#BAUChapterFourteen
Pagpasok ko ng room ay tatlo lang ang taong naabutan ko do'n. Napakunot pa 'ko ng noo ko at chineck ang lock screen wallpaper ko, schedule kasi namin 'yong naka lock screen sa'kin kaya hindi ako nalilito kung may pasok ba o wala.
Pero Thursday pa lang naman ngayon, bukas pa 'yong wala kaming klase. Kaya nagtataka man ay pumunta na 'ko sa may upuan namin ni Alexa. Napaangat naman ng tingin sa'kin si Jack at binati ako.
Nginitian ko siya at binati pabalik. I looked around, na siya namang ikinangisi niya. "Looking for Dylan? He's not here. He's—"
"He's not that special for me to look for. So, I don't care where the hell he is." Agad kong sabi matapos kong ilapag 'yong bag ko.
"I'm looking for Alexa. Have you seen her?" I asked him. Saglit naman siyang natigilan doon.
"Wait, you know Alexa, right?" I doubt it na hindi niya kilala si Alexa, eh halos internet friends kaming apat nila Dylan bago pa maging kami.
Agad siyang tumango. "Yes, of course. Siya 'yong muntik na jowain ni Dy, 'di ba?"
"Uhm.." Natigilan naman siya sa reaksyon ko at agad na nag-sorry at nag peace sign.
"Sorry, sorry. I didn't mean to."
I smiled at him to assure him that it was nothing. Besides, matagal naman na 'yon. "It's okay."
"Anyway, she's with Enzo. Nasa library sila together with your other classmates para mag-meeting about activity." Tumango na lang ako. E'di, sila na ang may ka-partner.
"'Di ba partners kayo ni Dylan?" He asked me. I shook my head in disgust. Natawa naman siya sa reaksyon ko.
"Bakit hindi? Kami dapat partners, e. Sabi niya kayo daw partners. Napunta tuloy ako kay Nicole." He was referring to our Class Mayor.
I took my phone out from my pocket and rolled my eyes. "I'd rather do that activity alone." Tipid ko na lang na sabi. Maya maya pa ay nag-paalam na siya sa'kin at sinabing kailangan niya na raw bumalik sa library dahil baka hinahanap na siya ni Mayor.
May pinakiusap lang daw kasi si Mayor na kuhanin dito sa room kaya hindi siya dapat magtagal.
Nakatanggap naman ako ng text galing kay Alexa, she's asking me kung meron daw ba kaming glue gun and glue stick sa dorm. I texted her back. Nakakailang segundo pa lang matapos ang pagkaka-hit ko ng send button ay may unregistered number ang nag-text sa'kin.
+63905023****
Hi, Kei.
Naramdaman ko agad ang pag-init ng ulo ko kaya naman nag-send ako ng angry sticker sa kaniya kasama nung tanong ko na kung saan niya nakuha 'yong number ko.
Wala naman akong pinagbibigyan na number ko, e!
+63905023****
Connections, baby.
"Mama mo, connections." Bulong ko na lang.
Agad siyang nag-reply ng may pinuntahan lang daw siya saglit at huwag ko daw siya masiyadong ma-miss. Though, alam naman daw niyang saglit lang siya mawala sa paningin ko ay namimiss ko na siya.
Hindi pa man ako nakakapag-reply ay nag-text ulit si Alexa. Tinatanong niya naman kung pumasok daw ba ako.
Nag-type naman ako ng "Tinatanong pa ba 'yan? Oo naman." I was about to send the message nang biglang may pahabol na message na naman si Dylan.
Kaya naman doon ko na-send 'yong message ko. Fvck! Kung bakit ba naman kasi sakto pa sa tanong niyang, "Diba, mabilis mo 'kong mamiss?" Tapos gano'n 'yong sagot ko.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
RastgeleMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?