Kabanata VIII - Bagong Katiwala

9.9K 451 174
                                    

Ikawalong Kabanata  -  Bagong Katiwala

Pagmulat niya ng kanyang mata, nawala ang kanyang pagkahilo. Iginala niya ang kanyang paningin sa kanyang paligid. Medyo madilim ang kwarto.

"Brownout ba? Bakit ang dilim? Naputulan na ba ako ng kuryente ?" aniya sa isip.

"Oh, hija, gising ka na pala," sambit ng matanda sa gilid ng kanyang higaan. Kulubot ang buong balat niya. Mahaba ang buhok nito na puro puti ang kulay. Parang  white lady sa Magandang Gabi Bayan. Napakahaba pa ng saya nito, di niya makita ang paa nito  kung nakalutang ba ito sa sahig.

"Maligno!" napabulalas niya.

"Hija, mukhang hindi ka pa nakakabalik sa ulirat," sabi ng matandang babae sa kanya habang hinihipo nito ang noo niya. Ngumiti ang matanda. Biglang nawala ang takot ni Raya.  Napansin din niya na hindi niya kwarto ang lugar na kinalalagyan niya.

"Nasaan ho ako?" tanong niya.

"Nasa bahay ka ngayon ni Ka Timo Pambila. Tandang Eling pala ang tawag nila sa akin dito. Alaga ko iyang si Ka Timong simula nang lumaki siya. Ngayon, sinusoportahan ko ang kanyang pagkilos laban sa mga kastila kahit ako'y matanda na," malambing na sabi ni Tandang Eling.

"P-paano po ako nakarating dito?" Sinilip niya ang damit niya sa ilalaim ng kumot, baka may nagbago sa kanya. Hindi na siya nakasuot ng modernong damit ngayon. Naka-saya siya. Tumingin siya nang may halong pagtataka sa matanda.

Ngumiti ang matanda. "Binihisan pala kita dahil basang-basa ka nang iniuwi ka dito ni Karyo. Nakita ka daw niyang nalunod sa ilog."

"K-karyo? Nagbalik ako sa panahon ni Karyo?" gulat na sabi ni Raya.

"Hija, may problema ka ba?" tanong ng matanda.

Oo nga pala, natupad ang hiling ko. Sambit nito sa sarili. Naalala na niya ang nakaraan.

"Pero, akala ko, panaginip lang iyon? Di bale na. Ang mahalaga, nakabalik ako para makita ang buhay-pag-ibig ni Karyo!"  sambit nito sa sarili habang inaayos niya ang knayang pag-upo.

"W-wala po. Nasaan ho si Karyo? Nais ko hong magpasalamat," Sabi ni Raya sa matanda.

Ngumiti ulit ang matanda. Hindi alam ni Raya kung bakit ang gaan-gaan ng loob niya sa matandang ito. Napakamisteryosa ng ngiti niya at parang basang-basa ng matandang ito ang kilos na gagawin niya.

"Nasa balkonahe si Macario. Nag-iinuman sila ng tuba ng kanyang mga kasamahan. Dito ka na muna sa silid at magpahinga. Hindi ka niya makakausap ngayon," sabi pa ng matanda.

 

"Oo nga pala, nagluluksa si Karyo sa pagkawala ni Matyang.  Kailangan niya ng kasama, ngunit hindi niya ako kailangan ngayon." aniya sa kanyang isip.

 

Bigla siyang nalungkot.

" Kasalanan ko ata ito." Sambit ulit niya.

 

"Hija, may masakit pa sa'yo?" tanong ulit ng matanda.

"W-wala ho. Salamat po pala sa kabaitan ninyo, kahit di niyo ko kilala ay pinatuloy niyo ako sa bahay na ito," sabi niya sa matanda.

"Ano ka ba naman hija, alam ko namang mabait kang bata. At kung sino ang kaibigan ni Karyo ay kaibigan na rin ng buong katipon. Tinaggap ka na rin ni Ka Timong nang magmakaawa si Karyo na patuluyin ka sa bahay na ito," ngiting sabi ni Tandang Eling.

"Ahehhe, salamat po talaga," nahihiyang sabi ni Raya pero nakangiti pa rin.

" Napakaganda mong bata, at nakikita ko ang masiyahin mong katauhan kahit may pinagdadaanan kang suliranin," sabi ng matanda.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon