Chapter Thirty-Nine

10 0 0
                                    

#BAUChapterThirty-Nine

Tanghali na nang makalipat kami sa bahay ni Dylan. Maaga niya kasi akong sinundo sa'min para tulungan akong mag-hakot ng mga gamit ko para sa pag-tira ko kasama siya. Kinausap ko na rin sina Mama na may work na 'kong nakuha kaya naman kailangan kong bumukod ulit.

Nabigla sila dahil ang bilis naman daw. Pero sabi ko sa Tita ni Alexa kami mag wo-work. Which was true, um-agree na rin ako sa work na in-o-offer ni Alexa. Although, trainees pa lang kami pero okay na rin. Kesa tengga sa bahay. Hindi naman na sila umangal. Sinabi kong bi-bisita nalang ako kapag may free time ako.

Somehow, Dylan helped me to finally be free. Simula ngayon ay wala na muna akong dapat isipin na iba kung hindi kaming dalawa ni Dylan.

Pakiramdam ko may taning 'yung buhay ni Dylan. Na anytime soon ay puwede na niya 'kong iwan. Kaya sinusulit na lang namin 'yung oras at panahon na meron kaming dalawa.

"Do you like the designs of the house? How about the interior? The furnitures? Baka may gusto kang ipabago, just let me know. I'll contact—"

Mabilis akong umiling habang pinapasadahan nang tingin 'yung kabuuan ng bahay niya. "It's okay. Maganda naman, e. Elegant. I love it." Sabi ko na lang. Totoo naman, ayoko naman kasi ng masiyadong pambabaeng kulay 'yung nakikita ko. I prefer black colors, kahit ano'ng ihalo na kulay do'n, maganda na rin.

Isa pa, this isn't my house. Kaya ayoko namang mangielam sa mga desisyon niya.

"Mag-isa ka lang talaga dito?" Tanong ko ulit habang tino-tour ko 'yung sarili ko sa buong bahay niya. Malawak 'yung dining and kitchen, 'yung living room may mahabang couch na kasya kahit buong pamilya ko. May second floor rin, 'yung hagdan ng bahay niya parang intestines, bago ka makarating sa second floor hilo ka na.

May sarili rin siyang gym. Tapos may pool sa itaas nung second floor. May jacuzzi. Ang gara ng bahay niya, parang hindi agad magkaka-kitaan 'yung mga tao.

Tahimik lang siyang nakasunod sa'kin habang in-eexplain sa'kin 'yung mga paintings na nakasabit sa pader. "My dad gave me this on my 20th birthday. Condo sana pero ayoko naman du'n, gusto ko 'yung akin talaga. Sabi niya pa sa'kin, once I got married.. dito kami titira ng asawa ko." Lumingon siya sa'kin at kumindat.

"Ikaw lang talaga nakatira dito?" Tanong ko nang mailapag na namin 'yung mga gamit ko sa kwarto niya, mamaya na lang daw namin ayusin after lunch.

"Yep. May nakikita ka pa bang iba?" Sarkastiko niyang baling sa'kin.

"Gago. Ang laki kasi.."

"Mas malaki pa sa ano ko?"

Agad ko siyang binato ng unan na nakuha ko. "Ang bastos mo!"

"Sa pagmamahal ko sa'yo kasi." Natatawang sabi niya. Napailing na lang ako at tinulungan ko siyang isalansan 'yung mga kahon na dala ko. Matapos no'n ay nag-luto ako ng lunch para sa'min.

Inaasar pa niya ako kasi baka hindi daw masarap ang kalabasan nu'n dahil hindi naman ako nagluluto. Pero sinabi ko sa kaniyang tinuruan ako ni Mama mag-luto ng mga iba't ibang ulam noong nandu'n ako sa'min. Para daw in the future e may ihahanda ako sa asawa ko.

Puwede naman kasing sarili ko na lang. 'Di ba?

***
Matapos namin mag-lunch ay siya na 'yung nag-presinta mag-hugas ng pinggan. Hinintay ko na lang siya sa may living room habang nakatingin sa mga photo album niya noong bata pa siya. His parents must love him so much. Nag-iisang anak siya. His parents obviously spoiling him ever since he was a kid. Kaya nakukuha niya lahat ng gusto niya.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon