Kabanata XLIX- Ligtas

6.1K 406 74
                                    


Kabanata 49 - Ligtas

A/N: Thanks for the new book cover @JackiEnchanted

Muli, napagtanto ni Raya na makapangyarihan ang pagtingala sa langit. Napatigil siya sa paggalaw dahil sa pagkamangha at pagkagulat. Kung anong bilis ng pagtibok ng puso niya ay ganun din kabagal ang paglapit ng lalaking nakasakay sa kabayo.

My knight in Shining Armor. Para kay Raya, masyado itong maganda at mahiwaga para maituring na realidad. Ngunit napatunayan niyang hindi siya namamalikmata. Kilalang-kilala niya ang amoy na bumabalot sa hangin, ang tinig ng kanyang baritonong boses, ang kakisigan ng kanyang katawan at ang galaw nitong may kasamang kagitingan.

Inilahad ng lalaki ang kanyang palad kay Raya nang ito'y tumigil sa kanilang harapan. Malaki ang kanyang bawat paghinga ngunit nakangiti itong nagwika, "Raya, nandito na ako, irog ko."

Ang mga katagang iyon ang nagbalik kay Raya sa ulirat. Hindi nga ito isang panaginip, o kaya pantasya. Agad niyang ipinasakay si Inying sa harapan ng binata at siya naman ay sumampa sa may likuran.

"Hiyaaaah!" sigaw ng binata na siyang ikinaripas naman ng takbo ng kabayo. Humigpit ang yakap ni Raya sa binata mula sa likuran.

"Salamat, Karyo, irog ko," mahina nitong tugon habang binabagtas nila ang daang hindi niya alam kung saan sila dadalhin.

Ngunit nakasisiguro siyang ang lugar na pupuntahan nila ay ligtas, kasinligtas sa tabi ni Karyo. Para kay Raya, sa presensiya pa lang ni Karyo, hinding-hindi siya matatakot sa kaaway. Hinding-hindi siya matatakot sa dilim dahil kasama niya ang pinakamaliwanag na tala sa kanyang mata.

Humigpit ang yakap niya sa binata. Pakiramdam niya, sapat na ang pagkakatong ito para makabawi ang tadhana sa lahat ng paghihirap at panungulilang ibinato sa kanya nito. Sapat na itong kabayaran sa lahat ng lungkot na dinanas siya. At ngayon, sa oras na ito, handa na siyang mamatay, basta't nandiyan si Karyo sa kanyang tabi.

"Hiyaaa!" muling sigaw ni Karyo na siyang nagpaliksi sa takbo ng kabayo.

Ngumiti si Raya, alam niyang ang ibig sabihin niyon ay "Higpitan mo pa ang pagkakayakap."


Isa ito sa pinakamasayang paglalakbay sa buhay ni Raya. Bumalik ang lahat sa kanyang alaala, mula sa kung papaano siya kinaladkad ng tadhana sa panahong iyon hanggang sa ang unang pagkikita nila ni Karyo sa Ilog Wawa. Maraming bumalik sa kanyang balintataw. Ang makahulugang salita ni Tandang Elling, ang masasayng kwentuhan sa hapag ng buong kabahayan ni Ka Timong, ang pagkakaibigan nila ni Emelita, ang buong San Mateo, ang Ilog Wawa, at ang ilang mga masasayang saglit na dahilan ng pagngiti niya ngayon.

Tinungo nila ang daan papunta sa kabundukan ng Montalban kahit malalim na ang gabi. Halos ilang kilometro na rin ang layo nila mula sa ilog. Siguradong malayong-malayo na ang kanilang nilakbay. Habang papataas sila sa bundok, nagkaroon ng malaking sunog sa paanan ng burol na pinanggalingan nina Raya.

"Ang kubo," mahinang sabi ni Raya.

Tumigil sila saglit upang masiguro kung saan nagmula ang usok at apoy. Gumilid sa mata ang luha ni Raya. Sigurado siyang iyon ang kubo ni Ingkong Tonying.

"Ate, bakit may sunog?" nag-aalalang tanong ni Inying.

Hinawakan lang ni Raya ang kamay ni Inying. Sumenyas siya kay Karyo na magpatuloy sa kanilang paglalakbay.

Di niya gustong makita ang pinagmulan ng usok at apoy. Ngunit di maikakailang naging mapait na ang sinapit ng ingkong na nag-alaga sa kanya noong siya'y nasa bingit ng kamatayan. Gayundin, di  niya maiwasang mas maawa sa batang paslit na kasama niya ngayon.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon