FBMA #36 "Vanish"

62 2 0
                                    

=Angel's Pov= 


Halos napupuno na dn yung necklace ni Annie pero paunti na din ng paunti yung oras nya :/ kung may magagawa lang sana ako para palawigin pa ang buhay nya .. kaso wala na ee. Nandito ako ngayon sa templo kung saan kami nag-uusap ng Apong. 

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ... may nakita akong babae na kahawig ni Annie. Kung hindi ako nagkakamali , talagang ang dami nilang similarities. Nagdadalawang isip akong lapitan sya pero baka naman makatulong ito kay Annie kaya naman nilapitan ko na. 

" Sandali .." tawag ko sa kanya. 

Napatingin lang sya saken.  Yung titig na alam mong kikilabutan ka. It is a cold stare. 

" P-pwede ba kitang makausap?"  hindi sya nagresponse saken at bigla syang tumakbo palayo saken pero hinabol ko pa din sya. 

Ang layo ng narating ng paghahabulan namin hanggang sa nakarating na sya sa dead end at wala ng mapuntahan. 

" Stop it ok ! Wag kang matakot saken.. I'm a friend .. hindi kita sasaktan... gusto lang kitang kausapin"  I try to become cool pagdating sa kanya. 

" H-hindi kita ---- lumayo ka saken ! " halos sigawan na nya ako sa takot nya. 

" Please ... talk to me ... gusto ko lang malaman kung sino ka .. that's it " patuloy pa dn ako sa pag-insist sa kanya. 

Hindi nya pa din ako kinausap but instead , nakahanap na naman sya ng malulusotan palayo saken kaya naman nakatakas na naman sya -_____-. Nakakainis naman sya.. Tsk ! 

_____________________

=Annie's Pov= 

Nakatapos na naman ako ng isang mission. Nakita ko na nadagdagan na naman yung red shade sa pendant ko. Pakiramdam ko, paunti na ng paunti ng yung buhay ko. Natatakot na din ako sa mga pwedeng mangyari pero kailangan ko pa din na maging matatag. Alam ko na hindi pa tapos yung mission ko kaya ayoko munang sumuko. 

" Hay naku .. amazona , alam mo , ilang buwan ko ng napapansin sayo na lagi kang tulala dyan. Ok ka lang ba? Baka naman may sakit ka , hindi mo lang sinasabi " sabi saken ni Kuya Gino. 

" H-ha ? Wala naman kuya Gee.. ok lang ako , sadyang madami lang iniisip , hectic din kasi sa school " palusot ko na lang dahil kukulitin lang ako nito kakatanong. 

Andito ako ngayon sa bakeshop para syempre , magduty uli para naman may income uli. Nalalapit na yung birthday ni Leon kaya naman kailangan ko ng maraming ipon para masurprise ko sya. 

" Ikaw talaga .. o basta , sure ka na ok ka lang ha , wait , balik lang ako sa counter " 

Ako naman , ang ginawa ko para naman hindi ako masyadong ma-space out,  naglinis ako ng table ng bakeshop. Then , walang ano -ano ... may girl na dumating na nasa 20's na kung hndi ako nagkakamali. Nakashades pa sya. 

FOREVER BE MY ANGEL <33 [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon