Kabanata XXXVIII - Kape

6.5K 299 73
                                    

Kabanata XXXVIII — Kape

Habang iniikot-ikot ni Raya ang kutsarita sa kanyang kape, matalas ang tingin nito sa kaharap na binata. Samantalang  'di naman maiwasan ni Jiggs ang ngumiti sa itsura ni Raya na tila nagsasalubong ang mga kilay nito.

"Hindi mo ba ako kakausapin?" tanong ni Jiggs kay Raya.

Tumingin sa paligid si Raya. Kaunti lamang ang tao doon. Sa isang pangmayamang coffee shop siya dinala ni Jiggs, na labag sana sa kanyang kalooban.

Bumulong siya nang kaunti habang hinahalo-halo niya ang kapeng hindi niya balak inumin.

"Taena Jiggs, pinagtatawanan mo na siguro ako ngayon sa loob-loob mo, noh?" saad nito.

"Hindi ah," sagot nito habang nakangiti.

"Sinungaling."

"Wala naman akong balak ilihim na ang hinahangaan mong author ay ako. Paano ko ba sasabihin ito sa lagay mo? Nagdadrama ka. Para kang sawi. At kung sinabi ko kung sino ako, anong magiging reaksyon mo?"

Nag-isip siya nang kaunti.

"Siguro matutuwa ako, magugulat, magpapapicture o kaya magpapaautograph!" sagot nito.

"See? Edi nagmukha kang lukring. Mabuti nang hindi ko muna sabihin. Mukha kasing lutang ka pa mula sa pangyayari," sabi ni Jiggs.

Umismid naman si Raya. "Pasalamat ka, I don't hold grudges at may utang na loob ako sa'yo."

"E 'di salamat!"

Umirap ulit si Raya.

"Pero Raya, seryoso, akala ko noong una kilala mo na ako nang sinabi mong parang namumukhaan mo ako. Tapos nakita ko pang nagbabasa ka pala ng mga gawa ko," ani Jiggs.

"Di talaga kita kilala. Hindi ko rin alam kung sino si Jose Inigo Guevarra. Ang alam ko lang, nagbabasa ako at gusto ko ang mga ideas niya, I mean, mo," paliwanag ni Raya.

"Kulang ka pala sa research. 'Diba kapag writer, dapat magaling din na researcher?"

"Siguro nga. Kaya siguro hindi ko na ring masasabing isa talaga akong manunulat dahil kulang ako sa pananaliksik at pagbabasa."

"Pero at least nagbabasa ka ng libro ko. Maganda na rin iyon. May isa pa akong libro doon, gusto mong bilhin?" pagbibiro ni Jiggs.

"May balak ka pang bentahan ako, eh wala nga akong pera ngayon. Isa na ako sa problema ng Pilipinas ngayon. Unemployed. Dahil sa pinsan mo."

"Ang laki talaga ng galit mo sa pinsan ko. Pagpasensiyahan mo na 'yon. Baka nag-away lang sila ni Alysa."

"Sinong Alysa?"

"Fiance ni Kuya Macky."

Biglang may kung anong dumagan sa dibdib ni Raya.

"Akalain mo yun, may nagkakagusto rin pala sa pinsan mong iyon."

"Pogi naman yun e, pareho kaming pogi," saka niya ipinatong ang kanyang baba sa kanyang nakatukod na kamay.

"Asa! Mas mabait ka lang! 'Di  naman pogi lahi niyo!" saad ni Raya.

"Galit na galit ka talaga sa lahi namin ah. Ano ba talagang ginawa sayo ni Kuya?"

"Tinanggal niya ako sa trabaho dahil lang sa isang bagay na di ko sinunod. Pambihira, saka lang niya sasabihing baguhin yun pagkatapos ng lahat!" nilagok niya nang diresto ang kapeng lumamig na.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon