FBMA # 16 Meet the transfer students.... Angel

94 1 0
                                    

a/n : hello everyone :)))))))) ayun, sensya na po talaga kung matagal akong magUD dito ahh, inuna ko po kasi muna yung isang story ko malapit na rin po kSI syang matapos ee..... Slamat po sa mga nagvovote, nagcocomment ang nagbabasa ng stories ko, super nakakatuwa po na nakikita na nadadagdagn yung mga tumatangkilik sa mga stories ko hehehehehe at dahil dyan, eto na UD ko so enjoy hehehehehe :)))))

LEON'S POV

Aishhh !! Grabe naman magtampo yung babae na yun =___=.. Pero ok na rin to, at least alam ko na nagseselos sya. Kaya naman ito ako ngayon,palakad lakad sa campus. Yung mga kumag kong kasama, ayun, may mga klase pa , si Annie naman, nasa library may gagawin pa. Habang naglalakad ako, may nakasalubong akong babae na halos ang bigat ng mga dala. Well, dakilang gentleman ako kaya tutulongan ko sya. 

" Ahhm, miss " sabi ko sa kanya. 

" Ahh-- h-hello " medyo nahihiya pa sya saken. 

" Hmmm, kailangan mo ng tulong? I can be a big help .." sabi ko naman sa kanya. 

" Ahh, naku, wag na, salamat na lang.." hay. ang mga babae talaga kahit kailan, hirap nilang paamuin. 

Since alam ko na mahihirapan akong mag-insist, ang ginawa ko, kinuha ko yung bag nya na. 

" Hey, t-teka lang yung gamit ko.." nakikipag-agawan pa sya saken. 

" Wag na, tutulongan na kita, san ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. 

" Hmmm, sa IT department.."napayuko sya. 

Aba, tignan mo nga naman ang pagkakataon oh, akalain mo yun, magkaklase kami. 

" Oh ! Good, alam mo bang dun din ang punta ko?" sbi ko sa kanya.

" Ah eehhh, g-ganun ba?" bat ba napakamahiyain nya?

" Alam mo, di ka pwedeng mahiya-hiya dito, anyway, I'm Leon and you are??" kailangan ko syang makilala. 

" Angel, Angel Gamboa." pakilala nya naman. 

" Nice to meet you Angel, tara na?" 

Di nagtagal,naglakad na kami. Hindi sya palaimik. Nakakbored yung mga ganitong babae, di sya katulad ni Annie na maingay at maraming kwento. Well, nakarating naman kami sa room at naging center of attraction na naman kami. Hinanap ko agad si Annie at ayun, inirapan lang ako. Tampo pa rin? Buti na lang, walang prof. 

" Ahh, Leon. d-dito na lang ako.." sbi ni Angel. 

" Ok, sabi mo, wag kang mag-alala, mababait yang mga yan " sabi ko sa kanya. 

" Hmmm " tumango lang sya saken. 

Ako naman, dumiretso na sa desk ko kung san katabi ko si Annie. Nkau, konting lambing ko lang dito e bibigay na to. 

" Psstt ! " kinalabit ko sya. 

Aba. wa epek ! Di ako pinansin ee. 

" Ano ba yan, nagtatampo naman ang bebe ko.." hahaha, sorry naisip ko lang bigla yun e. 

" ANo?" pansin ko na parang natawa sya sa tawag ko sa kanya. 

" DIba bebe kita? " kumindat lang ako sa kanya. 

" Psh ! Hoy ! Ikaw ahh Madrigal, ang corny mo na ! Hmmpp " sabi ko na nga ba, hindi ako matitiis nito ee. 

" So bati na tayo ?" tanong ko sa kanya. 

Napaisip pa sya.  

" O sige na nga ! In one condition ..." naku, ito na naman si conditon nya ee. 

" Basta hindi mahirap yan ahh. " sabi ko sa kanya. 

" Hmppp libre mo ko ice cream *u* " aish ! sa ice cream ba sya pinaglihi? Araw - araw na lang nagpapalibre saken ng ice cream ee. 

FOREVER BE MY ANGEL <33 [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon