FBMA #40 " The Saddest Wake Up "

59 2 1
                                    

=Jake's Pov= 

One week ng nasa coma si Corrine. Halos mawalan na din ako ng pag-asa na magising sya. Walang araw na hindi ko sya dinadalawa kahit na marami akong absences sa klase ko. Nasabi ko na din kina Leon yung sitwasyon nya at dinalaw nila ito kahapon. Ngayon , andito na naman uli ako sa ospital para makita sya. 

" Baby , kamusta ka na? Dinalhan kita ng paborito mong mangga , namimissed na kita , sana naman, gumising ka na .."  then again , tumulo na naman yung luha sa mga mata ko. 

Kada pupunta talaga ako dito , hindi ko maiwasan na umiyak. .. hindi ko pa din maiwasan na masaktan kapag nakikita ko sya sa ganitong sitwasyon.

Habang hawak - hawak ko ang kamay nya .. nagulat ako kasi pakiramdam ko , gumalaw yun kaya naman , bumilis yung tibok ng puso ko, siguro sa galak. Kaya naman agad - agad na akong tumawag ng doctor. Buti at nandun na din yung mama nya. Pinalabas na muna kami sa ICU. 

"Tita, I think, she's awake.. sabi ko sa inyo , hindi nya tayo iiwan ee"  sabi ko sa mom nya. 

" Hay, sana nga hijo " 

Mga 15minutes siguro kaming nag-antay bago lumabas yung doctor. At hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi nya. 

" Mrs. milagro po ang nangyari , nagising na po sya .. pwede nyo na po syang puntahan. " 

Matapos na sabihin yun ng doctor yun , hindi na kami nag-atubiling puntahan si Corrine. Pagpasok namin sa room nya, niyakap agad sya ng mommy nya. Kahit ako , di makapniwala sa kasiyahan na nararamdaman ko ng makita syang gising na. 

" Anak ! princess ko ... hindi ako makapaniwala na gising ka na "  halos maiyak - iyak pa si tita habang sinasabi yun. 

" Mom ... b-bakit po ako nandito ? tsaka... s-sino po sya..... "  

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.  Parang dinurog yung puso ko ng sabihin nya na hindi nya ako kilala. Pero alam ko , baka binibiro nya lang ako. 

" B-baby naman ... ako to , si Jake ?"  she still give me a confusing look. 

" J-Jake ? P-pasensya na pero ....hindi talaga kita kilala ee.."  lalong nanlumo yung pakiramdam ko nung sinabi nya yon. 

" Jake , hijo , ako na ang bahala , magpahinga ka na lang muna , "  sabi saken ni tita. 

Wala na akong ibang nagawa kundi ang lumabas na lang.  Habang palabas ako ng ospital, ang bigat - bigat ng loob ko... parang wala ako sa sarili hanggang sa ....... 

" Jakeeeeeeeeee ! "  napatingin ako sa tumawag saken. 

FOREVER BE MY ANGEL <33 [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon