Chapter Forty-Four

14 0 0
                                    

#BAUChapterForty-Four

Saktong pagdating namin sa Zambales ay malalim na ang gabi kaya naman hindi na namin nagawang mag-libot pa. Kahit gustong-gusto namin. Ipagpapabukas na lang namin 'yung pag-libot sa resort na 'to. Kaagad kaming tumungo sa may cabin namin at inayos 'yung mga gamit namin.

"You do have work?" He asked me as soon as he got finished putting our things in the proper places.

Tumango na lang ako at inayos na rin 'yung bag ko. Sinet-up ko na 'yung laptop na gagamitin ko at pumwesto na rin. Hindi ko na nagawang mag-linis man lang ng katawan o mag-ayos.

"Ipapadeliver ko na lang 'yung pagkain natin," He said then planted a kiss on the side of my head. I just smiled at him matapos no'n ay nag-log na 'ko sa work ko.

We're supposed to have vacation and enjoy our time here in beach but since I do have work to do, dinala ko na rin 'yung trabaho ko dito. Hindi naman kami nag-talo ni Dylan dahil suportado naman daw niya 'ko at ganu'n rin siya, hanggang dito ay i-ma-manage niya pa rin from time to time 'yung naiwang business nila.

Hindi naman gano'n ka-hassle 'yung ginagawa ko dahil nakikipag-usap lang naman kami sa clients, kapag walang kausap ay sinasagot namin 'yung mga ipinapadalang e-mails sa'min to verify their accounts and other problems. Nakakastress lang talaga kapag makulit 'yung client at hindi madaan sa maayos na pakikipag-usap.

Pero wala naman kaming magawa kung hindi ang ibigay 'yung very best na kaya namin. Training pa lang naman 'to, dapat ay nagtatrabaho kami nang maayos para maging regular.

Napalingon ako nang may marinig akong katok mula sa pinto namin. Dylan was on the bathroom and cleaning himself up kaya ako na ang kumuha ng dinner namin. Agad na kumislap ang mata ko at nag-laway dahil sa nakita kong mga pagkain.

Punong-puno 'yung food cart! Halos lahat ay masasarap. Hindi lang yata pang-dinner 'to. Aabot pa 'to hanggang tanghalian bukas, e.

Nataranta naman ako nang tumunog 'yung laptop ni Dylan. May client na naman ako! Mabuti naman at lumabas na si Dylan from bathroom, nang makita niya ako ay nakakunot pa 'yung noo niya.

"You okay? Need anything?" He asked me while tightening the towel on his waist. Parang may sariling buhay 'yung mata ko at bumaba sa pagitan ng mga hita niya.

Narinig ko naman ang mahinang pag-tawa niya. "Yes, baby?"

"Uh, no. Ano.. dinner is here. You can eat first. May kakausapin lang ako." Mabilis na sagot ko at muling humarap na sa screen ng laptop ni Dylan. Pagkatapos niya mag-bihis ay tumabi siya sa'kin at sinusubuan ako ng pagkain.

Ayoko pa sanang kumain pero mapilit siya at sinabing hindi raw siya kakain hanggat hindi ako kumakain. Nagpa-subo na lang rin ako. Mabuti naman at hindi required na mag-on ako ng cam dahil thru emails ko na lang kinakausap 'yung clients.

                                 ***

Kinabukasan ay maaga kaming gumising ni Dylan para mag-libot sa resort. Maganda naman ang panahon dahil pasikat pa lang ang araw, lulan ng golf cart namin ay tinatahak namin 'yung buong resort. Paminsan minsan ay kinukuhanan ko ng litrato 'yung mga madadaanan namin at nilalagay 'yon sa IG story ko.

We took a lot of pictures nang makarating kami sa may dulo ng isla. Binabad namin 'yung paa namin sa may hot spring do'n. We enjoyed having some fun here in Zambales.

"Wanna go Island Hopping later?" Dylan asked me while his hands are on my shoulders. Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Nakahilig lang 'yung ulo ko sa balikat niya habang naka-tanaw kami sa may dagat.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon