Kabanata XVII - Meet the Boss

9.5K 362 112
                                    

Ikalabimpitong Kabanata - Meet the Boss

Inaasahan ni Raya na paggising niya, nasa bahay na siya ni Ka Timong. Ayaw man niyang aminin, pero gusto niyang makita ang buong San Mateo, siyempre kasali na doon si Karyo. Kahapon pa siya balisa. At tila lahat ng bagay sa kwarto niya ay iniuugnay niya sa San Mateo. Kahapon din ay nakaranas siya ng matinding pagkabaliw, dahil tila halos lahat ng bagay na nakikita niya ay may nakikita siyang imahe ni Karyo. Mula sa teddy bear sa kanyang aparador, sa poster ng kanyang paboritong artista, hanggang sa larawan ng mga friends niya sa facebook. Parang nakikita niya doon si Karyo at halos sinasabi niyang kahawig nila si Karyo. Napabalikwas siya nang kaunti nang makita niyang bukas ang kanyang laptop. Nakatulugan na niya pala ito.

Kagaya ng araw-araw niyang ginagawa, gumagawa siya ng mga drafts, concept maps at brainstorming graphs at kung anu-ano pa para sa kanyang ginagawang nobela. Isa ito sa dahilan kung bakit ayos na ayos sa kanya ang trabahong ito kaysa sa magproofread at araw-araw na pumasok sa opisina ng kumpanya nila kung saan lagi namang wala ang boss niya pero kung maka-utos ay daig pa ang araw-araw na pumapasok. Bukod sa hindi siya araw-araw na papasok sa opisina nila, hawak din niya ang oras niya. Hindi kasi oras ang batayan ng pagpapasahod sa kanya ngayon, kundi ang output na maibibigay niya sa loob ng panahong ibinigay sa kanya.

"Okay na to, at least kapag natapos ko ito, hayahay ako sa buhay. Maghihintay na lang ako kung kelan ako pababalikin ni Boss bilang proofreader," sambit niya habang nakatitig pa rin sa screen ng laptop niya. Ang email na lang kasi ang komunikasyon nila ng boss niya.

Sabagay, kahit naman noong pumapasok siya sa opisina ay hindi rin niya madalas makita ang boss niya o makausap lamang nang matagal. Halos lahat ng ipag-uutos niya sa kanyang mga tauhan ay ibiinibigay na lamang ng kanyang sekretarya. Siguro sa 4 na taon ni Raya na nasa kumpanyang iyon, pitong beses pa lang niyang nakakausap ang boss niya. Una, noong nag-apply siya. Pangalawa, noong binigyan siya ng first break. Ikatlo hanggang ikalima, noong inutusan siyang gumawa ng tatlong. Ikaanim, noong magreresign dapat siya. At ikapito, noong sinabing gagawa siya ulit ng nobela at ito ay isang historical fiction. Ngunit halos lahat, nakatalikod siya. Parang pakiramdam niya tuloy, ayaw makita ng boss niya ang pagmumukha niya.

Nainip siya dahil tila hanggang ngayon, wala pa ring komento ang boss niya sa manuscrpit na ipinadala niya. Naisipan niyang magresearch na lamang sa internet ng tungkol sa kasaysayan. Talagang 'di niya maatim ang magbasa ng ganun. Sumasakit ang ulo niya sa mga nababasa niya.

"Siguro sasakit din ang ulo ng mga readers ko kung pupunuin ko to ng tungkol sa kasaysayan. Ibig sabihin, kailangan kong kumuha ng mahahalagang impormasyon lamang. Dagdagan ng kaunting pagkaaliw, bawasan ng kaunti ang madudugong eksena dahil masakit ito sa puso, maglagay ng maraming aral sa buhay na magbibigay ng impact sa mambabasa at.." natigil lang siya saglit.

"...bigyan ng mas malaking pansin ang pag-iibigan nina Emelita at Karyo," sambit niya at napabuntong hininga siya.

Para kasing ganoon na lamang ang panghihinayang niya. Naguguluhan din siya sa mga nangyayari, pati na rin sa kanyang sarili. Ngayon lamang siya nakatagpo ng pagkakataong 'di niya nais ang babaeng makakatuluyan ng lalaki sa kanyang kuwento.

MALI. Hindi niya iyon kwento o gawa, napunta lang siya sa nakaraan. O baka naman TAMA. Gawa niya sina Karyo at Emelita. Dinala niya ang kanyang sarili sa sarili niyang imahinasyon. Ngunit totoo nga bang tao sina Karyo at Emelita mula sa nakaraan? O talagang guni-guni niya lamang ang mga iyon at lahat ay panaginip?

"Kung totoo man ito, ibig sabihin, kahit papaano, may nakapagsulat din ng tungkol sa pag-iibigan ng isang indiyo at anak ng principalia. Pero para kasing panaginip lang ang lahat dahil tuwing nakakabalik ako sa kasalukuyan, lagi akong nagigising sa loob ng kwarto ko," pagmumuni-muni niya.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon