FBMA #I the dark days

423 10 4
                                    

LEON'S POV

AHHHHHH!!!!! AHHHH!!!! Emjay!!!!! Nagising na lang ako na ganun ang pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Wala akong maalala kahit isa. Ang natatandaan ko lang, I was with Emjay nung mga panahon na yun. 

Nakahiga lang ako sa kama ko. Now, narealized ko na nasa ospital lang ako. Hindi ako makagalaw dahil nakabrace ang leeg ko. Nakita ko naman si Mommy, may dala syang pagkain. 

" Mom, a-anong nangyari?" tanong ko sa kanya na may panghihina sa boses ko. 

" Hazzt, buti naman nagising ka na.. Oh, kumain ka muna" 

" Ma, sagutin mo ko, what happened? A-asan ako ? Si Emjay, nasan sya?" parang gusto kong yugyogin ang nanay ko para lang mapasagot sya. 

"A-anak, r-relaxed, nasa ospital ka dahil naaksidente kayo ni Mikaella," muntik na kong mashocked sa sinabi nya. 

" W-wher's Mikaella? " tanong ko uli sa kanya. 

Hindi nakasagot agad ang mom ko. Ayokong isipin na may masamang mangyari. Ayoko lalo isipin na namatay na sya. Pag nangyari yun, hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong gawin. 

"Mom, answer me!!!!" nasigawan ko ang mom ko. 

" S-si M-Mikaella sya.." kinakabahan na ko sa sasabihin ng mama ko. 

" What?" pilit ko sa kanya. 

" She's gone.." GONE?? Ang babaeng pinakamamahal ko, wala na? Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. 

Naramdaman ko na may luhang tumulo sa mata ko. I felt numb. Halos namamanhid lahat ng katawan ko. Wala akong ibang gustong makita ngayon kundi si Emjay. 

Nagpumilit ako na tumayo kahit na pinipigilan na ko ng nanay ko. Wala akong naririnig sa mga sinasabi nya. Nagtatakbo ako para hanapin si Emjay, ang tagal bago makita yung room nya. Hanggang sa makita ko ang family nya, andun at lahat sila, umiiyak. Hindi ko na sila nilapitan instead, pumasok ako sa room ng babae na mahal ko at niyakap ko sya. Habang yakap ko sya, ramdam ko ang malamig na katawan nya. Patunay lang na patay na nga sya. 

" Emjay, wake up please, wake up, wag mo kong iiwan, no, please, marami pa tayong dapat gawin,  princess, please, gumising ka na.." hindi ako tumigil sa pag-iyak. Ayoko syang bitawan hanggang sa may kung sinong pumigil saken at inilayo ako kay Emjay. 

" Leon, tama na.." si Jake, ang isa sa mga kaibigan namin ni Emjay. 

" Let me go!!! Kailangan ko syang makasama," nagpupumiglas ako sa kanya. 

" Kailangan na nyang magpahinga ok? Tama na Leon, kailangan mo na rin magpahinga.." 

Tapos nun, ibinalik na nya ko sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit nangyari ang lahat ng to. Sana, panaginip lang to, isang malaking panaginip. 

Taon na rin ang lumipas nang mangyari ang aksidente. And now I'm a 3rd year college student. Ganun pa rin ang course ko. Kaibahan nga lang, wala na ang babaenf nagbibigay inspirasyon saken. Dami na rin nagbago. Kung dati, maingay ako, ngayon, tahimik ako. I never tend to talked to someone. Masyadong naging malaki ang epekto nang pangyayari saken kahit na matagal na panahon na yun. 

Kung meron man akong kakausapin, wla yung iba kundi si Jake. Good thing classmate ko sya. Kahit naman na wala ako sa mood na makipagsocialite, masaya pa rin naman ako kasama si Jake. Nung mawala si Emjay, sya na laging sumasama saken. 

" Dude.." sabi nya. 

" What?" medyo wala ako sa mood nun. 

" Tara pasyal tayo... Para naman di ka mabored.." errr, sira pala to eh, wala nga ako sa mood na magpupunta sa kung san san. 

" Hmmp, passed kaw na lang.." yun na lang ang sinabi ko. 

'" Dude, pano ka makakamoved on kung nagmumukmok ka lang dyan?" tama bang bigyan na naman ako ng advice. 

" Kaya kong magmoved on sa paraan na gusto ko, kaya wag mo nang ipilit saken yang gusto mo, labas na muna ako." 

Lumabas na ko nun. Errrgg san naman kaya ako tatambay. Dami namang maingay sa paligid. Naisip ko na pumunta sa garden. Napaupo na lang ako sa bench. Inaantay ko ang sarili ko na makatulog. 

SCHED... SCHED... natutulog ka na naman? Tara na, samahan mo kong kumain

Darn, yung boses na yun..... Hindi pwede, hindi pwede na marinig ko sya ngayon dito. 

" Emjay.." ok, it;s just a dream. Napansin ko na naluluha na naman ako. 

Hanggang ngayon, andun pa rin yung sakit na pagkawala nya, ang mas masakit pa dun, sa bawat parte ng school na to, andun yung alaala namin na masaya kami. Parang sa bawat sulok ng school na to, andun ang masayang image ni Emjay. Ang hirap tanggapin. Sana, dumating ang araw na tuloyan na kong makarecover sa kanya. Kailangan ko rin naman mamuhay kaya lang, pano? Nasanay ako na sa bawat goal na natatanggap ko, andun sya para sumuporta, ngayon, wala na. Mag-isa na lang ako. 

Maya-maya lang, may kung sino na lumapit saken. Hindi ako masyadong nakatingin sa kanya pero napansin ko na nag-iwan sya nang panyo. I tried to stare her pero likod nya lang ang nakita ko. Pero parang may katulad sya. Hindi ko matandaan kung sino. Baka guni-guni ko lang. Naisip ko na bumalik na sa room.

" Hey Jake, " tawag ko sa kanya. 

" O?" sabi nya naman saken. 

" Mamaya, tara gala tayo" siguro magugulat yung mokong na yun. 

" Yun naman pala eh, good, geh mamaya.." ako naman, napaupo na lang. 

Siguro, kailangan ko na rin maghanap ng mapaglilibangan. Para naman hindi lang nakakulong ang diwa ko sa kanya. Alam ko rin na hindi sya matutua pag nakita nya kong nagkakaganito. 

Natapos ang klase namin at dumiretso na muna ako sa condo ko. Hazzt, pati din palatong condo ko, may alaala nya. Napansin ko naman na nagring ang cp ko. Tiningnan ko nga. Pssshh, mga walang kwentang naghahanap lang pala ng txtmate. Di ko na lang pinansin. Oo nga pala, marami ang nagkakagusto saken pero hindi ko natend na ligawan sila. Mahal ko pa rin si Emjay kaya matatagalan pa bago ako magmahal uli. For now, girls are just a snob. 

Maya-maya lang, narinig ko na yung sasakyan ni Jake. Hmm, good thing, wala akong trauma or phobia matapos nung aksidente. 

" Dude, ano? Tagal mo naman !"sigaw nya saken. 

" Tss, alam mo naman na mabagal ako diba?"  Then sumakay na ko sa sasakyan nya. 

Hindi ko alam kung san balak pumunta nitong loko na to. Basta susunod na lang ako sa kanya.Tutal, ako rin naman ang nagdesisyon nito eh kahit labag sa loob ko. 

Nakarating kami sa pupuntahan namin around 5pm at isa yung bistro. Ok, so ano? Iinom lang kami? Then what? Kala ko naman mageenjoy ako. 

" Naku naman Leon oh, nakasimangot ka.." biglang sabi saken ni Jake. 

" So?" pambabara ko naman sa kanya. 

" Pano ka makakahanap ng bago nyang kung lagi kang ganyan?" 

" Please lang hah Jake, wag mo na nga pansinin ang personality ko. Kung ayoko magbago, wala kang magagawa ok?" Nauna na ko sa kanya na pumasok. Naku sanay na to saken. 

Pagpasok ko sa bistro, grabe, amo usok, hindi ko kaya ang amoy. Naisip ko na pumunta na lang sa may waiting area,sa may living room. Dun kasi,medyo tahimik.  Hmmp natitiis ni Jake na pumunta dito? Palibhasa cassanova. 

Patulog na sana ako nang biglang makita ko yung nakasagi saken.  I was shocked. 

" Sorry.." sabi nya saken. 

Hindi ako makapaniwala. NO, as NO talaga, hindi pwedeng mangyari..... 

a/n: maiksi po ba? Hehehe, ok yun, para mabibitin kayo. Siguro nagtataka kayo kung sino yung nakita nya, abangan na lang sa next chapter. Ayun, keep on voting, reading and of course, comment na rin, please pretty please,gawa na kayo watty account *_____*   POWER HUG

FOREVER BE MY ANGEL <33 [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon