EPILOGUE

19 0 0
                                    

#BAUEpilogue

After 2 years ...

Sa sobrang dami ng pinagdaanan ko sa buhay ko— mapa-masaya man o mapait na karanasan, lahat 'yon nakayanan ko. Who would've thought na after all these years, despite all the painful challenges and silent battles I had dealt with, lahat 'yon worth it. Those pain changed me. It made me a better version of myself.

Kahit walang naniniwala, kahit ako lang 'yung naniniwala.

At ngayon, malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Napangiti ako dahil itong araw na 'to, ay sobrang espesyal sa'kin. Hindi ko inakalang aabot ako sa puntong 'to ng buhay ko.

"Tada!! Ang ganda ganda mo na!" Masiglang bati ni Lizz matapos niya 'kong ayusan. Siya ang nag-make up sa'kin at inayos niya pa 'yung buhok ko, she even sprayed some hair-sprayed color to add some gold color on my hair's highlight.

Napangiti naman ako tinitigan 'yung sarili ko sa salamin. Ibang-iba talaga 'yung istura ko, nag-mukhang tao na 'ko kahit papaano. Hindi naman kasi ako palaayos ng bongga noon. Pero ngayon, seeing me in a white dress with crystals on its lower sleeves, para na 'kong prinsesa.

"Thank you, Lizz. I owe you one."

Mabilis naman niyang iniling ang ulo niya. "Don't mention it, what are friends for, right?" Nakangiti niyang sabi sa'kin at hinahaplos pa 'yung mukha ko. "I'm glad that you've finally made it, ito na 'yun, Kaye. I know this day would be special to you. Panibagong journey na naman ang na-achieved mo,"

Tumango na lang ako sa kaniya at hinawakan 'yung kamay niya. "Akala ko noon hindi na 'ko makakabangon pa ulit. But God really made a way for me to reach this point of my life. It's not the finish line though, it was just a beginning."

"I agree. Anyway, can I take a photo with you?" Agad naman akong tumango at nag-picture kaming dalawa, kaagad niyang in-upload sa IG niya 'yon. "Ayan! Ang ganda mo talaga, baka mamaya magbago ang isip ni Dylan kapag nakita ka niya,"

Mas lumapad naman ang ngiti ko upon hearing his name. "Loka ka talaga," I chuckled and thanked her again. I even kissed her cheeks before leaving and going straight to the church.

Habang papalapit ako nang papalapit sa simbahan ay nag-uumpisa na ring kumabog ang dibdib ko. Natigil ako sa pag-iisip nang salubungin ako ni Issa matapos kong bumaba sa sasakyan.

Agad niya 'kong niyakap at nakipag beso-beso sa'kin. "You looked stunning! Iba talaga kapag blooming!" Puri pa niya sa'kin. Binati ko na lang rin siya pabalik, beige sleeveless dress 'yung suot niya at naka-kulot ang dulo ng mga buhok niya. Mas bumagay sa kaniya 'yung gano'ng hairstyle.

Nang makapasok kami sa simbahan ay nadaan ko pa 'yung wedding singers, kilala naman nila 'ko dahil malapit rin sila kila Mama. They both smiled at me then congratulated me. I just smiled at me. Marami na rin ang nag-congrats sa'kin, mga halos kakilala ko lang rin.

Nararamdaman ko rin ang pag-vibrate ng phone ko, malamang ay 'yung mga kaibigan ko na binabati ako pero hindi ko na lang sila pinansin. Nakatuon lang ang pansin ko kay Dylan at sa altar. Napangiti ako nang makita ko siya. I've always thanked him for everything, for the blessings, for giving me more than what I deserved.

At lalo na ngayon, sa espesyal na araw sa buhay ko. I thanked him dahil pinagkaloob niya sa'kin 'to.

Habang tumatakbo ang seremonya ng kasal ay hindi mawala sa labi ko 'yung kasiyahan. Nakikita kong nakangiti rin si Dylan at masaya siya. Wala na 'kong mahihiling pa.

"Sa bisa ng kapangyarihan na ipinagkaloob sa'kin ng Maykapal, idinedeklara ko kayo ngayon na ganap nang mag-asawa." Napuno ng palakpakan at sigawan ang buong simbahan. I could see tears streaming down on Dylan's face. The the father faced Dylan, "You may now kiss your bride."

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon