#BAUChapterSeven
8:00 AM nags-start 'yong class namin every Monday kaya naman 7:30 pa lang ay nasa school na kami ni Alexa. Marami rami na rin naman ang mga nasa room dahil wala naman halos na-le-late sa'min. Isipin mo, naka-dorm ka na at lahat, na halos katapat lang ng campus, malelate ka pa ba?
Depende na lang kung tinanghali nang gising o kung saan pang lupalop nag-punta.
Nag-selfie muna kami ni Alexa habang hinihintay si Prof Navarro. Siya 'yong prof namin sa subject na Literature, noong first year pa namin siya Prof. Nakakasawa na nga, e.
Maayos nga mag-turo, pero parang ang liit nang tingin niya sa'min na mga estudyante niya.
"Uy, ang cute natin. Mukha tayong sailormoon." Natatawang sabi ni Alexa habang kislot nang kislot sa tabi ko.
"Ah, akala ko mukha tayong tanga." Sabi ko pa nang hindi siya tinatapunan ng tingin. Abala kasi ako sa pag-gala nang tingin ko sa labas ng bintana.
Napapitlag ako nang tapikin ni Alexa ang balikat ko. "Sino ba kasi sinisilip mo d'yan?" Tanong niya at naki-usisa na rin.
"Crush ko."
"Ah, sino do'n?"
Agad naman akong napalingon sa kaniya at sinamaan siya nang tingin. "Ay, grabe ha? Ugali mo naman." Kunwari pang naiinis na sabi ko.
Hindi ko naman rin siya masisisi. Dahil kada linggo ata may kinukwento aking new crush kay Alexa. Kaya nagrereklamo na rin siya dahil mas madami pa daw siyang natatandaan na names ng lalaki na kinukwento ko kaysa sa business terms na kailangan namin aralin.
Crush lang naman, e! Tsaka wala namang masama sa pagkakaroon ng crushes ah? The more crush, the more chances of winning kaya!
Bakit ka mag-se-settle sa isang crush na malabo pa sa usok na asul na magustuhan ka, 'di ba? Bakit mo sasaktan 'yong sarili mo? Mag-hanap ka ng iba, gaga!
Maya maya pa ay dumating na si Prof Navarro kaya naman bumalik na kami sa upuan namin ni Alexa. Nakinig kami ng discussion ni Sir about Literature. Sa totoo lang, nadiscussed na 'to noon pang first year kami, e. Kaya alam na namin 'yung iba.
Hanggang 4th year pala namin aaralin 'to? 'Di naman kami-informed. 'Yung iba, natututo na ng mga bagong impormasyon, habang kami naman stuck pa rin dito.
"Nakikinig ka?" Bulong ko kay Alexa.
Tumango naman siya pero hindi niya 'ko nilingon. Patuloy lang siya sa pag-susulat sa notebook niya.
Napalumbaba na lang ako at tinap 'yung fingers ko sa armchair ko. Ang lakas talaga makaantok kapag mga walang kalatoy latoy magturo ang mga prof.
"Class, meron akong sinend na file sa group chat natin paki-download na lang. Para sa record sheet natin 'yan." sabi pa ni Sir matapos mag-sulat sa blackboard.
"Noted po, Sir." Sabay sabay naming sagot ng mga kaklase ko. Minsan ganito kaming buong section e, kahit hindi namin naiintindihan sinasabi ng prof nag-no-noted lang kami. Para hindi na humaba pa 'yung pag-uusap.
Okay sana kung sa paghaba nang pag-uusap na 'yon, napapaliwanag nang maayos 'yung gagawin, e. Kaso hindi naman. Nadadagdagan pa 'yung gawain.
Sabi ko na, e. Hindi talaga 'ko mamamatay sa katandaan, o sa sakit. Mamamatay ako sa course ko.
***
Nang matapos ang break time namin ay nag-tipon na kami sa gymnasium para mag-P.E. Mabuti't may P.E kami sa locker namin kaya nakapag-palit agad.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
DiversosMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?