ako sa sakit no'n.

Trip niya kasing pisilin 'yung pisngi ko kada makikita niya ako. Kaya minsan mabuti na rin 'yong hindi kami nagkikita, e.

"Ano meron?" Tanong niya at umupo sa tabi ko. Katapat namin sina Mich at Alexa.

"Painting. Si Alexa okay na, e. May concept na. Si Mich meron na rin, flower daw. Ako, wala pa." Napanguso pa 'ko na para bang isa akong batang nagsusumbong sa tatay niya.

Natawa naman si Yuri at dumekwat sa espasol na dala ni Alexa bago kuhanin 'yung lapis at papel ni Alexa na kanina ay sinusulatan niya.

"Hoy, akin 'yan!"

"Luh, peram lang, e. Galit na galit?" Maya maya pa'y nag-simula siyang mag-drawing doon ng built ng ulo ng tao. Tapos sa loob ng ulo ng tao ay may mga buildings and houses na tabi-tabi.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon