Kabanata XXXV - Shop

6.6K 298 41
                                    

Kabanta XXXV - Shop

Matapos siyang iwan ng kanyang boss sa kwarto, hindi mapakali si Raya sa kinalalagyan niya. Paano nga kung ganoon na nga ang iniisip niya? Ngunit ang ikinababahala niya, ang hindi pagtanggap ng boss niya sa huling bahagi ng kanyang kwento. Unang beses yatang nireject ng boss niya ang ideyang iyon. At kung may alam ang boss niya sa kababalaghang nangyayari sa kanya, hindi ba dapat masiyahan ang boss Macky niya sapagkat parang nahanap na ni Raya ang misteryo?

Iisa ang nakikitang dahilan ni Raya sa lahat ng nangyayari sa kanya: Kung ano ang maisulat niya sa kasalukuyan ay nangyayari sa nakaraan. At posibleng nauulit-ulit ang pagtakbo ng panahon batay sa kanyang isinusulat.

Ginulo niya ang kanyang buhok.

"Ano bang gusto mo Boss? Tapos na nga eh. Tapos na rin ang pagbabalik ko sa nakaraan kasi it is already written! Makakasama na kita sa hinaharap. Di ko na kailangang magbalik sa nakaraan! "

Tumayo siya mula sa kama at inuunat-unat ang bawat bahagi ng katawan. Hindi rin niya maintindihan kung bakit bigla siyang nakahiga sa kama at parang walang nangyari. Sa pagkakatanda niya, naginig ang buo niyang katawan nang makarating sila sa kubo ng hermitanyag matanda. Ngayon, tila magulong buhok lang niya ang nakita niyang may pagbabago.

Biglang bumukas ang pinto nang saktong magju-jumping jack sana siya.

Bumungad ang isang lalaking tila nakita na niya dati.

"Hi!" bungad nito sa kanya.

"Parang nakita na kita dati," sagot naman ni Raya. Tinitigan niya ito at nakita niyang kahawig ito ng kanyang boss.

Tumawa ang binata sa tinuring ni Raya. Hinagod pa nito ang buhok nitong patsok-tusok at parang kakalagay lang ng wax.

"Nakalimutan mo na agad ako," saad ng binata. "Galing ako sa nakaraan mo."

Kumunot ang noo ni Raya at kinilabutan siya sa sinabi ng kaharap niya.

Tumawa naman ang binata sa naging reaksyon ni Raya.

"Jiggs," at inilahad ng binata ang kamay niya. "Ba't parang nawindang ka sa sinabi ko? Ako yung pinsan ni Macky, I mean, ng boss mo. Naalala mo na ako, the one who last checked if you're okay?"

"Ah, oo hawig kayo eh. Nagulat lang ako. Ni hindi nga kita kilala, tapos sasabihin mong galing ka sa nakaraan ko. Nakahithit ka no?" saad ni Raya. Saka lamang niya naalalang feeling close ang dating niya kay Jiggs.

Tumawa lang ulit si Jiggs. "Ang cute mo!" saad nito.

Hindi alam ni Raya kung bakit magaan ang loob niya sa binatang kaharap nito ngayon. Siguro nadadala nito ang magaan nitong aura na pangiti-ngiti lang, hindi gaya ng Boss Macky niya, na seryoso ang aura.

Napangiti na lang din siya sa sinabi ni Jiggs.

"Bored ka na ba Raya? Tara, labas tayo!"

"Ah, eh, safe ka ba?" pagbibirong tanong ni Raya. Ang totoo niyan, ayaw niyang lumabas ng kwarto. Tila ayaw pa niyang makita ang totoong mundo niya.

"Ikaw ang tatanungin ko, safe ka ba ngayon? Baka kasi madisgraysa..." saad nito habang inosenteng nagkamot ng batok si Jiggs.

"Hoy! " nanlaki ang mata ni Raya at tinakpan ng mga braso niya ang dibdib niya.

"Joke lang! Green ka pala!" biro ulit nito saka tumawa. "Tara na kasi. Ipapasyal kita sa buong resort!" yakag nito sa kanya.

Walang nagawa si Raya sapagkat hinila na siya ni Jiggs na nakapantulog lang.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon