Kabanata XVI - Ang kwaderno, ang Rosal at ang Kwintas

8.1K 371 72
                                    

Ikalabing-anim na Kabanata - Ang kwaderno, ang Rosal at ang Kwintas

Hindi akalain ni Raya na ganoon pala ka-brat ang dalagang si Emelita. Nakasimagot at pamaktol pa siyang umuwi. Kung pupuwede lang niyang turukan ng tranquilizer ang dalaga ay ginawa na niya. Sa kanyang isip, masuwerte si Emelita dahil hindi pa uso ang tranquilizer noong panahong iyon. At kahit anong pagpapaliwanang ni Raya sa dalaga na hindi sinasadya iyon ng matandang malabo ang mata, tila hindi pa rin mawala ang pagkainis nito.

"Napaka-two faced talaga ng taong to oh!" ani Raya sa sarili

Pasado ala-diyes na nang magsiuwian ang mga bisita. Mabilis na ring nailigpit ng mga naninilbihan na inupahan ni Ka Timong ang buong kabahayan. Ayon kasi sa ordinansa ng bayan, ipinagbabawal ang mga pagtitipong lalagpas ng alas-onse ng gabi upang maiwasan ang di kanais-nais na pangyayari. Nag-iikot na rin ang mga guwardiya sibil. At sa di- kalayuan, umalingawngaw ang isang putok ng baril. May isang mamamayan nanaman ang nahuli at siguro'y nanlaban.

Nang marinig iyon ni Raya, kinilabutan siya. Tila hindi pa rin nawawala ang putok ng baril na iyon sa kanyang tenga, kung kaya't ititigil na niya ang pagsusulat ng talaarawan tungkol sa mga bagay na nangyari sa kanya noong gabing iyon. Tatapusin na lamang niya muna ang huling talata ng kanyang tala. Nang patapos na siya para sa huling pangungusap, biglang may kumatok sa pintuan.

Ayaw na ayaw talaga niyang iniistorbo siya sa pagsusulat. Baka kasi malimutan na niya ang isusunod niya rito. Inipit niya ang rosal na nasa tabi niya sa kwadernong sinusulatan niya. Saka siya tumayo.

Yamot niyang tinungo ang pintuan at nang buksan niya ito, tumambad sa kanya ang mukha ni Karyo.

"Sus ginoo!" gulat na sabi ni Raya. "Ikaw lang pala Karyo! Halika, pasok ka sa kwarto ko!"

Tumingin-tingin pa sa loob si Karyo saka nagsalita, "H-hindi, hindi ako maaring pumasok sa loob ng kwarto ng isang dalaga."

"Sus! Ang arte mo! Pumasok ka na!" sabi ni Raya at hinila niya sa loob ni Karyo.

Halos mapatid si Karyo sa paghila ni Raya.

"R-raya!" pasigaw na tawag ni Karyo sa dalaga. Paano kasi ay naiilang siya sa pagkakahawak ng dalaga sa kanyang braso.

"Ano? Pakiulit nga? Totoo bang tinawag mo ako sa pangalan ko? Kay gandang pakinggan!" pagbibiro naman ni Raya dahil nakaramdam din siya ng pagkailang ngayon dalawa lang sila sa kanyang kwarto.

"Ayoko. Nagpunta lang ako dito upang tignan kung gising o tulog ka na," sabi niya habang mahigpit niyang hinahawakan ang isang kwintas sa kanyang palad. Nais niya kasing ibigay ang kwintas na iyon kay Raya ngunit tila naunahan siya ng hiya.

"Weh? Talaga? O sige. Pero gusto ko sanang marinig ulit ang pangalan ko. Maaari mo bang ulitin? Sige na!" pangungulit nito sa binata.

"Binibini, tila nalasing ka yata. Wala ka nanaman sa ulirat," sabi nito ngunit lihim siyang napapangiti.

"Hindi ako lasing, Karyo. Nais ko lang marinig na tinatawag mo ang pangalan. Lagi kasing binibini ang tawag mo sa akin eh. Parang 'di naman tayo magkaibigan! Sige na!" pangungulit nito sa binata.

"Ayoko. Matulog ka na. Nakainom ka lang ng lambanog," pagmamatigas ni Karyo.

"Hindi nga ako lasing. Amuyin mo pa!" inilapit ni Raya ang bibig niya sa mukha ni Karyo. Ilang segundo rin ang itinagal nila sa puwestong iyon dahil napagtanto ni Raya kung gaano napatahimik at napatitig si Karyo sa kanyang mga labi.

Kapwa sila napaatras sa isa't isa.

"Mukhang inaantok lang ako. Iyon lang ba ang sadya mo rito? Siguro'y kailangan ko lang matulog," sabi ni Raya. Unang pagkakataon yata na siya pa ang nahiya sa inasta niya kanina lamang.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon