AN: Hello sa lahat! Pasensiya na po sa pamamahinga. Busy po ako sa work. Sana po magustuhan niyo itong latest update ko.
PS: Sobrang salamat sa taong nagPM sa akin para sa isang bagay na nakapagbigay inspirasyon sa akin. :)
Enjoy reading!
Kabanata XXXI: Takbo ng Kabayo
Malamig pa rin ang mga butil ng pawis nananahan sa noo ni Raya. Nanginginig pa rin ang sistema niya matapos niyang makita ang marahas na pagpatay ng mga kastila sa mga magsasaka. Naging dahilan naman niyon ang pagkakaroon niya ng kaba kaya't hindi niya maibalanse ang katawan niya habang nakasakay sa kabayo.
Napansin naman iyon ni Karyo kaya marahan niyang tinapik si Patsing para tumigil ito sa paglalakad.
"M-may problema ba? May kastila nanaman ba sa paligid?" may pag-aalalang tanong ni Raya at saka nito iginala ang paningin sa paligid.
"Bumaba ka riyan. Ang tantiya ko'y maaari kang mahulog anumang oras," tumingala siya sa dalagang malayo pa rin ang tingin at tila may bagabag sa kanyang mga mata.
Hindi sumagot si Raya kahit alam niyang may narinig siya. Umaalingawngaw nanaman ang putok ng baril sa kanyang tainga. Naalala nanaman niya ang putok na iyon ang pangyayari sa Ilog ng Wawa, ang putok ng baril sa hating gabi, at ngayon, ang putok ng baril para sa magsasaka. Para sa kanya, ang putok ng baril ay tila isang multong naghihiganti. Hangga't umaalingawngaw ito sa kanyang utak, hindi siya matatahimik. Baka sa anumang oras, ang bala ng baril ay sa kanya din tutungo.
Paano kung dito na rin siya lagutan ng hininga? Paano kaya ang buhay niya sa hinaharap? Ayaw man niyang isipin ang mga ganito ngunit umuulit-ulit sa utak niya ang mga bagay na bumabagabag sa kanyang isipan. Kumusta na kaya ang mga kaibigan niya sa kasalukuyan? Habang iniisip niya ang mga taong nakakasalamuha niya roon, lalo namang lumalalim ang kanyang pagtatanong. Para kanina nga ba siya nabubuhay? Itinuring na niyang buhay ang nakaraan. Wala siyang matinding dahilan para mabuhay sa kasalukuyan. Wala siyang pamilyang babalikan doon. Si Cheska na kanyang kaibigan ay may sarili din naman buhay. Maliban kay Cheska, wala na siyang maisip na taong mahalaga sa kanya. Wala ring taong malapit sa kanya. Minsa'y iniisip niyang hindi siya bagay sa panahong iyon, na hindi siya kumpleto't wala siya kalalagyan doon. Lalo siyang nanlulumo sa naiisip niyang itim at puti lang ng kulang ng buhay niya.
Magpapatuloy pa sana sa pagmumuni-muni si Raya nang makaramdam siya ng pagpatak sa kanyang noo. Agad namang pinatigil ng nag-aalalang si Karyo ang kabayo upang sumakay dito.
"Ipagpaumanhin mo binibini ngunit sana'y marapatin mong makasabay ako sa iyo sa pagsakay sa kabayo. Hindi ko nais na gulatin ka," saad ni Karyo nang ito'y makasakay sa kanyang harapan.
Napakagat ng labi si Raya. Malapit na malapit ang tinig na iyon sa kanya. Tinalo nito ang alingawngaw ng bala na kanina pa niya naririnig ng tainga.
"Kumapit ka sa akin," muling sambit ni Karyo.
Nangingig siyang kumapit sa kamisa ni Karyo. Ngayon lang ulit sila nagkalapit ni Karyo ng ganito. Simula kasi noo'y hindi gaanong lumalapit ang binata sa dalaga.
Tumawa si Karyo.
"Raya, luma na ang kamisa ko. Hindi na ito matibay kaya't anumang oras ay mapupunit ito kung ganyan ang paghawak mo. Kung ayaw mong makitang mawalan ako ng damit, ayusin mo ang pagkapit mo,"nakangiti sabi nito sa dalaga.
Nagising sa ulirat si Raya. Hinampas nito ang likod ni Raya.
"Grabe ka naman! Di naman kita huhubaran eh!"
Tumawa ulit si Karyo.
"Ngunit natatanggalan na ako ng damit!" pabirong sabi ni Karyo.
"Hindi ko intensiyon noh! Oh, eto na, kakapit na " nakangiti ring sabi ni Raya habang kumakapit sa baywang ni Karyo.
BINABASA MO ANG
Está Escrito (It is Written)
Narrativa StoricaIsang Historical fiction sa loob ng isang historical fiction. Mabubuhay ka pa kaya sa kasalukuyan kung di ka pa nakakatakas sa nakaraan? (Completed) (Taong Inilimbag: Disyembre 2013 - Mayo 2017) ....