Kabanata XXXVII - Iisa
"Iliko mo sa kanan," utos ni Raya nang makarating sila sa compound ng kanyang apartment.
"Salamat Jiggs," ani Raya habang tinatanggal ang kanyang seatbelt.
"Wag ka munang magpasalamat, hindi ka pa nga nakakarating sa loob ng bahay niyo eh,"saad naman ni Jiggs.
"Basta, salamat. Mas mabuting nang masabi ko to nang maaga. Baka makalimutan ko pa at baka sabihin mong wala akong utang na loob," ani Raya.
"Mas magandang magpasalamat pag naroon ka na. Hindi mo pa alam kung anong pwedeng mangyari. Baka kailanganin mo pa ulit ako," ani Jiggs habang tinutulungan si Raya sa pagtanggal ng seatbelt dahil napansin niyang hindi matanggal ni Raya ang pagkakakabit nito.
"Kaya ko na, salamat," saad ni Raya nang makalag ang seatbelt. Naiilang na rin siya sa paglapit ni Jiggs sa kanya.
"Pag nagpasalamat ka ulit, magpapabayad na ako sa iyo," biro ni Jiggs.
Ngiti lang ang iginanti ni Raya. Subalit nang bumaba sila sa pickup, nanliit ang mata niya dahil di siya makapaniwala sa tanawing nakita niya sa harap ng kanyang apartment.
"Shit Jiggs! Yung mga gamit ko, nasa labas!" dali-dali niyang pinulot ang mga nagkalat na gamit sa kalsada. Napapamura pa siya ng "What the hell" habang nagpupulot.
Agad namang tinulungan ni Jiggs sa pagpupulot si Raya. Subalit makalipas ang ilang segundong pagpupulot, ibinagsak ni Raya ang lahat ng gamit na dala niya at tinungo ang kabilang pintuan ng kanyang apartment kung saan tumutuoy ang landlady nito.
"Aling Berta!" kinalapag niya ang pintuan. "Aling Berta!"
Nang bumukas ang pinto, bumungad ang nakakunot-noong matanda na lalong halata ang kulubot ng kanyang mukha.
"Anong kailangan mo?" tanong nito.
"Aling Berta naman, akala ko ho ba nag-usap na tayo?" pinilit niyang maging malumay ang kanyang boses ngunit halatang nagpipigil ito sa pagsigaw dahil nanginginig ang kanyang boses.
"May umupa na ng mas mataas sa presyong binabayaraan mo. At mukha namang mas makakabayad siya dahil mas maganda ang trabaho niya," sagot ng matanda.
Nang marinig niya iyon, alam niyang wala na siyang laban. Hindi siya makakapangako ng bayad sa matanda sa matanda dahil mahihirapan siyang makahanap ng trabaho ngayon. Kahit mapag-usapan nila ni Aling Berta ang mga kondisyon, huwag lang siyang mapaaalis sa apartment, mahihirapan pa rin siyang tumupad dito. Alam niyang kapag pera ang pag-uusapan, madaling nagbabago ang desisyon at kasunduan.
Walang ibang nasabi si Raya sa matanda kundi "Sige po". Tila bumigat ang kanyang katawan nang tinungo niya ang lugar kung saan nakakalat ang kanyang gamit.
Samantala, nakita niyang binubuhat na ni Jiggs ang mga huling gamit niya sa pick-up.
"Jiggs! Anong ginagawa mo? Ibaba mo lahat yan diyan!"
"Wag ka nang madaming satsat. Saan ko ba dapat ilagay tong mga gamit mo, sa Payatas? Wala ka nang titirhan, kaya sumakay ka na ulit diyan sa loob nang makaalis na tayo dito sa leche mong lugar," saad niya habang itinatali ang mga gamit ni Raya.
"Pero Jiggs.."
"Wala nang pero-pero. Wala ka na ring pagpipilian," aniya habang itinutulak si Raya upang sumakay sa loob ng pick up. Wala na ring nagawa si Raya dahil kung iisipin pa niya ang hiya niya, baka sa kalsada siya matulog mamayang gabi. At kahit hindi niya alam kung anong balak ni Jiggs sa kanya, nagpatianod na lang siya at nananalig na sana'y isang mabuting tao ang kanyang kasama ngayon. Masyado na siyang nagugulumihanan sa sitwasyon para mag-isip ng kung anu-ano.
BINABASA MO ANG
Está Escrito (It is Written)
Fiksi SejarahIsang Historical fiction sa loob ng isang historical fiction. Mabubuhay ka pa kaya sa kasalukuyan kung di ka pa nakakatakas sa nakaraan? (Completed) (Taong Inilimbag: Disyembre 2013 - Mayo 2017) ....