Ikalimang Kabanata — Espiya
"Sana paggising ko, may maisip na ako. At sana mapanaginipan ko ang susunod na idudugtong sa kwento ko. At sana, nabubuhay na lang ako sa mundong pwede kong baguhin lahat ng bagay na gusto kong baguhin."
Paulit-ulit itong binubulong ni Haraya sa kanyang isipan. Para itong sirang plaka na paulit-ulit niyang pinapatugtog at naririnig.
"Hay potek, puro ako 'sana'. Kung nagiging pera lang ang sana, milyonarya na ako!"
Desperado na siyang magkaroon ng ideya para sa susunod na kabanata ng kanyang susulatin. Hindi niya kasi alam kung ano ang susunod sa tagpo nina Karyo at Emelita. Nasa prologue palang siya. Hindi niya alam ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento niya. Ang alam lang niya, naiguhit na niya ang dayagram ng katauhan ni Karyo. Yung kay Emelita naman, hindi pa buo.
Kailangan niya ng pera. Kailangan niyang magmadali, kundi, mamamatay siya sa gutom at baka bangkay na niya ang matatagpuan sa apartment na tinitirhan niya. Kailangan niya ng kahit pitong kabanata lang ang maipasa niya sa boss niya ngayong katapusan, para makuha niya ang advance payment. Mapapahiya siya sa boss niyang masungit at laging parang dinadatnan ng buwanang daloy tuwing kinokontak siya.
Paulit-ulit niyang sinasambit ang mga huling katagang binitiwan niya bago siya matulog. "Sana...sana..."
Paulit-ulit..hanggang sa makadama siya ng kakaibang aura habang natutulog siya. Di niya maimulat ang kanyang mata kahit nararamdaman niyang parang umiikot siya sa kanyang hinihigaan. Nakakarinig siya ng mga tinig. Normal na iyon sa kanya dahil malapit ang apartment niya sa kalsada. Ngunit naging kakaiba iyon nang makarinig siya ng agos ng ilog.
Nakarinig siya ng kaluskos ng paa, na parang naglalakad sa mga tuyong dahon. Laking gulat niya nang maaninag niya ang nakakasilaw na sinag ng araw na tumatagos mula sa mga dahon ng punong kinalalagyang niya ngayon. Sa halip na bumalikwas siya, hindi siya gumalaw. Pinakiramdaman niya ang paligid, tila naghahanap siya ng kasagutan ng kanyang tanong at agad siyang nag-iisip kung papaaano siya nakarating sa isang kagubatan.
"May nang rape ba sa akin tapos iniwan ako sa liblib na lugar?" bulong niya saka niya niyakap ang kanyang sarili. Napansin niyang suot pa rin niya ang kanyang pantulog, isang maluwag na t-shirt at nakasuot pa rin sa kanya ang maluwang niyang pyjama.
"OMG, nasaan ako?!"
Kinapa-kapa niya ang kanyang dibdib. Nando'n pa rin ang kanyang bra. Sinilip niya kung may panty pa siya. Andoon pa rin ang salawal niya. Hindi rin siya nakaramdam sa kanyang baba ng hapdi kaya napangiti siya dahil hindi pa nila nakukuha ang kanyang Bataan.
Huminga siya nang malalim. "Haaay...salamat!" humawak siya sa kanyang dibdib.
Nakarinig siya uli ng kaluskos ng paang naglalakad sa dahunan. Mukhang maraming paa.
Nagtago siya sa isang malaking puno. Laking gulat niyang nang makakita siya ng apat na matitipunong lalaki.
Ang apat na lalaking ito ay nakasuot ng pamilyar sa kanyang paningin. Sila ay nakasuot ng hanggang tuhod na bota. May kung anong matigas na sumbrero sa kanilang mga ulo. May nakasukbit na bayoneta sa kanilang balikat. Tig-iisa sila ng matulis na espada. Biglang kumunot ang noo ni Raya.
"What the heck? May shooting ba dito? Mga bihis guwardiya sibil ah!" bulong niya.
"Allegro! " sigaw ng parang lider nila.
Nakadama siya ng takot sa boses ng lalaki. Nakahinga lang siya nang maluwag nang umalis sila na parang may hinahanap.
Tumingin at tumingala siya sa paligid para maghanap ng camera.
BINABASA MO ANG
Está Escrito (It is Written)
Ficción históricaIsang Historical fiction sa loob ng isang historical fiction. Mabubuhay ka pa kaya sa kasalukuyan kung di ka pa nakakatakas sa nakaraan? (Completed) (Taong Inilimbag: Disyembre 2013 - Mayo 2017) ....