FBMA # 5 the trapped...

209 5 0
                                    

** FBMA CHAPTER 5 **

LEON'S POV

Nakakatamad namang pumasok. Pero kahit papano, napasaya nya ko nung birthday ko. Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip nya at tinuring nya ko na bestfriend daw. Haizxxtt, ano ba to? Bakit ko ba sya iniisip. Oo nga pala, kailangan ko ng kunin mga gamit ko sa locker ko.

Pagpunta ko sa locker ko, ang daming nahulog na gamit. Grabe lang hah, hindi sila nagsasawa na magbigay saken ng kung ano-ano. Tsss, bahala na nga. Oo nga pala, ganito lagi ang nararanasan naming mga campus royalties, palagi kaming nakakatanggap ng kung anong-anong gifts mula sa mga taong di naman kilala lalo na pag birthdays namin. Ang natutuwa lang naman sa ganitong bagay, walang iba kundi si Jake.

" Hoy suplado.." may tumawag saken na pamilyar ang boses kaya naman napalingon ako.

" Annie?" oo si Annie lang pala yun.

" Ang dami namang nagbigay ng gifts sayo..." sabi nya.

" Pssshh, wala lang tong mga to, "

" Ano ka ba, effort nila na bigyan ka nyan nuh." hmm, ang bait nya rin nu.

" Gusto mo ba?" sabi ko sa kanya.

'" Nah, sayo yan nuh.."

" Hmm, ok, sige maiwan na kita.." nilapag ko na lang yung mga gifts sa locker ko.

Aalis na sana ako kaya lang, tinawag na naman nya uli ako.

" Hoy, bakit iiwan mo lang tong mga to?"

" Errrgg, wag mo na nga lang pansinin yan.." sabi ko sa knya then umalis na ko.

Dumiretso na ko sa room. Buti naman at wala pang prof. Naupo naman ako sa desk ko. Nilapitan naman ako ni Jake.

" Dude, free ka ba mamaya?" tanong nya saken.

" Ano bang meron?"

" Wala lang, nagyaya si Bryan na bisitahin natin yung bistro nila eeh.." sabi nya saken.

" Ok, I'm in.." tss, magimik talagang tong mga kaibigan ko.

" Talaga, naks naman, hindi ka na tumatanggi hah." sabay palo nya sa likod ko.

" Bored lang ako kaya ako sasama nu.." palusot ko na lang.

" Hmm, palusot, o basta mamaya... sabay na tayo pumunta hah"

Tapos nun, bumalik na sya sa kinauupuan nya. Ano na naman kaya ang trip ng mga to at gusto na naman nilang gumimik. Ako naman, si sama. Abnormal ko din eh nuh?? Napansin ko naman na pumasok si Annie. Akala ko, kukunin nya yung mga iniwan kong gift dun sa locker.

" Ang mean mo Leon.." bigla nyang sabi saken. At ano na naman kaya ang ginawa ko.

" Bakit?" tanong ko sa kanya.

" Nanghihinayang ako sa mga gifts na iniwan mo >____<"

" Sabi ko naman sayo ehh, ikaw na sana ang kumuha,,," asar ko nga sa kanya.

" Heh, ayoko nga... Hmmpp, bahala ka dyan.." hmm, baliw din to ehh.

" Well, wag mo na ngang ibig deal saken yung mga gifts ok?"

" Hmm, kala ko pa naman napakasentimental mong tao, may bibigay pa naman ako.." medyo pabulong yung pagkakasabi nya.

" Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.

" Wala ahh, "palusot pa sya ehh parang narinig ko na may sinabi sya eeh.

HIndi ko na lang muna inisip kung ano yung binulong nya kanina. Basta, alam ko, may sinabi talaga sya eeh.

FOREVER BE MY ANGEL &lt;33 [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon