#BAUChapterThirty
Time flew so fast. Kung noon, namomroblema pa kami nila Alexa kung saan kaming college campus mag t-take ng entrance exam, at kung papasa ba kami at kung makakayanan ba namin ang college journey. Nand'yan 'yung napag-daanan namin kung paano mapagalitan ng Professors. Kung ilang subject 'yung kinalugmokan namin dahil pakiramdam namin ay masisira 'yung buhay namin kakaaral ng subject na 'yon.
Kung ilang sleepless nights 'yung na-experience namin para lang magdamag na mag-aral. Thankfully, nalagpasan namin 'yun.
And now, we're step closer to our goals. Ang makapag-tapos ng college. Last 1 and a half month na lang, panibagong career journey na 'yung haharapin namin.
It was tiring. But, it feels so good. Knowing na 'yung bagay na hindi mo inakalang malalagpasan mo ay finally nalagpasan mo na rin.
"You okay? Why are you sighing so deep?" Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko si Dylan. Nandito na pala kami sa labas ng school.
"Nothing.." Tipid na lang akong ngumiti sa kaniya at inayos 'yung uniform ko. "Thank you for dropping me by."
"No worries. I'll fetch you later. Dinner?"
"Alright." I smiled at him before stepping out from his car. Bumusina muna siya bago umalis. For the past few months after my Mom got sick, he was always there. Talagang palagi niya kaming binibisita. At kapag kailangan kong pumunta sa school ay siya rin ang nagha-hatid sundo sa'kin.
Somehow, naging maayos naman 'yung nabuong samahan samin. No more hates na. I could say that I finally forgiven him. He really proved to me that he's worth it.
Kung tatanungin ako kung may chance pa ba kami ni Dylan ay— hindi ko alam. Masaya naman ako na nand'yan siya, na okay kami, na nagkaka-usap kami nang maayos. But I don't think that was enough for me to say that we could happen.. again.
We just both enjoying each other's company. That's all.
Pag-pasok ko ng room namin ay sinalubong kaagad ako ng yakap ni Alexa. I don't know why she's being extra sweet to me these past few weeks. Hindi ko alam kung na-iinlove na ba sa'kin 'to.
"Ano'ng meron?" Takang tanong ko sa kaniya matapos humiwalay sa yakap.
Ngumiti lang siya sa'kin at umiling. Nag-usap lang kami tungkol sa mga gagawin namin kapag naka-graduate na kami. Next month kasi ay graduation month na namin.
Sobrang sarap sa pakiramdam na finally, konting konti na lang, makakatapos na kami.
"Sa'n ka after grad? Inyo?" Tanong niya sa'kin. May condo unit kasi daw na regalo sa kaniya 'yung mga parents niya kapag nakatapos na kami.
"'Di ko pa alam. Baka.." Sagot ko na lang. Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupulutin after grad.
Hanggang sa matapos ang class hours namin ay hindi nag-turo 'yung mga Prof. Nag-bigay lang sila ng pointers for the finals. 'Yung iba ay written exam, habang 'yung iba naman ay more on performances kami. May film making, Music Video making.
Nag-pasya kaming tumambay muna sa may field ng campus kasama ang mga kaibigan namin para mag-chikahan to catch up some things. It's been a long time na rin mula nang mag-sama sama kaming lahat. Hindi na kasi ako sa dorm umuuwi simula nung ma-hospital si Mama. Talagang nag-stay ako sa bahay namin. Hassle, kasi uwian ang ginagawa ko pauwi from school. Good thing Dylan was there.
"Kamusta lovelife mo, Mal?" Tanong sa'kin ni Sel. Kaibigan namin from Tourism department.
"Ano'ng Mal 'yan? Mahal?"

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?