Chapter Twenty-Four

12 0 0
                                    

#BAUChapterTwenty-Four

Dahil first day ng sembreak namin ay maaga kaming gumising ni Alexa para mag-linis ng dorm. Nag-laba na kami tapos ay kumain na muna kaming dalawa. Siya ang naka-toka sa luto, ako naman sa urungin.

Iyon lang naman ang gawain ko 'pag kumakain dahil hindi naman ako marunong mag-luto nang mga ulam. Tama na 'yung mga frozen foods lang, gano'n.

"Anong oras dinner niyo ng ex mong hardinero?" Muntikan na 'kong mabilaukan sa tanong sa'kin ni Alexa.

Kung pwede ko lang siyang idukdok sa kinakain niya ngayon e ginawa ko na. Matabil talaga bibig, e! Kinakalimutan ko na nga, ipapaalala pa.

"Siguro mga gabi? Kasi 'di naman pwedeng mag-dinner sa umaga 'no?" Sarkastiko kong balik sa kaniya. Natawa na lang siya tapos ay inirapan ako.

Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung anong oras kami magkikita ni Dylan. Basta the last message of him, he told me that he'll gonna send me the location where we'll have dinner. Ayoko namang papuntahin siya rito para sunduin ako, 'no! Mahirap na, baka ma-chismis pa.

Pagtapos namin kumain ni Alexa ay ako ang nag-hugas ng pinggan habang siya ay naligo na para gumayak. Pupunta kami ng mall para mag-grocery at bumili ng mga isusuot para sa beach vacation namin sa isang araw. Wala pa man din ay na-e-excite na 'ko. This will be the first time na mag-b-beach kami with our friends, nang walang kasamang magulang. Noon kasi, ayaw kaming payagan dahil kailangan pa daw ng bantay kahit highschool na kami.

Kaya ngayong graduating na kami ng college, magbabakasyon na kami. Although, sinasabi ng iba na delikado daw dahil malas ang gumala gala kapag graduating. Pero hindi naman kami naniniwala do'n.

"Two piece or one piece?" Tanong sa'kin ni Alexa habang pumipili ng mga isusuot namin.

"Chicken ba?"

"Gaga. Dali na, parang mas bet ko sa'yo 'tong two piece bikini." Sabi niya pa bago ilapat sa'kin 'yung napili niyang bikini. Two piece backless nude bikini 'yon at maganda naman, perfect for my skin tone dahil hindi naman ako gano'n kaputi. Mas maputi ang balat sa'kin ni Alexa.

Saglit akong napangiwi habang tinitingnan 'yung bikini. I wasn't really fan of bikinis. Masyado kasing revealing for me. Usually, kapag mag-o-outing kami ng family ko before, it's either naka sando bra ako and beach shorts or tshirts. Hindi ko bet mag-suot ng mga gano'n na bikini.

"Ay teh, ano na namang mukha 'yan? Don't tell me, mag-t-tshirt ka sa beach? Come on, girl! 23 years old ka na! 'Wag kang manang!" Singhal pa ni Alexa at kung ano anong pang-hihikayat pa ang sinabi sa'kin para lang pumayag akong isuot 'yun.

"Fine. Ako pipili ng bikini ko." Sabi ko nalang para matahimik siya. Agad naman siyang tumango at nag-thumbs up sa'kin.

***

Para akong nalulula sa taas ng building ng resto na kakainan namin ni Dylan. Fine dining naman nito masyado, mas sanay ako sa grilled house lang, e. Mga hindi masiyadong ginto 'yung presyo ng pagkain.

Pumasok na 'ko sa building at sa ladies room muna ako dumeretso. Gusto kong i-check 'yung sarili ko kung maayos ba. Actually, dapat hindi ako maging conscious sa hitsura ko o sa kung ano man ang suot ko, kasi si Dylan lang naman 'yun. It's not as if I'm going to have date with my ultimate crush.

I checked myself in front of the mirror. Okay naman 'yung mukha ko, walang lagpas na make-up, light make up lang naman 'yung ginawa ko. I'm wearing maroon silk dress na may slit sa gilid ng legs ko. Maliwanag naman 'yung ilaw dito kaya nagmumukha akong maputi. Si Alexa ang namili ng damit na 'to, bagay daw kasi sa ambiance nung kakainan namin. Syempre we did a bit research about the place, baka mag-pantalon at tshirt lang ako dito, mapagkamalan pa 'kong staff.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon