Kabanata: XXV - Dugong Indiyo

6.9K 325 87
                                    

Kabanata: XXV — Dugong Indiyo

Kailan ba mahihinog ang iyong pagsinta

Sa katulad kong sa malayo ka lang nakikita?

Kahit ang tingin mo'y sa mata ko nangungusap

Tila pag-iibigan nati'y di ko mahagilap.

Ilalapat na sana ni Emelita ang susunod na saknong ngunit nakarinig siya katok mula sa pinto ng kanyang kwarto. Agad niya itong binuksan at tumambad sa kanya si Manang Juana.

"Hija, nariyan na ang iyong ama. Magmadali ka, salubungin mo siya ngayon din," utos sa kanya

Nagmadaling iniligpit ni Emelita ang kanyang  mga gamit at lumabas siya mula sa kanyang kwarto. Lahat ng kanilang mga kasambahay ay humanay sa may tarangkahan upang salubungin ang pagdating ni Don Ignacio.

"Kasama niya ang isang pari," sambit ng isa nilang katiwala.

"Bagong kura yata sa ating parokya," bulong naman ng isa.

"Kung gayo'y pinapaalis na pala si Padre Domingo sa ating bayan?" tanong ng isa.

"Sapagkat nabalitaan ng Arsobispo na hindi nahihikayat ni Padre Domingo ang mamamayan ng San Mateo sa pagsisimba," saad ng matangkad na magdidilig ng halaman.

"At isa pa, napakabait naman kasi ni Padre Domingo dahil hindi niya pinipilit ang mga taong magbayad ng buwis. Ang gobernadorcillo lang naman ang mahigpit sa pagpapatupad nito," sagot naman ng isa.

"Sa tingin niyo ba'y makabubuti ang pagpapalit kay Padre Domingo?" pabulong na tanong ng isa pa.

Hindi na natuloy ang usap-usapan ng mga katiwala sapagkat dumarating na ang kalesang sinasakyan ni Don Ignacio.

"Ama! Maligayang Pagdating!" tumakbo si Emelita papalapit sa kalesa.

Bumaba naman si Don Ignacio at aga na niyakap ang anak.

"Salamat at nakarating ka ng maayos, Ama!" paglalambing ni Emelita sa kanyang ama.

Tumikhim naman ang paring kabababa lang ng kalesa.

"Ah, paumanhin, Padre," hinarap ni Don Ignacio si Padre Quintino.

"Sino siya Ama?" tanong ni Emelita.

"Padre Quintino, siya si Emelita, ang aking anak," saad ni Don Ignacio. "Emelita, siya si Padre Quintino, ang bagong kura ng ating parokya."

Nagmano naman si Emelita sa Padreng ipinakilala ng kanyang ama.

"Buenas Diaz, senyorita. Kaawaan ka ng Diyos . Como esta?" sambit nito sa dalaga at titig na titig dito.

"Mabuti pa siguro'y pumasok muna tayo sa loob," wika ni Don Ignacio sapagkat napansin niyang nagtitinginan na ang mga tao sa labas ng kanyang bakuran.


Naghanda ng kaunting salu-salo ang pagdating ni Padre Quintino sa bahay ni Don Ignacio. Nagpakatay pa siya ng kambing mula sa kabilang bayan. Kinatay na rin nila ang tatlong patong inaalagaan ng kaniyang katiwala.

Malaking piging ang inihanda ni Don Ignacio sapagkat sa pakiwari niya'y hihigitan niya ang isa pang papiging ng  gobernadorcillo. Sa madaling sabi'y nais niyang ipakita sa bagong kura na siya ang nakahihigit ninuman.

Bago maupo sa puwesto ang kura,   minabuti muna niyang ikutin ang buong San Mateo. Ang katunayan, napaaga ang kanyang pagdating sa San Mateo. Dahil na rin sa pagpapaunlak ni Don Ignacio na mananghalian siya sa bahay ng Don, hindi na niya pinalagpas ito sapagkat naging magkaibigan sila ng Don noong naninirahan pa ang pamilya ng ina ni Don Ignacio sa San Pedro, na dating pinagsisisilbihan ni Padre Quintino  noong bago pa lang siyang ma-ordina bilang pari.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon