FBMA #29 " missing .."

56 0 0
                                    

a/n: Hi dears :))))) musta naman? Sensya na , masyadong busy , dumaan kasi ang aming midterm ee kaya naman ayun , puspusan sa pag-aaral ang inyong author ... Pero namissed ko talaga ang mga love team dito ?? Sure ako , may hindi na makapag-intay sa Brandy and Bryan dyan , wahaha wait lang kayo :)))) malapit na sila , sino muna ang gusto nyong love team ?? Ako, ANNIE AND LEON <3 

Oh sya , tama na kwento , UD na sana magustuhan nyo ... 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=Louis's Pov= 

One week ... 

two weeks ...

three weeks ...

Four weeks ... 

One month , ganun ko sya katagal na hindi nakikita.  Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya :( ganun na din katagal na cannot be reach ang number nya , hayyyyyssss.... Sana naman , ok lang sya , pag nakikita ko naman si Brandy , iniiwasan lang ako. 

Naaapektuhan na din ang pag-aaral ko kakaisip ko sa kanya :( Sana naman , magparamdam sya saken. 

" Hi Naku Louis , bakit hindi mo sya puntahan sa tinitirhan nya?" sugget ni Jake saken. 

Kasama ko ngayon ang CR. 

" Ginawa ko na yan pero palaging walang tao :( " sagot ko sa kanya. 

" Hay naku , wla na , iniwan ka na ! " pang-aasar naman ni Scott saken. 

" Sige lang pre ! mang-asar ka , uupakan kita ! " banta ko naman sa kanya. 

Ugh ! Lutang na talaga ang pag-iisip ko >3< 

" Oh , anong meron?" tanong ni Annie samen. 

" Yung isa dyan , masyadong nangungulila sa mhine nya *smirk*" - Scott. 

" Tumigil ka nga Scott ! " medyo badtrip na ko nun. 

" Bakit Louis , hindi ba nagpaparamdam si Aly sayo ?" umiling lang ako as a sign of response sa tanong ni Annie. 

" Eeeeeeeee ? Naku ,, hayaan mo na muna yung babae na yun , di ka din matitiis nun , magpapakita din sayo yun ;) " medyo nacheer up naman ako sa sinabi ni Annie. 

"Hehehe , baka nga busy yun :) sige , pasok na ko , may klase pa ko ee " 

Lumabas na muna ako sa glasshouse namin. Nag-ikot ikot sa buong campus , nagbabakasakaling makita ko din sya :(  Nakakainis pa , may memories kami sa lahat ng parte ng campus na toh. 

" Mhine .. magpakita ka naman saken oh ... " yun na lang yung nasasabi ko sa sarili ko. 

Papunta na sana ako sa room ko ... 

 Sa may ground ako dumaan, nang walang anu-anu , may papel na lumipad saken. Nung una, akala ko kung ano lang , yun pala isang sketch lang... Pero mas nagulat ako sa sketch .. 

Sketch yun na nakaakbay ako kay Aly at nanunuod kami ng fireworks, Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Lumakas yung pakiramdma ko na nandito sya. Hinanap ko kung saan nagmula yung papel, umakyat ako sa building malapit sa may ground , wala sya dun.. 

 Umakyat din ako sa may theater room pero wala sya doon. Halos libutin ko na yung buong campus pero hindi ko parin nakikita ang bakas ng babaeng pinakamamahal ko. Bigla kong naalala, yung lugar kung saan kami madalas magbonding. 

-----------------------------------------------------------

Hindi nga ako nagkamali , nandito sya ... 

FOREVER BE MY ANGEL &lt;33 [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon