Kabanata XXIX- Sugat

7.5K 355 78
                                    

Kabanata XXIX- Sugat

Simula nang ipinakilala ang bagong kura paroko ng bayan ng San Mateo sa katauhan ni Padre Quintino, tila nabalot ng bagabag ang buong bayan. Inalis ang lahat ng dating mga naninilbihan sa simbahan at pinalitan ang mga ito ng mga dayo. Sa ganoong paraan daw, hindi na mapagbibigyan ng mga nasa simbahan kung may pagkukulang man ang mga mamamayan. Namimili na rin ng mga produkto iniaalay ang simbahan. Ayon sa kura, karamihan daw ng mga iniilay ng mga mamamayan ay mga sobra lamang at mababang uri ng produkto.

"Ang inyong pagbibigay ay dapat nilulubos upang maging lubos din ang hatid na biyaya sa inyo ng Panginoon."aniya.

Sa tuwing nakakakita sila ng mga malapit nang mabulok, o kaya may mga depektong gulay at iba pang mga alay, ipinapatawag ang mga ito upang magkumpisal at maglagay ng mas malaking indolhensiya upang mapatawad daw ng panginoon sa ginagawang panlalamang.

Ngunit hindi lamang simbahan ngayon ang naghihigpit sapagkat sunod-sunod ang paglusob ng mga tulisan. Humingi ng karagdagang sundalo ang gobernadorcillo sapagkat gabi-gabi ay may napapatay na guwardiya sibil.

Di naglaon, lalong umigting ang pagkilos ng mga tulisan sapagkat nilooban ang bahay ni Senyor Castillo.

"Kinuha ng mga tulisan ang mga mahahalagang bagay sa kamalig nina Senyor Castillo," saad ng isang ale kina Tandang Eling habang kasama niya si Raya na namimili sa palengke.

"Kung bakit kasi sa kamalig pa  nila nilagay ang mahahalagang bagay," sabat ng isang tindera.

Nang mga sumunod na gabi, sunod-sunod na rin ang naging nakawan sa bayan, lalong-lalo na ang mga bahay ng mga kilala at prominenteng pamilya ng principalia. Ang mga mamamayan na rin ay natakot sa ginagawang paglusob ng mga tulisan kaya  nag-iingat din ang mga ito.

"Magtapat ka, Ka Timong. Isa ba ito sa mga plano ng samahan?" isang mapag-alalang tono ang lumabas sa bibig ni Tandang Eling habang kausap ni Ka Timong.

"Wala kaming sapat na kagamitan. Hindi rin sapat ang aking kayamanan. Kung maari ko lamang ipagbili ang aking ari-arian, ginawa ko na noon pa. Ngunit kung ginawa ko iyon, maghihinala ang lahat. Aalamin nila kung saan ko ginugol ang lahat ng aking kayamanan. Ito lang ang paraan, Tandang Eling," sagot ni Ka Timong.

Napakurus ang matanda.

"Ngunit delikado, hijo. Masama ang magnakaw sa kapwa. Labag yan sa utos ng Panginoon.Paano kung isang araw ay mahuli kayo? Paano na kami ni Raya? Ang iba pang umaasa sa iyo? Sa Inyo?"

Napabuntong-hininga si Ka Timong.

"Ito lang po ang paraan. Para ito sa bayan. Para ito sa mamamayan. Nang mabuo ang samahan at kami ay sumapi, ang aming dugo ay amin nang inialay."

"Kaawaan kayo nawa ng Panginoon, hijo," iyon na lamang ang nasambit ng matanda sapagkat alam niyang hindi magbabago ang desisyon nina Ka Timong.

Ilang gabi na ring nagdaraos ng lihim na pagpupulong ang samahan. Halos hindi na rin makasabay sa pagkain nina Tandang Eling at Raya ang mga kalalakihan sa bahay.  Sa umaga, sila'y nasa bukid o di kaya'y nagmamanman sa kilos ng mga pinaghihinalaan nilang taksil sa bayan. Sa gabi nama'y nagkakaroon ng pulong o di kaya'y paglusob. Ang kanilang pagkilos ay inakala ng ibang paglusob ng mga tulisan.

Noong mga panahong iyon, nakita ni Raya na mas mabuti pang hindi muna sila magkita ni Karyo. Gusto niya ng panahong isipin kung pagmamahal nga ba ang nararamdamn niya kay Karyo. Hindi pa kasi siya nakadama ng pagmamahal na ganito. Iniisip niyang baka crush pa lamang ang mga ganitong damdamin. Ilang araw din silang nag-iwasan ni Karyo. Ganoon din naman ang binata sa kanya.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon