Kabanata IX - Pamilihan

10.3K 406 119
                                    

Kabanata Siyam — Pamilihan

Sa susunod na linggo pa ang pagtitipon sa bahay ni Ka Timong ngunit halatang naghahanda na ang lahat. Sina Kuya Aurelio at Kuya Roque ay nagpunta sa kabilang bayan upang asikasuhin ang mga kinakailangang disenyo sa bulwagan, pati na rin ang mga materyales na kakailanganin nila. Si Kuya Diego naman ang naiwan upang pangasiwaaan ang buong kabahayan.

Habang si Raya, nagmamasid lang sa hagdanan habang pinapanood niya si Karyo na nagdidilig sa halamanan sa bakuran.

"Karyo, gusto mo ng tulong?" inip na tanong ni Raya.

"Binibini, magpahinga ka na lamang. Mahina pa ang iyong katawan," matabang na sagot ni Karyo habang nagpatuloy sa pagdidilig.

"Mahina ka diyan, malakas to ah. Maton kaya ako! Takot nga sa akin ang mga lalaki noong bata pa ako eh!" pagmamalaki niya. Tunay nga naman. Noong bata si Raya, walang lumalapit sa kanyang lalaki. Kaya hindi rin siya gaanong nakaranas ng paghanga sa mga lalaki nang maaga. Hindi niya alam kung bakit. Basta ang alam niya, hindi siya namamansin ng lalaki. Kahit asarin siya ng mga ibang bata ay hindi niya sila pinapansin  kaya ang mga lalaki na mismo ang lumalayo sa kanya. Lalo siyang nilayuan nang malaman nilang nag-aaral ng taekwondo si Raya at isa siyang black belter.

Kolehiyo na yata siya nang makaranas siya ng paghanga.

"Tila  hindi babae," bulong ni Karyo.

Habang pinapanood ni Raya si Karyo, napapansin niyang nag-iiba ang kilos ng binata. Medyo kinakagat ni Karyo ang labi niya pero seryoso pa ring nagsasalok at nagbubuhos ng tubig mula sa baldeng bitbit niya. Butil-butil din ang tumatagaktak na pawis sa noo at patilya niya.

"Karyo, pagod ka na ba?" tanong ulit ni Raya. "Pinagpapawisan ka ah! Ilang minuto ka pa lang na nagsisimula diyan pero mukhang pagod ka na. Yung totoo pare? Apat na sako ng bigas nga, kaya mong buhatin at di ka napapagod. Yan pa kayang isang balde lang? "

Hindi umimik ang binata.

Nainis naman si Raya sa 'di pagpansin sa kanya ni Karyo. Nagpatuloy lang ulit ito sa pagdidilig. Pumasok sa loob ng bahay si Raya sa inis. Nakahinga naman ng maluwag si Karyo dahil wala nang nagmamasid sa mga kilos niya. Patuloy siyang nagdilig nang madamag.

Ilang saglit pa ay lumabas si Raya nang may dalang baso at pitsel ng tubig. Nakasukbit din sa balikat niya ang isang maliit na tuwalya.

"Karyo! Inom ka muna!" yaya ni Raya.

Saktong kanina pa natutuyuan ng lalamunan si Karyo. Aywan niya kung bakit. Naubos na ata ang tubig niya sa katawan dahil sa luhang nailabas niya noong nakaraang araw.

Naglagay ng tubig sa baso si Raya at iniabot niya ito kay Karyo.

"S-salamat," sabi nito.

Habang umiinom si Karyo, nagulat siya nang biglang pinunasan ni Raya ang pawis sa kanyang noo.

"A-anong ginagawa mo, binibini," gulat parin niyang sabi na halos matapos ang kanyang iniinom.

"Duh? Edi pinupunasan ka! Nahiya ka pa eh," sabay ngiti.

"L-lumayo ka sakin," saad ng binata habang humakbang papaatras.

"Sobra ka na ah! Wala naman akong sakit na nakakahawa eh! Ano bang problema mo?" tanong niya sa tila ibang kumilos na Karyo.

"P-pasensiya na. Hindi ko talaga maiwasang magtaka sa iyong personalidad. Gusto kong makasigurong hindi ka.."

"Masamang tao?" pagdudugtong ni Raya. "Kung masama akong tao, kagabi ko pa kayo minassacre... ang ibig ko sabihin..kagabi ko pa kayo pinaslang at nilason."

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon