#BAUChapterTwenty-Three
"Tangina, tangina. Shit! Napaka-bobo.." Usal ko sa sarili ko nang magising ako kinabukasan at marahang hinahampas ng unan 'yung mukha ko.
Baka sakaling maalis 'yung pagkahibang ko at matauhan ako.
Bakit ko ba kasi ginawa 'yun?! I know I said I hate him. And that's true! I still hate him! And I would hate him forever if I have a chance.
Kung bakit ba naman kasi pinairal ko 'yung kagagahan ko kagabi, e. Kaya ayokong nalalasing, e! Nakaka-inis naman!
Paano na ngayon 'to? Ano nang mukhang ihaharap ko do'n? Galit nga ako sa kaniya, 'di ba? Tapos bumigay sa sasakyan?! Ano bang kagaguhan 'yon?!
"Bwisit talaga! Ang landi naman!"
"Hoy, napapano ka? Sa pader mo kaya iumpog 'yang ulo mo?" Bungad ni Alexa sa'kin nang makalabas siya sa cr at makapag-hilamos. Nag-pupunas pa siya ng face towel at nakatingin sa'kin.
Hindi ko pa pala sinasabi sa kaniya 'yung nangyari. I don't think I should tell her what happened last night. Ayoko na kasing alalahanin 'yun, e. Pero anong gagawin ko? She's my best friend. I should tell her. Ayoko rin nang may tinatago ako sa kaniya.
Isa pa, kailangan ko nang mapaglalabasan ngayon. Baka mas gumaan 'yung pakiramdam ko.
Hindi niya naman siguro ako ija-judge 'no?
"Pokpok ka pala, e. May nalalaman ka pang galit ka sa kaniya, na mas gugustuhin mong maging madre kaysa balikan siya. Tapos ano, dahil lang sa spirito ng alak, bumigay ka?! Nagpa-keme ka sa kaniya? With background music pa talaga na Nanghihinayang ha?" Mahabang litanya niya sa'kin. Hinampas hampas niya pa 'ko ng unan para lang iparamdam sa'kin na mali 'yung desisyon ko.
Iniharang ko naman 'yung braso ko sa mukha ko para hindi niya na 'ko mapalo.
"Totoo naman, ah! I'd rather be nun, or stay single for the rest of my life kaysa balikan siya!"
"Ah, madre? Tapos nagpa-chukchak sa sasakyan? Ano 'yon, good girl with bad habits? Madreng nagpapa-keme sa ex, gano'n?!"
"Bunganga mo naman! Tama na nga! Ayoko nang marinig sabi, e! Sabi na, e. 'Di ko na lang dapat sinabi." Sagot ko pa at napanguso. Sabi ko pa naman hindi niya ako ija-judge. Pero ang dami niyang sermon sa'kin.
Inirapan niya na lang ako at hinagis sa'kin 'yung unan niya. "Malandi ka talaga! 'Di naman halaman, pero nagpa-dilig." Naiiling pang sabi nito bago ako iwanan.
***
"Pa'no kapag nakita mo dito si Dylan?" Pabulong na tanong niya sa'kin habang naglalakad kami sa campus. Papunta kami sa locker room para kuhanin 'yung mga gamit, sembreak na kasi namin, kaya wala nang klase.
Nag-kibit balikat nalang ako. Alam ko naman na may posibilidad na makita ko siya dito. Pero hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o hindi.
I mean, yes, there's a part of me saying I should talk to him to clarify and sort things out. About what happened last night, obviously. But, the other part of me, saying I shouldn't talk to him and just forget what happened.
Pero hindi ko naman yata kaya 'yun.. that was a serious matter! Baka mamaya isipin no'n, ginusto ko 'yung nangyari kaya hindi ko binibring up 'yung topic na 'yun.
Pero nahihiya talaga 'ko, e. Sa tuwing makikita ko siya, parang gusto ko nalang kuhanin ng UFO at tangayin nila 'ko papuntang outer space. Or kahit saan, basta walang Dylan na makakasalamuha ko!
"Ikaw naman kasi, magpapadilig ka na lang do'n pa sa ex-"
Agad kong tinakpan 'yung bibig niya dahil baka may makarinig sa sinasabi niya. Ayoko pa naman machismis 'no! Kaloka!

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
De TodoMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?