#BAUChapterFour
Maaga pa lang ay gumising na ako para mag-ayos ng mga gamit kong dadalhin pauwi sa'min. Good for three days lang 'yong dinala ko, kasi tatlong araw lang rin naman ako doon. Buti nga sakto sa sched ko, e. Friday ako pupunta do'n tapos Sunday ako babalik dito sa dorm namin dahil may Monday class.
No hassle. Walang maaapakan na schedule ko.
"Ano, kaya mo ba? Gusto mong samahan kita?" Napahinto naman ako sa pag-aayos ng mga gamit dahil sa tanong ni Alexa. Saglit kaming nagkatinginan at natawa na lang.
"Paanong sasamahan? Teh, 'di naman basta basta gala 'yon. Family matter 'yon, ano ka ba."
"Oo nga pala. Oh, basta, balitaan mo 'ko ha?" Tumango na lang ako sa kaniya at nang matapos na ako mag-ayos ay kumain na rin kami ng almusal.
Si Alexa ang taga-luto dito sa dorm— dahil siya lang naman ang may talent sa pagluluto. Okay na 'ko sa pag-hu-hugas ng pinggan. Sa ibang gawain naman ay tulong na kaming dalawa.
"For sure, babanggitin na naman sa'yo ni Tita 'yong demonyong—"
"Hayaan mo na, Lex. Sanay naman na 'ko do'n. Ano pa bang bago?" I forced a smile to assure her na magiging ayos lang ako do'n.
Kahit hindi ko naman talaga alam kung magiging ayos nga ba ako, o hindi.
Kapag binabalikan ko 'yong lugar na 'yon, kapag nakikita ko 'yong pamilya ko, naaalala ko lahat nang nangyari sa nakaraan. Parang wala na 'kong takas at hindi ko na magagawa pang kalimutan 'yon.
Pero kahit naman anong gawin ko— it won't change the fact na pamilya ko sila. Mahal ko naman sila, syempre. It's just that— naging bato na 'yong puso ko dahil sa nangyari. I can't find the forgiveness within me. Kahit yata sarili ko hindi ko na mapatawad, e.
Nang matapos na kami kumain ay siya na ang nag-presinta na maghuhugas ng pinggan. Maligo na daw ako at mag-ayos ng sarili dahil baka ma-traffic pa 'ko sa byahe pauwi.
It took me an hour para makapag-ayos. I wore square pants and ruffled blouse na off shoulders tapos flat sandals. I put headband na lang since maikli lang naman 'yong buhok ko, so wala nang kailangang ayusin. I applied sunblock and cream then lip and cheek tint lang tapos nag-paalam na rin ako kay Alexa.
"Call me when you get there." Sabi niya matapos bumeso sa'kin.
I nodded my head and smiled. "Mag-ingat ka rito. I-lock mga pinto at bintana." Siya naman ang tumango at hinatid na 'ko sa labas para mag-hanap ng tricycle na maghahatid sa'kin papuntang sakayan ng jeep.
—
Halos 3:30 PM na nang makarating ako sa bahay. Agad akong sinalubong ni Mama ng yakap at halik sa pisngi ko.
"Kamusta ang anak ko?" Tanong niya habang pinupupog ng halik ang pisngi ko.
"Ma, hindi ako okay. At hindi na yata ako magiging okay." Gusto ko sanang sabihin, pero 'wag na lang. Ayokong mag-drama, ngayon na lang kami ulit nagkasama nila Mama.
I smiled then kissed her cheeks. "Ano'ng pagkain, Ma? Gutom ako, e."
Natawa naman siya at iginaya ako sa hapag kainan. Gumawa siya ng meryenda na turon at bananacue tapos may mango shake. Sakto dahil mga paborito kong meryenda 'to. Talagang pinag-handaan niya ang pagdating ko.
Habang kumakain ay iginala ko ang paningin ko. Wala namang nagbago sa bahay namin, gano'n pa rin. Siguro mas umaliwalas lang dahil wala na sa puder namin 'yong demonyong 'yon.
Siya ang anay na pilit na sumisira sa pamilya namin.
I slightly shook my head and calmed myself down. I inhaled large amount of air to breathe. Ako lang rin nananakit sa sarili ko, e.
Nandito ako dahil sa pamilya ko— dahil sa nangyari sa Tita ko. Hindi sa kung ano pa man na dahilan.
"Si Papa pala, nasa'n?"
"Nando'n sa bahay ng Tita mo. Kainuman 'yong mga Tito mo. Kagabi pa 'yon iyak nang iyak. Buti nga't kumalma na."
Agad naman akong nalungkot para sa Papa ko. Sa lahat kasi ng kapatid ni Papa, 'yong Tita ko lang na namatay ang kakampi niya at kasundo niya. Dahil 'yong iba ay mayaman, mayayabang na rin. Masyadong maliit at mababa ang tingil nila sa'min. Lalo na kay Papa.
Dahil sinasabi nila sa kanilang pitong magkakapatid, si Papa lang ang hindi umasenso sa buhay.
Alam ko kung gaano kahirap 'to para kay Papa.
"Ano ba 'yong kinamatay ni Tita, Ma?" I asked her as soon as I finished eating my food.
Nilagay ko na muna sa lababo 'yong pinagkainan ko at sa may sala na lang kami nag-usap ni Mama. Sinimulan niyang ikwento sa'kin lahat.
Heart failure daw kasi ang kinamatay ni Tita. Tapos hindi nakayanan. Masyado nang maraming komplikasyon kaya hindi kinaya ng katawan. Ang sad lang, kasi same death date sila Tita tapos 'yong panganay niyang anak. Kaya sobrang sakit para sa pamilya nila 'to ngayon. Dalawa na namamatay sa kanila.
"Ang bata pa ni Tita, ah." Komento ko pa. Ni wala pa nga ata sa senior 'yon.
"Gano'n talaga ang buhay ng tao. 'Di mo alam kung hanggang kailan ka sa mundo. Kaya habang may pagkakataon, piliin mong magpatawad.." Huminga siya nang malalim at tumingin sa'kin. Parang nangungusap ang mga mata niya. Mukhang alam ko na naman ang kasunod nito.
"Ikaw ba, napatawad mo na ba si—"
"Ma. Magpapahinga pala muna 'ko. Medyo sumasakit rin 'yong ulo ko, e. Gisingin mo na lang ako mamaya kapag pupunta sa patay." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umakyat na 'ko sa kwarto ko para mag-pahinga.
Alam kong nabastos si Mama sa ginawa ko. Pero alam ko naman na uungkatin niya na naman 'yong nangyari noon. Sasabihin niya na naman sa'kin na mag-patawad at kalimutan 'yong nangyari.
Pero hindi naman gano'n kadali. Sa tuwing naaalala ko 'yong nangyari noon, hindi ko mahanap 'yong pagpapatawad sa sarili ko. Hindi ako gano'n kasamang tao. Pero hindi ako gano'n ka-bato para maging manhid tungkol sa nangyari noon.
Ilang taon akong nag-dusa, eh. Ilang taon kong dala-dala 'yong sakit. At hanggang ngayon iniinda ko pa rin 'yon.
Paano ko magagawang patawarin 'yong taong sumira sa'kin at sa buhay ko? Paano ko magagawang kalimutan na lang 'yong nangyari na parang gano'n na lang kadali 'yon?
Kahit saan ako lumingon, kahit saan ko ibaling 'yong tingin ko, mukha niya nakikita ko. Nag-re-replay sa isip ko 'yong nangyari noon.
Na sana ay limot ko na ngayon.
Pagpasok ko ng kwarto at inayos ko na muna 'yong gamit ko. Hindi ko na nilagay sa cabinet 'yon, inilabas ko na lang sa bag at nilagay sa mini table ko. Maaayos naman 'yon, tsaka hindi naman rin ako magtatagal dito.
Kung ano 'yong ayos ng kwarto ko noong umalis ako, 'yon pa rin 'yong ayos ngayon. Walang nagbago. Mas mabigat nalang sa pakiramdam kasi siguro hindi ko talaga maalis sa dibdib ko 'yong sakit na gawa nung nakaraan.
Bago pa man ako mag-drama nang bongga ay tinext ko na muna si Alexa. I told her na nakauwi na 'ko kanina pa at nag-usap lang kami ni Mama. She asked me kung gusto ko daw bang tawagan niya ako pero sabi ko 'wag na dahil magpapahinga na rin naman ako.
Nag-palit na muna ako ng malaking t-shirt at dolphin short para mas komportable tapos ay humiga na 'ko sa kama ko para mag-pahinga.
Alam kong hindi magiging magaan ang pag-stay ko dito pero pipiliin ko na lang muna maging masaya kasama ang pamilya ko. Kahit sandali, kahit ilang araw lang, aalisin ko muna sa isip ko 'yong negative vibes.
"Phew, bahala na. Kaya mo 'to, Kaye." I whispered to myself before I shut my eyes off and shifted to sleep.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
SonstigesMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?