Prologo

46.7K 1.1K 224
                                    

Dating Pamagat: Mi Pluma Escribio Historia de Amor (My Pen Writes Lovestory)

A/N: Napakahaba kasi ng dating pamagat kaya pinaiklian ko na lang. Thanks
@Charitto_Engracia093
@jackiEnchanted for the previous cover and
@   bluelicht04 for the new cover!

Date Started: Disyembre 2013

Date finished: May 2017

Prologue

Isang katipunero si Karyo Biglang-awa. Si Emelita nama'y isang anak ng principalia. Kapwa sila umibig sa isa't isa at namuhay sa panahon ng kalituhan at labanan sa pagitan ng mga mapang-abuso at naabuso, nang-aapi at lumalaban, taksil at makabayan. Ngunit sa bawat hampas ng unos na dumantay sa kanilang bayan, isang kakaibang atmospera ang kanilang naramdaman. Ang mga sibat at baril ay mga bulaklak sa parang ng kanilang pag-iibigan. Ang pagputok ng baril ay melodiya sa kanilang tenga. Ang mga panaghoy ay musika na saksi ng kanilang..... kanilang...

Naranasan mo na bang magkaroon ng writer's block?

Mahirap mag-isip kung wala kang inspirasyon. Mahirap ilarawan ang bagay na di mo pa nakikita at nararanasan. Mahirap isipin ang bagay na imposible at mahirap paniwalaan ang mga kataka-takang pangyayari.

Ninais mo bang makahanap ng kasagutan sa mga bagay na matagal mo nang hinahanap? Ginusto mo bang tumira sa mundo ng mga tauhang likha din ng iyong imahinasyon? Naisip mo bang maari kang makahanap ng pag-ibig sa mundong ikaw ang gumawa?

Si Haraya Martinez ay kagaya ng ilang manunulat. Katulad ng iba,  naghahangad siyang magkapangalan sa mundo ng panitikan at literatura, mabasa ang kanyang mga gawa ng mas nakararami, at maging inspirasyon sa ibang naghahangad sa pedestal ng tagumpay.

Ngunit papaano niya makakamit ang lahat ng pangarap kung babalik siya sa nakaraan, kung saan ang nakaraang iyon ay siya mismo ang lumikha? Makakakuha kaya siya ng inspirasyon sa pagsusulat? Paano kung siya mismo ang sisira sa kwentong ito? Ano kaya ang kahihinatnan nito sa dulo?

Pag-ibig. Pangarap. Milagro. Nakaraan. Pighati. Aasahan mo pa bang hindi ka pinaglalaruan ng kapalaran?

jejeintro

Esta Escrito (c) 2013

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon