FBMA #2 THAT GIRL ...

380 8 1
                                    

 ** that girl** 

LEON'S POV 

Hindi, .... Hindi pwede na sya yung nakita ko sa bistro kagabi, nananaginip lang ako, oo tama, panaiginip lang. Pero hindi, pareho talaga sila, kung pano magsalita, yung mukha, yung katawan, maliban lang sa buhok.  Dala  na ba to ng sobra kong pag-iisip sa kanya? Errrggg, hindi hindi talaga pwede na maging si Emjay yun. 

Nandito ako ngayon sa room ko, sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip sa nangyari kagabi. 

FLASHBACK 

" sorry " sabi saken ng girl na yun. 

No, hindi as hindi talaga. Sinundan ko sya hanggang sa mapadpad kami sa park malapit dun sa bistro na pinuntahan namin. Nang mahabol ko na sya, hinawakan ko ng mahigpit ang braso nya. 

" Emjay??" sabi ko sa kanya. 

" Hindi Emjay ang pangalan ko ... Pwede ba, bitawan mo nga ako.." pumupiglas sya sa pagkakahawak ko. 

" H-hindi m-mo ba ko n-nakikilala?" pilit ko pa rin sa kanya. 

" Hindi nuh, ngayon lang tayo nagkita kaya pwede lang hah, bitawan mo na nga ako!!!" nakapiglas di sya. 

END OFFLASHBACK 

Hindi, siguro, lasing lang ako nun. Hindi talaga pwede na mabuhay pa sya. Pero sana, totoo yun, errr, ang gulo ko no. >____< Maya-maya lang, pumasok ang teacher namin. Mukhang may mahalagang iaannounce. 

" Oo nga pala, class may kasama ako, transfer student sya so sana be good to her. I will give the floor to her. Miss Annie, please get inside." 

Nung una, wala pa kong plano na pansinin yung girl na sinasabi nya. Hanggang sa marinig ko na magsalita sya, napatingin ako kasi pamilyar yung boses nya. At nung nakita ko na sya, nagulat ako 

0______O

Ganun ang reaksyon ko. Hindi, sya na naman, hindi pwede na maging kaklase ko sya. 

" Hello sa inyong lahat... Ako si Annie Laine Morales, nice to meet you all " sabi nya samen. Pareho din silang  ngumiti. Nakakainis. Bakit ba parehong -pareho sila. 

" Hmm,dun ka maupo sa tabi ni Mr. Madrigal" sabi ng teacher namin. 

NUng papunta na sya sa tabi ko, nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung pano ko aalisin ang tingin ko sa kanya. 

" Hi ^____^" bati nya saken. 

HIndi ko alam kung pano magrereact. Ano ba sasabihin ko. Ang ginawa ko na lang, nginitian ko na lang sya. Ang tagal kong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam pero parang kahit papano, nagiging masaya ako kasi may resemblance sya sa babaeng mahal ko. 

Breaktime nun, haizzt, hindi man lang ako niyaya ni Jake na lumabas. Nagulat ako ng lapitan ako ni Annie at may dala syang pagkain. 

" Hmm, loner mo naman.." sabi nya saken. 

Wala pa rin akong reaksyon. HIndi ko magawang tumingin sa kanya kasi baka makalimutan ko na iba sya at maisip ko na sya si Emjay. 

" Hoy, magsalita ka nga..." pilit nya saken. 

" Hmm " yun lang sinabi ko. 

" Panget mo pag nakasimangot ka.. Kagabi lang, tinawag mo ko sa kung sinong pangalan ngayon, ayaw mo na kong pansinin" Errr, ang kulit nya talaga. Ang ingay nya katulad kay Emjay. 

" C-coincident lang yun.." 

" Talaga? Teka, naalala ko, mj ang tawag mo saken, mukha ba kong lalaki?" natawa ako sa sinabi nya.  " Hmm, uyy nagsmile sya o hehehe " O god, ano ba to, bakit ba nadadala ako sa kanya. 

FOREVER BE MY ANGEL &lt;33 [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon